CHAPTER 36 DRIZELLA POV "Si Mama,"sagot ko agad sa kanya. Tumango si ate Mavis bilang tugon. "Alam mong hindi lang sya basta mananahimik tungkol sa mga bagay na ito. Malamang ay hinahanap ka na non ngayon para kausapin",sagot pa nya na lalong nagpa kaba sa akin. Napansin siguro iyon ni ate kaya lumapit sya sa akin at hinawakan ang mga kamay ko na nanlalamig na sa nerbyos para pakalmahin. "But don't worry, I know sa mga oras na ito ay kausap na sya ni Wren. You just have to trust your husband on this,okay?" Pagkarinig ko sa sinabi nya lalo na sa part na "husband" ay may part talaga ng puso ko ang natutuwa kaya parang kumakalma na rin ang buong sistema ng katawan ko. Tama nga naman. Kailangan ko lang talaga na magtiwala sa asawa ko dahil sabi naman nya ay sya ang bahala

