Pirma dito, meeting doon trabaho bahay ang ginawa ko simula ng makauwi ako dito sa pinas.
Tanging si fay lang ang nakakasama ko sa bawat lakad. Dahil tanging sya nalang ang kilala ko dito na malapit sa akin. nasanay na ako sa ganitong cycle ng buhay.
kaya siguro pati ang sistema ng katawan ko at nakapag adjust na sa bagong ako ngaun. Bihira nalang ako maging masaya tanging sa piling nalang ng pamilya ko at ng bestfriend ni kuya julian na si darius.
Si darius halos kasa-kasama ko ng magaral ako sa denmark. Close sya ng family, childhood bestfriend sya ni kuya julian.
Mabait, maalaga, gwapo at habulin ng nga babae. Kung susumahin ay kalevel sya ng group nila lance.
Pero ang dating ni darius ay may pagka maangas ng bahagya. Naging close kami dahilan na sya ang nag turo saking mag martial arts.
Half japanese ang isang yun. Kaya may pagka singkit ang mata pero mas umaangat ang pagiging european.
"Ma'am its 12nn where do you want to have a lunch?" Napatol ang pag iisip ko ng pumasok si fay sa office. Tinigil ko ang ginagawa at kinuha ang coat.
" fay sa labas ako mag lulunch i want to be alone" i said. Nakita ko naman tumango ito kaya lumabas nako.
"Be careful my lady" rinig kong sabi ni fay.
Agad ako sinalubong ng mga body guard sa labas ng company. Masyadong mahigpit si daddy pag dating sa security. Hindi ko nalang ito pinapansin dahil alam ko namang takot na si dad na mawala ako ulit.
" i want to be alone " sabi ko. Nagsiyukuan naman ang mga ito.
Sa kalagitanaan ng pag dridrive ko napadaan ako sa familiar na lugar. Kung saan ako dating nagtrabaho. Napangiti nalang ako at nagpasyang iparada ang kotse sa tapat noon.
"Welco- ria?" Nanlalaking matang sabi ni ate rica (kung naalala nyo sa s1 na nag trabaho si ria sa isang restaurant si rica ang naging ate nya doon)
"How are you ate" bumeso ako sa kanya na gulat pa rin.
"Grabe ang laki na ng pinag bago mo ikaw na ba talaga yan donya na ang dating mo " nginitian ko nalang sya. Nakita ko ang name tag nya sa kaliwang dibdib 'manager'.
" ako lang ba ang nagbago ate ikaw din na promote kana dito" pagbibiro ko. Mahina nitong pinalo ang aking braso.
" o sya maupo kana i treat kita ito ang menu" nginitian ko lang sya at tumingin na sa menu." So kamusta kana ano na balita sayo " dagdag nito.
"... ayos lang madaming nag bago.."
" e ang kambal kamusta na malalaki na ba sila hindi kana dumalaw dito kung hindi pa kita nakita ng isang taon mag tatampo na ako" napailing nalang ako at ngumiti.
Nag order na ako ng makakakin namin dalawa. Tumingon ako sa kabuuhan ng restaurant hindi ito kasing ganda ng dating nag trabaho ako rito.Kakaunti nalang din ang taong kumakain.
"Ang laki na ng pinagbago ng restaurant na ito" pagiiba ko ng topic. Narinig ko naman sya bumuntong hininga.
" malapit na ito mag sara" sabi nya. Naikina kunot ng noo ko.
" nalugi na ang may ari nito actually nakasanla na ito na baon sa utang kaya itong resto ang isinanla ni boss." Napailing nalang ako kita ko ang pinopoblema ni ate kung sakali nga namang mag sara to mawawalan na sya ng trabaho.
"Heres you--RIA??" Napalingon ako sa bagong dating na mag lalapag ng order ko at iyon si allyson.
" ha ria?" Napangiti ako ng may iba iba pang mga ka workmate ko dati ang nagsi datingan ang iba naman ay nag tatanong ang tingin.
Nginitian ko lang sila at nag kamustahan naiwan kami ni ate rica sa table nag kwentuhan nag tawanan.
Ngaun ko nalang ito nagawa sa harap ng iba bukod sa pamilya ko ang tumawa ng totoo. Masaya akong nakita ulit sila ang mga taong nakadamay ko nung hirap ako sa buhay sila ang gumagabay at tumutulong sa akin nung walang wala pa ako.
Napansin kong wala na si marco nang tanongin ko si ate ang sabi nya ay nag resign na daw 5years ago.
Nang matapos ako kumain niyakap kuna sila ally at ate rica para mag paalam. Bago pa ako makapunta ng parking lot nilingon ko muli ang restaurant mukang luma na ito at hindi na rerenovate.
