NASA loob na si Ariyah Lynn nang sasakyan ni Chance pero hindi pa rin mawala ang panginginig ng katawan niya sa takot.
Hindi naman siya natatakot no’ng umpisa ng gulo, pero nang makarinig siya ng putok ng baril at nang sapilitang paghablot ng lalaki sa kaniya ay doon na siya nag-umpisang matakot.
"Here. Drink this,"
Sa nanginginig niyang kamay ay inabot niya ang mineral water na ibinigay nito sa kaniya at uminom kaagad.
"S-Salamat," aniya at ibinalik ang bote ng mineral water rito na nakalahati niya ang laman.
Hindi ito sumagot at kinuha lang nito ulit mula sa kaniya ang plastic bottle ng mineral water. Tinakpan nito iyon at inilagay sa may gilid sasakyan nito.
"Put your seatbelt on. We're going home." utos nito sa kaniya.
Pero nang maalala niya ang kaniyang pinamili ay kaagad siyang kinabahan.
"Iyong pinamili ko, Manong. Wala po akong pera para—"
"Mas iniisip mo pa iyan kaysa buhay mo?" masungit na tanong nito sa kaniya.
"Wala naman kasi akong pera para bayaran iyon—"
"And do you think that's the first thing Thea will think about, before your safety?”
Umirap na lang siya at nanahimik. Alam niyang hindi ang pera ang unang iisipin ni ate Thea. Pero sayang naman talaga. Lumaki siyang hindi naghihirap at lahat ng luho niya ay nabibili niya pero marunong naman siyang magpahalaga ng pera.
Napabuntonghininga na lang siya at ibinaling ang tingin sa labas.
Wala ng masyadong tao sa palengke pero maraming mga gulay na nakakalat sa lupa na pinupulot na ng mga may-ari. ‘Yung mga natumbang estante ng gulay at sibuyas ay ibinabalik na rin sa dating ayos.
Mabuti na lang talaga at may mga pulis na kaagad rumesponde kanina at dinampot iyong mga lalaking nagrarambulan at nagpaputok pa ng baril.
Kinikilabutan pa rin siya kapag naiisip niya ang malakas na putok na iyon. Para kasing sa panaginip niya.
Napatingin siya kay Manong nang huminto ang sasakyan.
“Get out.” walang emosyong taboy nito sa kaniya.
“Po?”
“Ang sabi ko, lumabas ka na.”
Mabilis naman siyang napatingin sa labas. Oh! Nasa tapat na pala sila ng gate ng bahay nina ate Thea.
"Ah, hindi ka ba papasok sa loob? Hindi ba at isa ka sa mga bodyguard nina ate Thea, bakit hindi na lang tayo sabay na pumasok?"
Naningkit ang mga mata nitong tiningnan siya. "Get out now, before I'll throw you outside."
“Tsk. Sungit,” pabulong na aniya.
Tinanggal niya ang seatbelt na nakapulupot sa kaniyang katawan.
Akmang bubuksan na sana niya ang pinto sa gilid niya nang maalala niyang hindi pala dapat na malaman ng kuya Derick niya ang nangyari. Siguradong mag-aalala iyon sa kaniya lalo na si ate Carla at baka ayaw na siya nitong pagtrabahuin.
Hinarap niya ito ulit.
“What?”
Natigilan siya. Bakit ba ang sungit ng lalaking ito? Then, she remembered on what he did to ate Rachell’s flower and chocolate she gave to him.
“Bakit ba ang sungit mo, Manong?” balik niyang tanong dito.
Mas lalong nagsalpukan na ang dalawang makakapal nitong kilay na nilingon siya.
“Lalabas ka o ako na ang hihila sa ’yo palabas?” banta nito sa kaniya.
Pero sa halip na matakot ay hindi niya iyon nararamdaman.
Simula kanina nang iligtas siya nito sa gitna ng away ay itinuturing na niya itong kaniyang tagapagligtas. She owed him for her dearest life.
Ngumiti siya. “Lalabas po ako, promise…” parang batang itinaas pa niya ang kaniyang kanang kamay. “May sasabihin lang ako sa ’yo saglit. Sana pagbigyan mo ako.”
Hindi ito sumagot. Itinuon nito ang mga mata sa unahan, humigpit ang mga kamay nitong nakahawak sa manibela at nag-iigting ang mga panga.
Pero sa halip na matakot sa mga body language nito na halatang napipikon na dahil sa kakulitan niya ay namangha lang siya.
“Una, salamat sa pagligtas mo sa akin. Pangalawa, sana Manong, hindi na makararating pa sa kuya Derick ko ang nagyari roon sa palengke.”
Umigting ang mga panga nito at dumilim ang hitsura.
Nag-iwas siya ng tingin dito. “Ayaw ko lang na mag-aalala siya sa akin. Ayaw kong dagdagan pa ang mga alalahanin ni ate Thea.”
Muli niya itong tiningnan nang hindi ito kumibo.
“Manong, please…” pakiusap niya.
Umusog pa siya at hinawakan ng dalawang kamay niya ang namumutok nitong braso.
“Get your f*****g hands off me.” madiin nitong saway sa kaniya.
Pero makulit siya at hindi ito binitiwan. Mahina pa niya itong niyugyog.
“Please, Manong…” Pinapungay pa niya ang mga mata para maawa ito.
“Fine. Now, get out!”
Napanguso siya. Pero napangiti rin naman kaagad. Ewan ba niya, pero simula kanina nang iligtas siya nito at kanina pa pinagsasalitaan ng hindi maganda, yes, nao-offend siya, pero hindi naman siya nagagalit dito.
“Yayy! Thank you!" masayang sabi niya, pagkuwan ay binuksan na niya ang pinto ng sasakyan nito at bumaba kaagad siya.
Nag-doorbell lang siya at pinagbuksan naman kaagad siya ng guard.
Wala pa sina ate Thea at ang mga bata. Pero bukas naman ang bahay kaya nakapasok naman siya sa loob. Kinuha niya ang phone na bigay ni Dr. Fortalejo sa kaniya at tinawagan si ate Rachell.
“Lynn, kumusta ka? Nagkaroon daw ng gulo sa palengke. Okay ka lang ba? Wala bang masakit sa ’yo?” sunud-sunod at nag-aalala ang boses na tanong ni ate Rachell sa kaniya.
Napakurap siya. Napaawang pa ang bibig niya. Paanong nalaman nito na nagkagulo kanina sa palengke? Sinabi ba kaagad ni Manong dito ang nangyari?
“Okay lang po ako, ate Rachell. Paano nga po pala niyo nalaman?” tanong niya rito.
“Sinabi sa akin ni Doc Lawrence. Tatawagan na nga sana kita kaya lang naunahan mo na ako.”
Kay Doc Lawrence pala nagsumbong si Manong.
“Ah, gano’n ba. Okay lang ako, ate Rachell. Napatawag lang ako dahil nag-aalala po ako doon sa mga pinamalengke ko. Hindi ko kasi nasalba. Pero ‘wag kang mag-aalala, babayaran ko—”
“Naku! H’wag mo na iyong alalahanin," agad na putol nito sa kaniya. "Ang importante ay walang nangyari sa ’yong masama.”
Gusto sana niyang sabihin dito na iniligtas siya ni Chance Saavedra kaya walang nangyari sa kaniya na masama. Pero may kung anong pumipigil naman sa kaniya kaya hindi na lang niya sinabi.
She will keep it to herself. Napangiti siya. Pero agad din nawala ang ngiti niya nang maramdaman ang lakas ng pintig ng puso niya. Napahawak siya sa tapat ng kaniyang dibdib. Bakit pumipintig ng malakas ang puso niya?
Napalunok siya. May gusto ba siya kay Manong?
“Anyway, wala ka na bang ibang concern?” untag sa kaniya ni ate Rachell nang natahimik na siya.
Napakurap-kurap siya. “Uh… sorry, ate Rachell. Wala na po. Pakisabi na lang po pala kay Dr. Fortalejo na salamat at hindi niya pababayaran sa akin iyong nasayang na pinamalengke ko.”
Narinig naman niya ang mahina nitong pagtawa, bago umuo at ibinaba na ang phone.
Pero hindi siya nakuntento at nagtipa siya ng mensahe sa among doctor ng kaniyang pasasalamat at humingi na rin siya ng pasensya sa nangyari.
Hapon na at hindi pa rin dumating sina ate Thea at ang kambal kaya ginawa na lang niya iyon ng pagkakataon para linisin ang room ng mga ito at kunin ang mga maruruming damit ng mga bata.
