CHAPTER 38 DRIZELLA POV "Kamukha kasi sya nung nakilala ko sa mundo namin, posible kaya na sya rin iyong tao na iyon? Ano sa tingin mo Sion?" "Uhm kung ako ang tatanungin mo maaring kamukha lang nya iyong tao sa mundo nyo. Remember maraming bagay ang katulad ng mga nandito sa pinanggalingan natin. Tao pa kaya? Pero kung gusto mo makasigurado, pwede mo naman syang tanungin,"payo pa nya sa akin at nag thumbs up pa sya. Sa totoo lang ay ikinonsidera ko yung sinabi na iyon ni Sion. Wala naman sigurong masama kung tatanungin ko nga sya. Kaya lang, nung tumagal naman na nakasama ko si Chuno ay tuluyan ng nawala ang mga pagdududa ko sa kanya. Bukod kasi sa malambing sya at maaasahan ay mabait talaga sya kahit kanino. Kaya naisip ko na hindi nya magagawa ang tulad ng manakit at mang h

