Chapter 9: The Boss

2727 Words
NAPASIMANGOT si Ariyah Lynn nang malakas na tumawa sina ate Thea at ate Carla nang tanungin niya ang mga ito kung paano lutuin iyong chicken paksiw. May nakakatawa ba sa pagtatanong niya? Kagabi pa sana siya magtatanong kay ate Thea tungkol doon pagkarating nila rito sa bahay pero wala na siyang pagkakataon. Pagod na rin siya at gusto na lang din niyang matulog. Kaninang umaga naman ay busy si ate Thea lalo pa at dumating sina ate Carla at Cedie kasama ang kakilala nitong event organizer na si ate Percy. Sa makalawa na ang birthday ng kambal at gusto ni Doc Lawrence, na magkaroon ng bonggang birthday party ang mga anak. Kaaalis lang din ng event organizer pero nagpa-iwan pa si ate Carla dahil gusto pang kalaro ng kambal si Cedie. Si Doc Lawrence naman ay kaaalis lang din papuntang clinic nito. "Lynn, araw-araw mo na 'yong niluluto," ani ate Thea, natatawa pa rin. Mas lalo siyang sumimangot. Niloloko lang yata siya ng mga ito. "Ate naman..." reklamo niya at naipadyak pa niya ang kaniyang isang paa. "Seryoso nga ako." Nagkatinginan ang mga ito at naroon pa rin ang pagpipigil ng mga ngiti. "Seryoso rin naman ako sa sinabi ko, Lynn. Lagi mo iyong niluluto," ani ni ate Thea. "Thea’s right, Lynn. Minsan na rin akong nakatikim ng chicken paksiw na niluto mo," nangingiting segunda naman ni ate Carla. Kumunot ang noo niya. Iniisip niya kung kailan ba siya nagluto ng chicken paksiw. Pero kahit anong isip niya ay wala talaga siyang maalala na nakapagluto na siya nang gano’ng ulam. Hindi pa naman siya ulyanin para hindi na maalala ang mga niluluto niya. "Pero chicken adobo 'yung niluluto—" natigilan siya at kaagad namilog ang kaniyang mga mata nang may mapagtanto. Napahagalpak na naman ng tawa ang mga ito nang makita ang hitsura niya. Oh, God! Iyon ba ang lasa ng niluluto niyang chicken adobo? "Gets mo na?" nakangising tanong ni ate Carla sa kaniya. Napangiwi siya at marahang tumango. Tumawa na naman ang mga ito. Hija, ayaw ug daghana ang suka. Maglalasang paksiw 'yan. Hiyang-hiya na tinakpan na lang ng mga kamay niya ang kaniyang mukha nang maalala niya ang sinabi ng kaniyang Nana Mila noon. Lagi siyang sinasaway noon ng matanda pero iyon pa rin ang kalalabasan kapag nagluluto siya dahil hindi naman niya nasusunod. "Wait, sino ba ang nagsabi sa 'yo na magluto ka ng chicken paksiw?" tanong ni ate Thea. "Ang prangka niya, ah." Seryoso na rin itong nakatingin sa kaniya. Gano'n din si ate Carla. "Oo nga, Lynn. Sino nga ba ang nagsabi sa 'yo?" segundang tanong ni ate Carla. Agad siyang kinabahan. Napatikhim siya. Pakiramdam niya may biglang bumara sa kaniyang lalamunan. "A-Ano..." nakangiwing napakamot siya sa kaniyang kanang kilay. Wala kasi siyang maisip. Hindi puwedeng sabihin niya rito na si Manong Chance ang nagpapaluto n'yon sa kaniya. "Lynn?" untag sa kaniya ni ate Carla, nang hindi na niya nadugtungan pa ang sinasabi. "A-Ano po... ate Carla, ate Thea... kasi po... si—" "Mama, can we go to Papa's clinic?" ani Faith, na biglang pumasok dito sa kusina kaya natigil siya sa pagsasalita. Kasunod nito sina Hope at Cedrick. Hingal na hingal pa ang mga ito na mukhang katatapos lang maglaro sa labas. Kaya natuon na ang atensyon nina ate Thea at ate Carla sa mga bata. Nakahinga naman siya ng maluwag. Para siyang nabunutan ng tinik. Gusto tuloy niyang yakapin at pasalamatan ang mga bata sa biglaang pagpasok ng mga ito rito. Hindi puwedeng malaman ni ate Carla na nakikipaglpit siya kay Manong Chance dahil siguradong isusumbong siya nito kay kuya Derick. "Faith, baka busy ang Papa niyo roon," sabi ni ate Thea. "No, Mama. I called him kanina and he said, okay. Puwede raw tayong pupunta sa clinic niya," ani ni Hope. Nangingiti na lang siya nang walang magawa si ate Thea. "Oy, sasabay na kami ng anak ko sa inyo pauwi," sabi naman ni ate Carla. Nilingon siya nito. “Lynn, aalis na