Sinimulan na ang hearing pagsapit ng ala-una. Sabay kaming pumasok ni Andrei sa court room. Sa pinakalikod kami umupo dahil may maraming tao sa unahan. May mga reporters at journalists ang nandito, dahil ito nga ang pinakamainit na balita ngayon. Ang pagkahuli ng tunay na murder suspect. Nahagip ng paningin ko si Papa kasama si Detective Dan sa unahan habang nililibot ko ang mga mata ko. Ang mga prosecutor at ang abogado ni Mama ay nasa harap na, si Mama naman ay naka-upo sa tabi ng abogado niya. Maya-maya lang ay dumating na ang judge at sinimulan na nila ang hearing. Nakikinig lang kami dito habang kinikwestiyon nila ang Mama ko. May pinakita ang prosecutor sa screen na mga gamit mula sa box na kinuha namin kanina. "Ikaw ba ang naglagay ng mga iyan sa box?" tanong ng prosecutor sa kan
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


