CHAPTER 61 DRIZELLA POV "Wren?" Wala akong idea kung sino si Wren o ano sya para sa akin. Basta para akong tanga na hinanap ko sya sa paligid dahil feeling ko ay nasa malapit lang sya. At nung hindi ko sya makita ay ibayong lungkot ang agad ang naramdaman ko dahilan kung bakit umiiyak ako ngayon. "Sino si Wren? At bakit ako umiiyak?"nagtatakang tanong ko sa sarili ko habang pinupunasan ko ang mga luha ko na walang tigil sa pagtulo. "Tita bakit ka umiiyak?"tanong ng bunsong anak ni Eunice na si Joy. Sa ilang araw na pananatili ko kasi dito kasama nila ay nakagaanan na nya ako ng loob. Ganoon din naman ang dalawang kapatid nya na nakilala ko kahapon kasama ng bayaw ko. "Wala, may naalala lang si Tita,"nakangiting sabi ko sa kanya habang pinupunasan ko ang mga luha ko.