kami,” paalm nito sa kaniya. “Sige po, ate Carla.” Lumapit siya sa pamangkin at niyakap niya ito pagkatapos ay ginulo niya ang buhok ng bata na ikinasimangot naman nito. Napangisi tuloy siya. Hawak ni ate Carla si Cedie sa kamay na sumunod ito kina ate Thea at sa kambal. Napabuga siya nang malalim na hininga nang siya na lang ang naiwan sa loob ng kusina. Nagpaalam din sa kaniya si ate Thea na aalis na ang mga ito matapos ang mga itong magbihis. Sinabi rin nito na ‘wag na niya ang mga itong isali sa pagluluto ng tanghalian dahil sa labas na ang mga ito kakain. Pagka-alis ng mga ito ay sinimulan na niyang lutuin ang ni-request ni Manong Chance sa kaniya. Nang matapos ay kinuha niya ang lunch box na bago na naman niyang binili at sinalinan niya ng niluto niyang ulam. Pero nadismaya naman siya nang wala ang lalaki sa kubo nito nang puntahan niya ito roon. Naghintay siya pero nakauwi na lang sina ate Thea at Doc Lawrence kasama ang mga bata pero wala pa rin si Manong Chance sa kubo nito. Ilang ulit na kasi siyang pabalik-balik doon para tingnan kung dumating na ba ito. Gusto niyang personal na iabot dito itong ulam pero mukhang masasayang lang yata. "Nah, hindi bale baka mamaya nandito na siya," aniya sa sarili. Bumalik na lang muna siya sa bahay para gawin ang mga gawain niya. Matapos nilang maghapunan ay agad niyang nilinis ang kusina saka lumabas ulit para tingnan kung dumating na ba si Manong Chance. Pero wala pa rin ang lalaki. Saan kaya ito nagpunta? Bakit gabi na at hindi pa ito umuuwi? She sighed. Dala ang Tupperware ay muli siyang nagtungo sa kubo. Inilapag niya sa pngalawang baitang ng hagdanan ang Tupperware na dala. Nakasimangot na napatingala siya sa itaas ng kubo. She's too curious kung ano ba talaga ang nand'yan sa loob at ayaw ni Manong Chance na magpapasok ng tao sa loob. Saka bihira na lang din ang lalaki na nandito mula nang dito na sa bahay si Doc Lawrence nakatira. “Lynn?” Napatayo siya nang tuwid nang marinig niya ang boses ni Doc Lawrence. Kinakabahang napaharap siya rito. Nakatayo naman ito 'di kalayuan sa kaniya. "D-Doc..." "What are you doing here?" tanong nito sa kaniya. Magkasalubong ang dalawang kilay na tumingin ito saglit sa kubo pagkatapos ay muli siyang tiningnan. "Ah... ano po kasi..." hindi niya matuloy-tuloy ang sinasabi dahil kinakabahan siya. Mas lumapit pa ito. Pero natigil ito nang makita ang Tupperware na may lamang ulam na inilapag niya kanina sa may hagdanan. "Ah, b-babalik na po ako ng bahay, Doc,” nauutal na aniya at maglakad na sana pero natigil siya nang magsalita ito. "He is in Manila." Namimilog ang mga matang napalingon siya kay Doc Lawrence. "Po?" He smirked. Then sighed and shook his head a bit. "Nothing. Bumalik ka na sa bahay. Hinahanap ka ng ate Thea mo at gusto ka raw niyang kausapin." Nahihiyang tumango siya saka mabilis na nilagpasan ito at bumalik sa bahay. Naabutan naman niya si ate Thea sa sala. Ibinigay nito sa kaniya ang listahan ng mga Universities sa Maynila. “List of universities ‘yan na malapit lang sa lugar kung saan ang bahay ni Lawrence. Mamili ka lang d’yan kung saan mo gustong mag-enroll,” sabi nito sa kaniya. Pinasadahan niya ang papel na ibinigay nito saka tumango-tango. Pagkatapos pala ng birthday ng kambal ay babalik na ang mga ito ng Maynila at doon na ulit maninirahan at isasama siya at doon na siya ng mga ito pag-aaralin. Lihim naman siyang nagpasalamat. Dahil may pakiramdam siya na pabalik-balik pa rin ang mga tauhan ng Daddy niya sa Davao para hanapin siya. Alam niyang imposible na hindi siya mahanap ng mga ito. Pero sana kapag nahanap na siya, may solusyon na siya para hindi matuloy ang kasal nila ni Simon. "Sabihan mo lang kami ng kuya Lawrence mo, Lynn, kung nakapili ka na ng University para makapag-enroll ka na," ani ate Thea. Tumango siya. "Sige po, Ate," aniya, ang mga mata ay nasa papel pa rin na ibinigay