Sumakay na ako sa sasakyan pabalik ng company. Ngunit biglang pumasok sa isip ko na malapit ang lugar nila kai banda rito. Naisip ko dumaan doon.
Huminto ako sa tapat ng bahay nila nasa sa kabilang kalye ako pumarada. Hindi karamihan ang tao sa labas. Nakita ko ang binata na lumabas mula sa pinto ng bahay na nag sindi ng sigarilyo at humithit.
Binata na si kenneth,nang bumukas muli ang pinto napatulala ako sa isang magandang babae na binatukan ang binata. 'Kai'hindi ka parin pala nag babago.
Malungkot na ngiti ang gumihit sakin. Bago pa man tumulo ang luha ko umiwas na ako ng tingin at dumeretso para daanan ang apartment namin dati.
At gaya kanina ay tinignan ko lang din ito sa labas. Hindi pa rin nag bago at mukang pinaayus na ng kaunti.
Namimiss ko sila pero hindi ko pa sila kayang harapin. Natatakot ako na hindi nila ako tanggapin sa kung ano ako ngaun. Dahil wala nang ria ang nakilala nila sa pagkatao ko ngaun.
Napasandal ako ng ulo sa head ng inuupuan ko at pumikit ng mariin. Nang makabawi ay umalis na ako at bumalik sa company.
*******
" yes im on my way" sabi ko sa kabilang linya. Tumawag si fay na may meeting ako kaya dumeretso na ako papunta ng schwarz isang company na gustong makipag partnership.
" okay see you there" at binaba na ang tawag. Magkikita nalang kami ni fay doon hindi ko namalayan ang oras napasarap ang kwentuhan namin ni ate rica.
Naalala ko kung paano ako nila tulungan at alalayan sa mga pinagdadaanan ko dati.
Nang makarating ako sa tapat ng schwarz group nakita ko na ang mga tauhan ko pinag buksan na ako ni maynard inabot ko nalng ang susi sa kanya at nag umpisa nang maglakad.
Masyado naman atang takaw pansin ang napakarami nilang nakayuko. Napailing nalang at wala din naman akong magagawa kaylangan nilang mag bantay kung saan man ako pumunta.
"My lady"
"Fay..." tawag ko rito dahil tinatawag nanaman ako ng my lady. Kaylan ba sya masasanay.
" sorry ma'am " napabuntong hininga nalang ako at kinuha ang hawak nitong file. Nagumpisa na akong mag lakad habang binabasa iyon.
I didnt have time to read it kanina balak ko sanang basahin pag kabalik sa office kaso na late naman ako.
' grabe ang ganda nya sino yan'
'Shhss wag kayong maingay baka marinig tayo'
' president yan ng vitol company'
' hala talaga ba kaya pala napaka rami nyang bodyguard'
' balita ko nga ang tagal na iniivite ang president ng company na yun kaso mailap sila'
' really '
' oo dahil kakarating lang ng may-ari saka sabi ng friend kong nag wowork don napaka bait daw ng may ari ng company na yon'
Mga bulungan ng mga employee nadadaanan ko. At dahil saobrang sipag ko nakatingin lang ako sa contract na binabasa ko.
"Ma'am " rinig kong sabi ni fay, nasa tapat na pala kami ng elevator. Pumasok na ako doon at bumaling muli sa binabasa kong contract.
"W-wait!" Rinig kong sigaw ng babae. Napatingin ako sa labas ng elevator na estatwa ako saking nakita. Hinarangan sya ng mga bodyguard ko pero nag pupumilit syang sumabay.
Hindi nya pa rin ako nakikita dahil sa tangkad ng mga lalaking nakaitim.
" please po malalate na ako kainis dapat pala hindi na ako dumaan sa bahay" hindi nakaligtas sa pandinig ko ang sinabi nito.
Naibaba ko ang kamay na nakahawak sa contract. Namamawis ang kamay ko at kinakabahan ang dibdib ko.
"le-let her in" mahina kong sabi na ikinatingin ni fay sakin. Pati na ang mga tauhan ko na nagkatinginan sa isat isa. Nang gumilid na ang mga tauhan ko para mabigyan daan si kai papasok.
Ibinaling ko agad ang aking mata sa hawak ko kontrata. Gusto kong basahin ang iba pang nakasaad doon pero hindi ako makapag focus.
Naramdaman kong natigilan si kai kalauna'y nag lakad na din papasok. Nakita ng aking mata ang pagtigil nito sa harap ko at ang dalawang kamay na humarang sa kanya. Nakita ko rin na tumalikod na sya at nag umpisa nang sumara ang pinto ng elevator.
