CHAPTER 6
BEL-AIR HOTEL
CITY G
DRIZELLA POV
Out of pain, I gasped for air.
Hinihingal na napabangon ako dahil sa alala ko ay naririnig ko pa rin ang malakas na putok ng baril at ang pagtama ng bala nito sa akin.
Agad kong tinignan at hinawakan ang parte ng tiyan ko na tinamaan. Alam na alam ko na totoong nangyari yon pero wala man lang kahit anong palatandaan.
"Oh my God!",Napaungol ako habang sapo sapo ko ang masakit kong ulo dahil na rin sa biglaang pagbangon. Dahan dahan tuloy akong bumalik sa pagkakahiga ko at nanatili nalang muna ako sa ganong posisyon.
"What the hell is going on?!", Tanong ko sa sarili ko habang nakatitig ako sa kisame. Umiikot na nga ang paningin ko dahil sa hangover ay umiikot pa rin ang isip ko sa takbo ng mga pangyayari.
Ang alam ko ay nasa isang bukirin ako kagabi dahil tumatakas ako sa masasamang loob pero sa kasamaang palad ay nabaril ako ng kung sino. Hindi ko na nakita ang salarin dahil nung pinilit kong tignan sya ay wala naman akong nakitang tao sa paligid ko. Basta, I'm sure na naghingalo na ako at namatay na that time.
As in ay tsugi na talaga!
Ewan ko ba at parang magic na biglang nag kamalay ulit ako. Okay at wala akong tama ng baril pero tama ng alak ay meron! Dahil suka lang naman ako ng suka sa loob ng CR ng isang club, lasing na lasing pero buhay na buhay. Though dahil sa kalasingan na yon ay parang unti unti na rin akong mamamatay.
Bakit nga ay hindi naman ko manginginom noh!
Anyway, so ayon nga. Bukod sa I felt bad about me being drunk, I felt worse with the fashion statement I saw I'm wearing. Diyos ko po Lord! Hindi ko kakayaning mag suot ng ganong damit kahit pa nga ba gaganap akong pambansang pokpok sa theater arts namin. Una, ayoko! Pangalawa ay hindi ko keri!
"Gosh! Ang haba ng mga kuko ko, gross! Pero infairness ang ganda ng design ng nail art nya.", Wala sa sariling napuri ko pa ang mga kuko ko habang hindi pa rin ako makapaniwalang akin nga ito.
Nung marinig kong tumunog ang wall clock at napatingin ako don ay nakita kong 10 am na pala. Kaya masama man ang pakiramdam ko ay pinilit ko na ring bumangon.
"Oh gosh! s**t!", Halos mapasigaw ako sa gulat at pagtataka nung makita ko yung itsura ko sa wall mirror na nandon. I mean, ang haba kasi ng buhok ko na naka curl pa ang dulo kaya muntik ko ng di makilala ang sarili ko.
Akala ko kagabi ay namamalik mata lang ako nung akala ko ay humaba ang buhok ko kaya hindi ko na pinansin! Noon pala ay totoo.
"Who the hell are you?!", Natanong ko tuloy sa babaeng nasa reflection ko sa salamin. Lalo na nung hindi ko sinasadya na mag loose ang robe na suot ko at makita ko na naman ang tattoo ko.
"Who would like to have a long nail, long hair and a tattoo in her shoulder? Definitely not me!!!"Nanghihinang napaupo ako ulit sa gilid ng kama. "I know this is me, pero alam kong hindi rin ako to! Ano ba?!", Sabi ko na napahawak pa ko sa ulo ko na parang naloloka na. Actually ay hindi ko alam kung naloloka na ba talaga ako o dala pa rin to ng hangover ko.
"Tingin ko naloloka na nga talaga ako!", Announce ko nung makakita ako ng kalendaryo at hindi ko ma figure out kung anong date yon.
Ang basa ko kasi don ay "Year 15-X30" , what the f**k di ba?!
"Pwede kayang nag time travel ako?!"
"Eto kaya yung tinatawag nilang Parallel universe? At nasa katawan ako ngayon ng isa pang ako?!"
"Posible kaya yon? Nung mamatay ako sa mundo ko ay napunta naman ako dito?! Pero bakit at paano?!"
"At kung totoo nga na nasa parallel world ako, saan na napunta ang may ari ng katawan na to at sino sya sa mundong ito?Tsaka paano ako makakabalik nito sa totoong mundo ko?!"
Yaan ang mga sunod sunod na tanong ko sa sarili ko. Basta para lang akong tangang kausap ang sarili ko.
"At paano nga kung patay na talaga ang totoong ako? At hindi na ako makakabalik? Paano ko na makikita sila mommy? At paano ako makakahingi ng tawad sa kanila?!", Sa isipin kong yon ay hindi ko naiwasan ang malungkot at mag alala. Para tuloy may kung anong mabigat na nakadagan sa dibdib ko.
"Driz ano ka ba!? Wag ka ngang nega! Paano mo malalaman kung hindi mo aalamin di ba?! Ang dami mong tanong diyan, tapos nakatayo ka lang? Ano yon di ba? Hala lumayas ka at humanap ka ng kasagutan!", Parang tangang encourage ko sa sarili ko na nakalugmok na sa kinatatayuan ko.
Grabe! Masakit ang lahat sa akin, most especially dahil pakiramdam ko ay sobrang weak ng katawan kong ito. Yung para bang hindi ako kumain ng kanin ng isang linggo dahil may sakit ako, yung ganon.
Or masakit ang katawan ko dahil...
"Sa city G tayo, sa hotel na lang."
Bigla kong naalala yung sabi ng dream boy ko sa driver nya nung sapilitan nya akong isakay sa sasakyan nya kagabi. At sa faded memory ko ay biglang nag flashback sa utak ko ang mga scene na: niyayakap ako nung lalaki sa sasakyan nya (parang ganon) at binuhat pa nya ko papasok sa isang hotel. Natatandaan ko pa nga nung ihiga nya ko sa kama, may mga nag uusap sa paligid ko. Hindi ko maintindihan pero alam ko na marami sila.
"Pero dream boy ko sya, paano nyang nagawa sa akin yon? He even saved me di ba?! Tapos hahalayin lang pala niya ko at ipapatira pa sa mga kasamahan nya?", Parang nanlulumong napa upo na naman ako sa kama.
"Driz ano ka ba? Hindi ka pinanganak na weak kaya tumayo ka nga dyan!", Bulong na naman ng isang side ng isip ko.
"Tama!", Sagot ko naman.
Hindi ito ang panahon para maging emotional. Dahil kung totoong nasa ibang mundo ako ay kailangan kong maging mautak! Hindi ibig sabihin na dreamboy ko sya ay hindi na nya kayang gumawa ng masama hindi ba? To think na lasing ako at hindi kami magkakilala. Sabihin na nating, he took advantage of my fragility. Patunay pa nito na nandito pa ko sa hotel na pinagdalhan nya sa akin kagabi. Kung talagang pinagsamantalahan nya ang kahinaan ko kahit pa nga ba sino pa syang ponchio pilato, kailangang panagutan nya na muna ako!
Dala ang namumuong galit sa dibdib ko ay sinikap kong ayusin ang sarili ko kahit pa nga ba hilong hilo pa rin talaga ako.
Isinuot ko na muna ang damit at sapatos na nakita kong naka handa doon. Hindi ko alam kung kanino o sino ang naglagay nito pero tingin ko ay gamit din ito ng AKO dito sa mundong ito.
Black dress yon (hindi ko type dahil) medyo daring pa rin ang cut pero dahil wala akong choice ay isinuot ko na rin yon kaysa wala. Syempre pati ang may kataasang shoes na kulay red ay pinagtyagaan ko na rin.
Nung tingin ko ay mukha na ulit akong tao ay dahan dahan akong lumabas ng kwarto. Spying left and right, malay ko ba kung may nagmo-monitor sa akin di ba? Nung wala naman akong makitang kahina hinala ay bumaba na agad ako sa ground floor.
"Sya yon!", Halos hindi ako makapaniwala nung makita ko si Mr.Dreamboy ko sa isa sa mga mini office ng hotel. As usual ay naka suot sya ng blazer coat at kahit may kalayuan ako sa kanila ay masasabi ko pa rin na he looks great today!
