"Mga tauhan ng lalaking gusto ng daddy mo na pakakasalan mo? Bakit? Sino ka ba?” Ariyah Lynn opened her eyes and lifted her gaze to Gemini. Nakakunot na ang noo nito at magkasalubong na rin ang dalawang kilay. Bayolente siyang napalunok. “A-Ate…” nanginig ang mga labing sambit niya. Kinakabahan siya na baka hindi siya maiintindihan nito kapag sasabihin niya rito kung sino talaga siya. Na baka isumbong siya nito. “Who are you really Ariyah Lynn Salvador?" muling tanong nito sa kaniya. Mariin niyang naipikit ulit ang mga mata. Huminga siya ng malalim saka nagmulat ng mga mata at matapang niyang sinalubong ang mariin nitong titig sa kaniya. Nasa hitsura nito na hindi ito aalis sa kinauupuan nito ngayon hangga't hindi siya magsasabi ng totoo. Wala rin naman sa plano niya na maghabi na