*signed* kung pwede lang lamunin na ako ng lupa. Nakilala nya ba ako ? O hindi nya ako nakita? Marahil hindi nya ako nakita dahil bumaling agad ako hindi nya ko nakilala tama iiwas ako. Mag sosorry nalang ako pag kaya kunang humarap.
Napahinga ako ng maluwag nang mauna syang bumaba. Buti nalang at hindi kami same floor na pupuntahan. I need to finish this meeting as soon as possible.
Nang makalabas na ako ng elevator ayun nanaman ang tingin ng mga employee. ang iba ay yumuyuko ang iba nag bubulongan ang iba naman ay nakangiti habang nakatingin sa akin.
Binuksan na ni fay ang pinto ang iba ko naman bodyguard ay puwesto na sa pinto. Pagkapasok ko ay kumpleto na ang mga naroon at ako nalang ang hinihintay.
" good day gentlemen " ngiting bati ko sa mga may katandaan nang nakaupo. agad naman silang tumayo ng makita ako. Napalibot ang tingin ko at nawala nalang ang ngiti ko ng madako ito sa lalaking nasa gitna ng mga lalaking ito. Lance
Agad akong nag iwas ng tingin at sumenyas na umupo na sila. Umupo na din ako opposite ng upuan ni lance. Inabot sa akin ni fay ang contract of partnership na gusto nila.
Habang may nag rereport about their company nararamdaman ko ang dalawang matang nakatingin sa gawi ko. Hindi ako masyadong makapag focus sa sinasabi screen.
Pero binasa ko naman ang lahat kahit gustohin kong tapusin na ito kaylangan ko parin makinig kung ano ang kaya ng company nila na makakapag benefits sakin.
" thats all president wilson" sabi ng babaeng kakatatapos lang report. Tumango naman ako at muling chineck ang kontrata.
Tumingin muli ako sa mga kasama ko sa meeting pati si lance ay dinaanan ng mata ko. *signed* binalik ko ang tingin sa file na hawak ko. wala naman masyadong magagawa ang comoany nila kundi ang lumago sila... tss ang kaya lang ibigay ng company nila sakin ay madaming investors and advertisment ng company ko. I dont need it. Bakit hindi sila sa HNA nakipag partnership malaking company din iyon hindi kaya...tss
Umangat ang tingin ko kay lance sya ang nasa tapat ko malamang na mas mataas ang posisyon nya sa company na to.
" why us? " seryoso kong sabi.
Nakatingin lang sya sa mga mata ko at ganon lang din ang ginawa ko.
" president smith " rinig kong bulong ng babae na mukang secretary nya.
Matagal na katahimikan..
*signed* pipi na ba ang lalaking to o natulala nalang sa kagandahan ko.
" president smith? Is there a reason kung bakit mo pinili ang vitol? Kesa sa HNA?"
"No. President wilson, i choose you dahil Mas maganda ang pag ma-manage ng vitol in terms of hotel and malls" tumango tango nalang inabot ko ang kamay kay fay agad naman nyang inabot ang signpen ko.
Pinirmahan ko ang partnership. I did it because brother ka ni calla. Not because of you or ian at lalong hindi dahil mabulaklak ang lumabas sa bibig mong reason.
" alright here you go. Take care of us from now on" sabay abot ng contract at nakipag kamay sa mga kameeting ko. Kita sa mga muka nila ang saya. Huli kong kinamayan si lance.
Agad ko na sanang bibitawan ang kamay nya ng higpitan nya ang hawak doon. Napatingin ako sa kanya na walang emosyon.
" excuse me president smith i have to go can you let go of my hand" i said. Nakita ko naman ang gulat sa kanya at napatingin sa kamay namin.
" so-sorry" agad ko na syang tinalikuran. Palabas na ako ng mapahinto sa pintuan dahil sa isang babaeng nag aabang doon. Biglang bumilis ang t***k ng puso ko. Ohh god bakit sabay sabay naman ata hindi ba pwedeng isa isa lang sana.
Nakita ko ang pagkagulat nya agad ako nag iwas ng tingin at lalagpasan ko na sana sya. Nang akmang hahawakan nya ako agad na humarang si fay at ang apay kung body guard.
Natahimik ang lahat sa paligid naski ang nga investors na kameeting ko kanina ay napatingin sa gawi namin.
" ria " nanakit ang lalamunan ko at ilang ulit na lumunok para mapgilan ang nagbabadyang luha. Sila ni kai ang gusto kong makita at nakasama sa pagbabalik ko rito.
Dahil madami akong gustong sabihin ihingi ngntawad at ipagpasalamat sa kana.
Hindi ko sya nilingon at Tumuloy lang akong lumakad hanggang makaalis sa lugar na iyon.