Chapter 54: Regrets

2205 Words

HALOS tumalon ang puso ni Ariyah sa kaniyang dibdib sa sinabi ni Chance. Mariin pa rin ang titig nito sa kaniya pero dahil sa sinabi nitong ang hirap i-absorb ay hindi siya nakaimik. “Gusto kita, Ariyah,” sabi nito ulit. Kumurap siya nang maghiyawan ang mga bata sa sobrang kilig. "Oyyy..." tukso pa ng mga bata sa kanila. Uminit ang pisngi niya at agad na iniwas ang tingin sa lalaki saka napatayo at nagmamadaling lumabas siya ng room. Hindi na niya inisip na hindi pa tapos ang ginagawa nilang pagpipinta, ang gusto lang niya ay makalayo kay Chance na alam niyang imposible rin naman. Nagulat pa si Mrs. Vergara nang makasalubong niya ito. “Miss Ariyah, okay ka lang ba?” tanong ng ginang, may pagtataka sa mukha nito. Alam niyang namumula pa rin ang mukha niya. Tumango siya. “Opo—”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD