CHAPTER 45 DRIZELLA POV "Ha? Sion? Sinong Sion?"maya maya ay parang tangang tanong nya sa amin. "At tsaka bakit ako umiiyak? At bakit biglang malungkot yung pakiramdam ko?"nagtatakang tanong nya at pinunasan pa nya ang mga mata nya. Nagkatinginan kami ni Mang Tatra. Dapat kasi ay hindi nya na maalala si Sion, pero dahil malalim ang naging samahan nila ay may bahagi pa rin ng utak at puso nya ang panandaliang nakaalala. Doon ko naisip na makapangyarihan pa rin ang pag ibig. Nagagawa nitong sirain ang batas ng mahika na nagbabawal sa pagpapaalala. Hindi ko napigilan ang sarili ko at niyakap ko si Maya. At doon ay umiyak ako ng umiyak at tahimik na ipinag dasal ang kaligayan at proteksyon ni Sion kung nasaan man sya. ***** SCHOOL CANTEEN Isang araw na ang matulin