nito sa kaniya. Nang magpaalam na itong aakyat na sa itaas ay agad naman siyang tumungo sa kaniyang kuwarto. She deeply sighed and sit at the edge of her bed. He is in Manila. Napakurap siya nang bumalik sa isip niya ang sinabi ni Doc Lawrence sa kaniya kanina. Alam niya na si Manong ang tinutukoy ni Doc Lawrence na naroon sa Maynila. Uminit ang mukha niya. Sana lang hindi mag-isip ng kung anu-ano si Doc Lawrence. Alas cinco pa lang ng umaga ay gising na si Ariyah Lynn dahil dumating ang Mama at mga kapatid ni Doc Lawrence. Inasikaso niya ang mga ito. Nakilala rin niya ang mag-asawang Jenina at Drake Rafael, ang nakatatandang kapatid ni Doc Lawrence, at si Miss Ellah, ang nakababatang kapatid naman ni Dr. Fortalejo. Nakausap pa niya saglit ang mga ito bago umakyat sa itaas para ituloy ang tulog. Si Madam Estella naman ay hindi na natulog at nakipag-kuwentuhan na lang sa kaniya sa kusina habang hinihintay niyang kumulo ang tubig sa takore na kaniyang isinalang sa glass stove. “Taga-rito ka rin ba, hija?” tanong ni Madam Estella sa kaniya. Natigilan siya. Kinabahan at hindi kaagad siya nakasagot. Pero pinili niyang hindi magsinungaling sa ginang. “Hindi po, Madam.” “Naku! H’wag mo na akong tawaging Madam. Puwede mo akong tawaging Tita Estella,” sabi nito at magaang ngumiti sa kaniya. Uminit ang mukha niya. Nahihiya. Pero tumango rin naman siya."Sige po, Tita Estella." Nakakahanga ito na kahit napakayaman nito ay nanatiling napaka-down to earth nito. Sa tingin niya ay nasa late 50’s na rin ang ginang pero napakabata pa rin nitong tingnan at sopistikada pa rin manamit. "Kung gano'n, taga-saan ka pala?" tanong nito ulit sa kaniya. "Cebu po," Nakita naman niya ang pagkamangha sa hitsura ng ginang. "Oh! Marunong ka palang magsalita ng bisaya.” “Opo,” “Paano ka namang napunta rito sa Samal?" "Taga-rito po ang kuya Derick ko. Iyong driver po nina ate Thea at Doc, pinsan ko po siya." Tumango-tango naman ito. "You look young, ilang taon ka na ba, hija?" Napalunok siya. Bumuka ang bibig niya para magsalita na sana nang tumunog ang takore, palatandaan na kumukulo na iyong tubig. Mabilis siyang lumapit sa kalan at pinatay ang apoy. Kumuha siya ng tasa at sinalinan ‘yon ng mainit na tubig, pagkatapos ay inilapag niya sa mesa, sa harap ni Tita Estella. Ngumiti ito at nagpasalamat sa kaniya. Nag-excuse din kaagad siya sa ginang para dalhan din ng mainit na tubig at kape ang mga bodyguard ng mga ito na nasa labas. “Thanks, Miss—” “Lynn na lang po, Sir,” aniya sa personal bodyguard ni Miss Ellah. Pero wala naman sa hitsura ng lalaki na isa itong bodyguard. Saka close din ito sa pamilya ni Miss Ellah lalo na sa mga kapatid ng babae. “Thanks, Lynn,” Ngumiti siya rito at tumango saka bumalik sa loob ng bahay. Nakita naman niya si Tita Estella sa sala at kausap na si Doc Lawrence. Dumeretso siya sa kusina at nagluto ng almusal para sa lahat. Matapos makapag-almusal ang lahat maliban kay ate Thea na natutulog pa ay pumunta ang mga bisita sa may garden. Naroon din ang kambal at nakipaglaro kay Miss Ellah. “Tito Seb! Tito Chance!” Natigil siya pagsasabon sa basong hawak nang marinig niya ang pagtili ng mga bata. Muntik pa niyang mabitiwan ang baso nang marinig niya ang huling pangalang isinigaw ng mga ito. He is here. Nagmamadaling inilapag niya ang baso sa sink at agad n nagbanlaw ng mga kamay saka lumapit siya sa may bintana. Hinawi niya ang manipis na kurtina para makita niya ang mga dumating. Sina Sir Sebastian at Manong Chance. He is really here! Napalunok siya nang matuon ang paningin niya kay Manong Chance. Kumalabog din ang dibdib niya. Bigla ay parang nanlambot ang mga tuhod niya. Natigilan siya at bahagyang napayuko. Kumunot ang noo at nag-isip. Bakit niya ba 'to nararamdaman? Nag-angat siya ulit nang tingin at sinilip ang mga ito sa may garden. Nakasuot ang lalaki ng itim na leather jacket at itim na