Patapos na siya sa paglilinis nang bumukas ang pinto nang kuwarto. Nanlaki ang kniyang mga mata at mabilis na tumalikod at tatakbo na sana siya sa loob ng banyo dahil nandito na ang kambal.
“Tita Lynn…”
Nanigas ang katawan niya at hindi na nakagalaw pa sa kinatatayuan nang marinig niya ang pamilyar na boses ni Hope na sinambit ang pangalan niya.
Mangiyak-ngiyak at dahan-dahan niya itong hinarap.
“H-Hope,” garalgal ang boses na sambit niya rin sa pangalan nito.
Ngumiti naman ito sa kaniya. Pero nang maalala niya ang sinabi ni ate Thea, na ‘wag muna siyang magpakita sa mga bata ay natatarantang mabilis niyang dinampot ang basket na puno ng labahin at walang lingon-likod na lumabas siya sa kuwarto ng mga ito.
Ngunit napasinghap naman siya at namilog pa ang kaniyang mga mata nang sa paglabas niya ng silid ay nakasalubong niya si Faith, nakasunod naman dito si ate Thea.
Tatalikod na sana siya at iiwasan ang mga ito nang marinig niya si ate Thea.
“It’s okay, Lynn.”
Natigil siya sa akmang pagtalikod niya at dahan-dahan siyang humarap sa mga ito. Napakurap-kurap pa siya nang makita niyang tipid na nginitian siya ni Faith bago ito pumasok sa loob ng silid ng mga ito.
“Ate Thea…” mangiyak-ngiyak na namang sambit niya habang sinusundan ng tingin si Faith. “Totoo po ba iyong nakita ko? Nginitian po ako ni Faith.”
Naramdaman niya ang kamay ni ate Thea na humawak sa balikat niya at mahina nito iyong pinisil.
“Yes, Lynn. Sabi ng doctor nila, unti-unti na nilang nao-overcome ‘yong trauma. Masaya ako, Lynn. Sobrang saya,” ani ate Thea.
Humarap siya rito at namilog pa ang kaniyang mga mata nang bigla na lang siya nitong yakapin. Pero agad din siyang gumanti ng yakap dito.
Sobrang saya rin niya. Kaya sa sobrang saya niya ay agad din niyang ibinalita iyon kay Doc Lawrence thru text message.
Ilang minuto rin silang nagpapalitan ng mensahe at alam niyang sobrang saya rin nito. Kung nakunan lang sana niya ng picture iyong ngiti ni Faith kanina at na-record ang pagsasalita ni Hope, tapos ise-send niya kay Doc, nakasisiguro siyang wala pang isang minuto ay sumugod na ito rito para makita nito ang mag-ina nito.
Pinagsalikop niya ang dalawang kamay at idinikit niya pa iyon sa tapat ng dibdib niya at pumikit.
“Sana po, Lord, magtuloy-tuloy na po ang paggaling ng kambal para magkabalikan na rin sina ate Thea at Doc Lawrence,” mahina at taimtim niyang dalangin.
Nang mag-aalas singko nang hapon ay may dumating na limang bags na groceries. Hindi na rin naman siya nagtaka dahil sinabi ni Doc sa kaniya na may inutusan na itong tauhan nito para mamalengke at mag-grocery.
Nagluto kaagad siya at dinamihan pa niya para mabigyan niya si Manong. Pasasalamat na rin niya rito sa pagligtas sa kaniya kanina at sa pagtupad sana nito na hindi nito sasabihin sa pinsan niya ang nangyari.
Dala niya ang isang lunch box na may lamang specialty chicken adobong niluto niya ay lumabas siya ng bahay para pumunta sa kubo ni Manong.
Nagpalinga-linga pa siya sa paligid at baka may mga bodyguard na naman at sisitahin na naman siya. Pero mukhang wala iyong nagbabantay rito no’ng isang linggo kaya mabilis siyang naglakad patungo sa kubo.
Kinakabahan na kumatok siya ng tatlong beses nang mapatapat na siya sa nakasaradong pinto ng kubo. Pero walang sumagot kaya akmang kakatukin na sana niya ulit nang marinig niya ang malamig at galit na boses ni Manong.
"What are you f*****g doing here, woman!"