Pagkatapos nun ay umalis na si Detective Dan dahil may aasikasuhin daw siya. Ang iba naman ay bumalik sa kanya-kanyang ginagawa. Naupo naman saka ko binuksan ang papel na binigay sa'kin. "NATHAN" ang sabi sa unang tupi. Sa tingin ko, iyon ang sulat-kamay ni Lorraine. Kabado kong binuklat ang papel at bumungad sa akin ang napaka-habang sulat niya. Huminga muna ako ng malalim bago ko iyon binasa. "Dear Nathan, Hi, it's Lorraine. You may not know, but I always think of you. Simula nung makilala ka nila, namin at nung nakita na talaga at naka-usap, dama ko ang sincerity mo. I appreciate your effort and your patience. Hindi man kasing bait ni Helleigna kumpara kay Simone, pero nag-aalala siya sa'yo. Minsan mo lang ako nakilala at nakita bilang ako, pero hindi mo ako linayoan. Nag-stay ka sa