Nakakainis at parang kinilig pa nga ako pagkakita ko sa kanya with matching faster heartbeat pa! For that ay talagang pinagalitan ko ang sarili ko.
Kung hindi lang dahil nakilala ko ang dalawang taong kausap nya ay baka nanatiling nakatitig na naman ako sa kanya. Yung isa don ay yung driver nya at yung isa naman ay yung kasama nya na bumitbit sa akin pasakay ng kotse nya. Ewan ba at mukhang seryoso ang pinag uusapan nila.
"Oh my God!", Napatakip ako sa bibig ko. Kung anu ano na kasi ng pumasok sa isip ko. Hindi kaya ako ang pinag uusapan nila? Kung paano nila ako idi-dispatcha?
Sa isipin kong yon ay halos magkandarapa ako sa paglayo sa vicinity ng hotel.
Timing naman na nakakita ako ng police mobil car sa di kalayuan. Pinuntahan ko agad ang nakita kong naka uniform na police officer at nag report agad ako sa kanya.
"Nasa loob ba kamo ng hotel ang nag samantala sayo?!", Seryosong tanong nung pulis na naka usap ko after nyang pakinggan ang statement ko.
"Opo, nandon pa po sya. Pati chief yung driver nya kagabi at yung pilit na nag sakay sa akin sa sasakyan nila kahapon nandon pa po. Please tulungan nyo po ako na mahuli sila dahil talagang natatakot ako sa pwede nilang gawin sa akin. Baka nga hinahanap na nila ko ngayon sir para dispatchahin eh.", Naiiyak na sabi ko. Nagpaawa talaga ko sa kanya para masiguro ang pagtulong nya.
"Bakit ba kasi napaka ganda at napaka sexy mong bata ka?!", Parang nabiglang tanong sa akin ng may edad na pulis habang inulit ulit pa nya ang pagtingin sa legs at cleavage ko.
"Po?!", Kunyari ay nabinging tanong ko. I swear, kung hindi ko nga lang kailangan ng tulong ng tukmol na to ay baka kanina pa sya tinamaan sa akin dahil na rin sa di nya maitagong kamanyakan nya!
"I mean, kahit gano ka pa kaganda, hindi ka dapat nila pinag interesan ng ganon kung hindi ka naman nobya ng lalaking yon!", Pagbawi ng pulis sa mga sinabi nya. "Miss, sigurado ka bang hindi mo sila kilala?!", tanong ulit nya.
Umiling-iling ako.
"Ikaw pala yung babae na yon?!", salo naman nung yosi vendor. Hindi na nga sya umalis ay nakinig pa pala sya. "Totoo po yung sinasabi nya chief! Nagkataon po nasa malapit lang ako kaninang madaling araw. Nakita ko nga po na huminto yung dalawang itim na sasakyan. Nagbabaan pa nga po yung ilang mga kalalakihan na pawang mga naka itim. Pero ang kapansin pansin chief ay yung isang lalaki na tingin ko ay ang pinaka big boss. Bitbit nya po ang walang malay na babae at ipinasok sa hotel! Sya po pala yon!", Madaldal na kwento pa nya.
"Nakita mo ko?!", Gulat na tanong ko. Sobrang timing naman ng panyayaring ito.
"Kung nakita mo nga sila ay malakas na ebidensya yan. Willing ka bang tumestigo para sa kasong ito?!", Tanong ni manong pulis na nagtaka din sa galing ng pagkakataon.
"Oho! Syempre naman! Hindi po ako aalis dito kung kinakailangan. May mga kapatid din po kasi akong mga babae at hindi ako pabor sa mga mayayaman na ginagawa lang libangan ang pang aapi at pagpapa iyak ng mga babae!", Determinadong sabi pa nya.
"Kung ganon ay aasahan ko yan. Sa ngayon ay kailangan muna naming tignan kung nandon pa nga yung lalaking sinasabi nya sa loob ng hotel.
Simulan na natin ang hot pursuit operation na ito!", Very confident na sabi ng police officer.
Itutuloy...