t-shirt at maong jeans. Nakita niyang lumapit ito kay Tita Estella na nakaupo sa harap ng pabilog na mesa at humalik sa pisngi ng ginang. Binati rin ito nina Miss Ellah at Miss Jenina. Malapit din pala ito sa pamilya ni Doc Lawrence. Kunsabagay, matalik na magkaibigan ang dalawa. Kaya hindi na nakapagtataka na malapit ito sa pamilya ni Dt. Fortalejo. Nakita niyang lumapit dito ang bodyguard ni Miss Ellah at nagkamay ang dalawa. Nakipagkamay din si Sir Sebastian sa bodyguard. Sa nakikita niyang mga kilos ng mga ito ay mukhang hindi lang talaga basta personal na bodyguard ni Miss Ellah ang lalaki. Muling natuon ang paningin niya kay Manong Chance. Masaya at inspired na bumalik siya sa may sink at mabilis na tinapos ang paghuhugas niya ng mga plato pagkatapos ay muli siyang bumalik sa tapat ng bintana para silipin ito. Natigilan siya nang makitang kalaro na nina Manong at Sir Sebastian ang kambal. Naghahabulan ang mga ito. Natuon ang mga mata niya kay Manong Chance. Hindi man ito ngumingiti pero alam niyang nag-e-enjoy itong habulin si Hope na tawa nang tawa habang pilit itong iniiwasan. Pero agad na nagambala ang panonood niya sa mga ito nang may tumikhim mula sa kaniyang likuran. Mabilis siyang pumihit at agad namang nag-init ang mukha niya nang makita si ate Thea na nakasilip na rin at tinitingnan ang mga bisita sa may garden. “A-Ate, nand’yan po pala kayo,” nauutal niyang sabi. Pasimple siyang lumayo sa bintana. Halos hindi na rin siya makatingin dito. “Kailan pa sila dumating, Lynn?” tanong nito sa kaniya, at saglit na tiningnan ang mga bisita mula sa bintana. “Kanina pa pong alas y cinco ng umaga, Ate,” sagot niya rito. Hindi pa rin siya makatingin ng deretso. “Uh, halika Lynn, samahan mo na ako papunta sa kanila,” aya nito. May kung anong naglalarong ngiti sa mga labi nito at ang mga mata ay nanunukso. “Naku, A-Ate… ah… may trabaho pa kasi akong hindi natatapos. Uhm… ano... m-maglalaba pa ako, t-tama maglalaba pa pala ako…” natatarantang sabi niya at mabilis na niya itong iniwan sa kusina. Shit! Ano ba ‘tong kahibangang nararamdaman niya? Pumasok na muna siya sa kaniyang kuwarto. She stayed there for how many minutes, pero nang maisip niya ang ulam na ni-request ni Manonr Chance sa kaniya ay agad siyang lumabas sa kaniyang silid. Mabuti na lang at may natira pa sa niluto niya kagabi. Ininit niya muna iyon bago isinilid sa lunch box. Bitbit niya ang lunch box ay nagtungo siya sa kubo nito. Pero bago pa man siya nakaabot sa kubo nang harangan na siya ng mga bodyguards. “Promise, sandali lang po talaga ako. Ibibigay ko lang ito kay—” “Boss!” Sabay-sabay na sabi nito na ikinagulat niya. Nakita pa niyang sabay ding nagtaas ng mga kamay ng mga ito para sumaludo sa kung sinong nasa likuran niya. Mabilis naman siyang lumingon at gano’n na lang ang panlalaki ng mga mata niya nang makita si Manong Chance na nakatayo roon. “Leave.” Malamig na utos ni Manong Chance sa mga tauhan nito. “Yes, boss.” Sabay-sabay pa rin na sagot ng mga ito at mabilis na nagsi-alisan. “Why are you here, Miss Salvador?” malamig na tanong nito sa kaniya. Kinakabahan siya. Mabilis niyang inayos ang sarili at kahit kinakabahan sa presensya nito ay pilit pa rin siyang ngumiti. “Uhm, para ibigay sa ’yo ito,” nakangiting aniya at inilahad ang dala niyang Tupperware na may lamang ulam. Dumilim ang mukha nito at saglit na tiningnan ang Tupperware na hawak niya. “I told you I don’t need a cook.” “Pero sinabi mo rin sa akin na gusto mong ipagluto kita ng chicken paksiw.” Laban niya. Nakita niyang umiigting ang panga nito bago kinuha sa kaniya ang Tupperware. “Now, will you be f*****g stay out of my f*****g way!” mariin nitong taboy sa kaniya, na may kasama pang pagmumura na ikinangiwi niya. Nang lagpasan siya nito at umakyat sa kubo ay sinundan na lang niya ito nang tingin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD