“Uh, I’m dating someone…”
Nanliit iyong mata niya sa akin habang hawak niya iyong baso ng iced tea. Hilaw ako ngumiti habang nagkibit balikat. Well, that was the safest way to answer. I really don’t know what to answer if he is my boyfriend or what.
Maybe we are ML. Mutual Landian.
He clicked his tongue. “So… who’s the lucky guy, huh?”
Sumimsim na siya sa iced tea habang hindi inaalis iyong tingin sa akin. Tumitindig iyong kaba sa dibdib ko. I tried to munch my food to ease the nervous feeling in my chest. I’m currently on a hot seat about my relationship with Nik.
I remember when we are still studying in high school, tinatakot ni Tristan iyong mga manliligaw ko kasi alam niya raw na hindi nila ako deserve. And he told me that they are assholes and fuckboy so he scared them away. He is always protecting me from everyone, especially boys.
I shrugged my shoulders. “Secret. I can’t tell you.”
“Why? Nahihiya ka?” he snickered. Then he twirled the pancit on his fork. “Why? Is he not handsome or what?”
“I don’t look for a face, Tristan.”
Nairita na ako sa kaniya kasi pakiramdam ko iniinsulto niya na naman iyong lalaking dine-date ko. Ganiyan siya palagi sa akin noon and hanggang ngayon dahil nagkita ulit kami. He is still the same Tristan I knew.
He laughed. “Hey! I’m sorry. Nagbibiro lang ako kasi masyado kang seryoso!”
“Okay, if you say so…”
“Aww! You are mad!”
Mabilis niya piningot iyong pisnge ko kaya napapikit ako sa sakit. He always pinch my cheeks whenever I’m mad. Kahit ba matanda na kami ngayon ay gano’n pa rin ang pakikitungo niya sa akin.
Tinapik ko iyong kamay niya sa mukha ko at nanatili akong nakasimangot sa kaniya. Mas lalo lang siya ngumisi dahil iritado na ako. God, I want to go home and take a nap. Hindi na ako sanay na may isang tao na ganito sa akin. I only prefer Nik cuddling with me.
But he isn’t cuddling with me either! Damn it, Sianna!
After we ate together, he paid for the bills. Medyo nahiya nga ako kasi hindi niya tinanggap iyong pera ko. Gusto niya raw ako ilibre kasi ang dami niya raw utang sa akin. Wala naman kaso iyon sa akin kasi may kanya-kanya na kaming buhay.
Wala naman ako magagawa kung nag decide ang magulang niya na mag migrate sila sa France para sa bagong buhay. Naiitindihan ko naman na ngayon pero siguro nung dati ay nagtatampo ako kasi kailangan ko talaga ng masasandalan. He was so sad and guilty for leaving me while my mother was suffering from cancer.
Kung ano ang nangyari noon ay iniwan ko na at nag focus na ako sa future ko kaya ganito na ang buhay ko and ugali ko. The pain changed me. I even seek a psychiatrist for help. I was diagnosed with fear of abandonment and I don’t know how the hell I survived.
That’s the reason why I protected my heart from people who will leave me behind. My mother died, I was left alone with my Dad with so many problems. Buntikan na malugi iyong Ol & Sianna dahil sa utang ni Dad sa pambayad sa chemotherapy ni Mom. Hence, I strive hard and manage my own drugstore.
Hinatid ko na si Tristan sa Del Fierro Hotel na nasa Makati. Sinamahan ko pa siya sa lobby pero nag request siya sa akin na samahan niya muna ako sa suite niya. Pumayag naman ako kasi ayaw ko ipakita sa kaniya na atat ako umalis.
“This is the presidential suite. Pwede ka rin mag sleepover dito kasama ako,” he said.
“No need. Masyadong malayo sa drugstore,” I replied. Umupo na ako sa sofa. “Bakit ang dami mong bitbit? Hanggang kailan ka ba magtatagal dito?”
“Mmm. Maybe for five months? Why? Ayaw mo ba ako nandito?”
He held his chest acting like he got hurt. I rolled my eyes at him and put the pillow on my lap. Naramdaman ko na nag beeped iyong phone ko kaya tiningnan ko muna iyong message sa akin ni Nik.
From: Nik
Our meeting is done. How about you?
I was biting my lip while typing in my reply. Sa loob-loob ko ay excited ako makausap siya through Facetime mamaya sa laptop ko. Minsan kapag hindi ako inaantok ay tinatawagan niya ako sa Facetime para marinig niya raw iyong boses ko.
To: Nik
I’m with my friend in a hotel. Catching up with each other.
From: Nik
Tell me everything when I get home. :D
Pinigilan ko hindi mapangiti dahil ang cute niya sa emoji. Binalik ko ulit iyong phone ko sa sling bag at napansin ko na seryoso iyong tingin sa akin ni Tristan tila ba pinagmamasdan niya ako. Tumikhim siya at inayos niya iyong bagahe niya.
“Do you have jetlag?” I asked, hesitantly.
Umangat ang tingin niya sa akin habang kumukurap. Bigla niya binitawan iyong bagahe na binubuksan niya.
“Are you going… home?” he responded.
I smiled. “I want you to get rest because I know you have jetlag. We can meet some other time if I’m not busy.”
Parang napansin ko na lumungkot iyong mukha niya pero nagawa niya tumango ng dahan-dahan. Nakaramdam ako ng guilty baka nagmukha akong rude. Gusto ko lang naman siya magpahinga na kasi galing siya sa mahabang byahe.
“S-Sige! Pwede ba tayo kumain ulit bukas?” he sounded hopeful.
I pursed my lips. “I’ll try…”
“Sorry. Sobra lang ako sabik na makasama ka…”
His eyes dropped and he laid his back on the wall. Ramdam ko na nalulungkot siya dahil uuwi na ako. Wala naman na kasi ako gagawin pa rito at gusto ko nga na makabawi siya ng tulog. Kaya naiistress ako kung ano iyong gagawin ko.
“I’ll send you a message if I’m not busy. I will try, Tristan,” agap ko.
“Can I have your number, then?” Mabilis niya nilapag iyong phone niya at naglakad siya sa gawi ko. “Kindly insert your digit here so I can message you.”
“Alright.” Tinanggap ko iyong phone niya at nilagay ko na ro’n iyong number ko. “There. Hanapin mo na lang name ko.”
He bit his lower lip. “Thanks…”
Kaya lumapit ako sa kaniya para yakapin ko naman siya. I felt guilty right now. Tinatapik ko iyong likod niya para malaman niya na okay na ako.
“I have to go…”
Hindi ako makatingin ng diretsyo sa kaniya kasi ang lungkot niya. Parang ayaw niya pa ako pakawalan pero kailangan ko na umalis. Naglakad na ako palayo sa suite niya at sumakay na sa elevator na malalim ang iniisip.
He came here to see me. Nag effort siya na makita ako at makasama ako. Alam kong hindi naman na kailangan kasi matagal naman na pero na appreciate ko. Pero matagal na may nagbago sa amin dalawa kasi hindi na ako iyong Sianna na nakilala niya at naging kaibigan niya.
Nang makasakay ako parang wala pa ako sa pag-iisip. Bumuga ako ng hangin at pinaandar ko na iyong kotse pauwi sa bahay. I really need to take a nap or to hear his voice. Pakiramdam ko ay nanghihina ako.
The old Sianna was a happy go lucky but the weakest one. Palagi ako umiiyak no’n at sobrang baba ng tingin ko sa sarili ko. I always compete with each other so I can make my parents proud of me. I was so stressed out whenever the exam was near, I didn't eat any food because I wanted to perfect my exam. Luckily I passed the board exam with one take.
I arrived at my house in forty-five minutes. Wala akong gana habang pinapark iyong sasakyan ko sa tapat. Naglalakad na ako papasok nang mapansin ko iyong Mclaren sa garahe. My eyes widened when I realized that Nik is here.
What the heck! Really?
My heart was thumping beneath my chest. Naglakad na ako papasok na marinig ko ang tawanan sa sala. I saw my father drinking a bourbon with Nik in front of him. Dahil si Dad ang nakaharap sa pintuan ay nakita niya agad ako. Lumingon si Nik para silipin ako at nagtama ang tingin namin sa isa’t-isa.
“Kumusta, anak?” Dad greeted.
Dumiretsyo ako sa kaniya para hagkan siya sa pisnge. “It’s okay, Dad. Why are you drinking?”
“Oh!” Dad laughed. Binalik niya iyong tingin kay Nik. “We are actually having fun and we are talking about the business. Rest day ko ngayon kaya chill muna.”
“I can see that, Dad…”
“You can eat your lunch in the dining area if you are hungry.”
I shook my head. “We already ate at Savory.”
Tumango lang sa akin si Dad uminom na siya ng bourbon niya. Nilapitan ko naman ngayon si Nik na nakangisi sa akin. Alam kong nasa trabaho siya e. Anong ginagawa niya rito?
“Let’s go in the garden, Nik,” I urged.
Tumingin si Nik hudyat parang gusto niya alamin kung okay lang ba. Tumango naman sa kaniya si Dad. He curtly bowed at him as a sign of respect and he held my hand. Nag-init iyong pisnge ko kaya naglakad na kami papunta sa garden.
Ayaw ko naman siya dalhin sa kwarto baka isipin ni Dad na mag s*x kami. Alam kong hinahayaan na ako ni Dad ngayon pero nahihiya ako kasi masyado rin akong conservative. Naramdaman ko na inakbayan ako ni Nik sa braso.
“Did I surprise you?” he muttered.
I nodded my head. “I-I thought you were busy at work. Balak ko sana matulog kaya nandito ako sa bahay.”
“I’m sorry I was busy. I am here to make it up to you…”
Umupo kaming dalawa sa porch swing at nakahilig ako sa braso ni Nik. Pinapanood namin ang mga halaman at puno na nasa garden namin. It was so calm and peaceful. And I am at home right now— it feels so good.
His fingers grazed my cheeks. “Can you tell me what you do with your friend?”
“Sinundo ko siya sa airport at medyo nag kwentuhan to catch up with each other. Tapos kumain kami sa Savory for lunch at nag sorry siya sa akin…” I started. Napanguso ako habang inaalala iyong nangyari kanina. “I was guilty that I was so rude. Sobrang cold ko sa kaniya pero gano’n mo naman ako nakilala diba? I already changed. Humihingi siya ng tawad kasi umalis siya kung kailan kailangan ko ng kaibigan. Pakiramdam ko tuloy sinisisi niya iyong sarili niya.”
Nakatitig lang siya sa akin. “I understand your side, baby. Huwag ka ma guilty kasi siguro hindi mo na alam kung paano tungo mo sa kaniya kasi diba matagal mo na siya hindi nakikita?”
“How did you know?”
“Your father told me. Kaya nag iinuman kami kahit tanghali pa lang.”
Kaya naamoy ko sa kaniya iyong mint at bourbon. Mabuti na lang gumaan pakiramdam ko kasi nandito na siya sa akin. Nakangiti ako habang nakahilig ako sa braso niya. Ang sarap sa pakiramdam na nandito siya sa tabi ko kaya hangga’t maari ay sinusulit ko iyong oras na nandito siya sa tabi ko.
“Are you still mad at him?” he probed.
I glanced at him. “No… I am actually shocked that we saw each other earlier. Parang nabigla lang ako pero hindi na ako galit. I was so childish that I got mad at him because he migrated with his family to another country. However, I shouldn’t be angry at him because his family decided to migrate— not him. But here he is… apologizing to me.”
“I understand. You are already matured and you understand everything.”
“I know…” I can’t help but to pout when I feel guilty. “I guess I was so rude to him. Gusto niya pa nga ako makasama sa suite niya pero sabi ko uwi na ako.”
He sighed. “Bumawi ka na lang sa kaniya. And open up to your friend para alam niya iyong nararamdaman mo at sa mga taon na nangyari sa’yo na wala siya.”
How did I deserve this man? I’m so glad that I met him. Masaya ako na kinulit niya ako kasi ngayon ko pa lang nararamdaman na maging masaya ng ganito. Mas lalong humigpit iyong kapit ko sa braso niya. Ayaw ko na mawala siya. Alam kong ready ako kasi matagal na akong hulog sa kaniya.
Napapikit ako habang mas lalo humihigpit iyong kapit ko sa braso niya. Itatago ko itong nararamdaman ko para mag stay lang siya sa akin. I don’t want him to leave me. I am so scared. Alam kong durog ako kapag iniwan ako ni Nik.
Masyado ko siyang mahal para hayaan siya umalis sa piling ko.
“Let’s stay like this…” forever.