CHAPTER 59 WREN POV "What's happening?"nag aalalang tanong ko habang pinapanood ko si Uper sa ginagawa nya. It's very frustrating na wala akong magawa para sa asawa ko. "I don't know yet! Pakitawag yung nurse para may assistant ako," utos nya sa amin, si Mang Tatra ang mabilis na kumilos para sundin sya. Habang inaasikaso nila si Drizella ay wala akong nagawa kung hindi ang tignan nalang sya at mahabag sa kalagayan nya. Mahina at maputlang maputla na kasi ang itsura nya at magpasa hanggang ngayon ay hindi pa rin sya nagmumulat ng mga mata. "Wren, gawin na natin ang sinasabi ko bago pa mahuli ang lahat,"sabi sa akin ni Mang Tatra nung makabalik sya. Nasa mukha at kilos nya ang lubos na pag aalala nya. Tumango lang ako at inisip ko agad ang mga hakbang na gagawin namin.

