CHAPTER 50 WREN POV "Drizella,"tawag ko sa pangalan nya habang wala akong kasawaan sa pagtitig sa maganda nyang mukha. Nung oras na nawala sya ay parang maloloko na ako sa kakaisip. At ayaw ko ng mangyari ulit ang bagay na iyon. Kaya nga ipinapangako ko na gagawin ko ang lahat para gustuhin nalang nya na manatili dito sa tabi ko. Kaya nga hindi ako umalis sa tabi nya na nanatili lang akong nakabantay sa kanya. Gusto ko kasi na ako ang una nyang mamulatan kapag nagising na sya. FEW HOURS LATER "Mommy, Daddy, Eunice,"sabi ni Drizella sa pagitan ng pag ungol nya. Para bang nananaginip sya. Agad akong lumapit sa kanya at tinawag ng tinawag ang pangalan nya upang tuluyan na syang bumalik sa amin. Hanggang sa napasigaw sya at humahangos na napabangon. "Wren!"tawag ni Dri

