Kabanata 18

2383 Words
“If this dumbass invited my ex, I’d be extremely pissed!” Hansen snickered. Namumula ang tenga ni Johann dahil marami na rin nainom. Magkakasama kami ngayon sa isang tent habang si Valdus ay naghahanda ng inumin. Tapos mga babae naman ay humahagikhik habang nagsisilangoy sa dagat. Ang iba naman nakapulupot kay Johann na parang linta. Hanggang ngayon parang badtrip pa rin si Nik sa ginawa ni Johann. Pero hindi naman apektado si Johann dahil napapalibutan siya ng tatlong babae. “I’m sorry, dude. Someone invited her,” Johann explained. “I think you forgot that slut has a big mouth like yours!” si Nik na sobrang sama ng titig niya kay Johann. “Why did you even invite ten women to our party? Are you planning to have s*x org—” “Dude! Shut up!” Tinanggal ni Johann ang pagkakaakbay sa magkabilang babae. Kinuha niya iyong JD at tinungga niya iyon sa baso niya. “Uh… I just know that Venice invited Vivian.” Gwen squinted her eyes. “Who’s Venice?” “I’m not Venice! My name is Vanessa!” Bigla siya hinampas sa braso ng babae. Ito yata iyong Vanessa na nag invite kay Vivian. Namumula iyong mukha niya at lumayo kay Johann. “Oopss. My bad,” Johann chuckled. Bigla niya kinuha iyong isang bote ng JD at nilagok niya iyon ng diretsyo. “Come on. Let’s just have fun!” Hansen huffed. “This motherfucker will pass out later.” “Let him. We will have a bonfire later and some playful games,” ani Gwen. Nagcheers siya kay Maih at sabay nila tinungga iyong tequila. “Oooh! I really miss the hot and bitterness rolling through my pharynx!” “Hay naku! Anong pharynx? Porket doctor ka!” Hinampas siya ni Maih habang natatawa. Maski ako ay umiinom din ng tequila para makisabay sa kanila. Si Nik naman ay umiinom lang ng hennessy. Si Valdus at Hansen ay smirnoff naman ang iniinom habang may nakaakbay siyang isang babae. Sobrang lakas ng tugtog at mga music naman ay mga kanta ni Chris Brown. Nanatili ang kamay ni Nik sa bewang ko habang iniinom ko iyong isang shot ng tequila. Napapikit ako at mabilis sinipsip iyong lemon. “Why don’t we go swimming?” Maih suggested. Hinila niya ako palayo kay Nik. “I’m sorry. It’s girls time.” Humalukipkip si Nik. “You are drunk, Maih.” “No, I’m not. We want to take a dip while drinking.” “Ajax will surely kill me.” Nagsenyas si Maih na manahimik si Nik. Kinuha ni Gwen iyong isang bote ng cuervo. Paborito kasi ng dalawa na ito iyong tequila kaya ayun ang bitbit. Habang hinihila ako ni Maih ay biglang naglalakad si Vivian palapit kay Nik. Napalunok ako. Parang gusto ko bumalik pero nahihiya ako. Baka kasi masyado akong obvious dahil lumapit lang sa kaniya si Vivian. Kahit ba na nasa dagat kami pero ang atensyon ko ay nasa dalawa. Sobrang seryoso ng ekspresyon ni Nik at hindi ko maintindihan kung ano man ang pinag-uusapan nila. Kinakapa ko iyong dibdib ko. Medyo kumikirot ito habang pinapanood ko na ngumingiti si Vivian kay Nik. Damn it! “Hey!” Gwen snapped. Napunta naman sa kaniya iyong atensyon ko. “I told you… naghahanap lang ng tiyempo si Vivian. Pero magsaya muna tayo at uminom. Para mamaya may confidence ka sa laro na papagawa ko mamaya.” “Drink this for us!” Binigay ni Maih sa akin ang isang shot ng tequila. “Dapat walang malungkot ngayon. We should be enjoying ourselves right now and take a dip in the sea!” Marahan ako bumuga ng hangin. Diretsyo ko ininom iyong isang shot ng cuervo at sumipsip ulit ng lemon. Binigay ko na ulit iyong shot glass kay Maih. Bumungisngis lang ang dalawa. Nagbabad muna ako sa malamig na tubig ng dagat. Muli ko binaling ang atensyon ko sa gawi nila Nik. Napansin ko na tinalikuran ni Nik si Vivian at lumapit na lang si Nik kila Valdus at Hansen. Parang napansin ko na disappointed si Vivian at nagkibit balikat. She went back to her friends. Thank God! Mabuti na lang may pagka suplado si Nik sa ibang babae lalo na sa ex niya. He doesn’t want me to get jealous. I smiled inwardly. Kaya binaling ko ang aking atensyon kila Gwen at Maih. Napapansin ko ang pamumula ng pisnge at leeg ni Maih at tuloy-tuloy lang siya umiinom. Binigay niya na sa akin ang isang shot ng cuervo. Tinungga ko iyon sabay dila sa asin. Patagal nang patagal ay sumasarap ang iniinom namin. Tapos nag eenjoy lang kami sa pagbababad sa dagat. Hanggang sa umahon na kami sa dagat. We dipped in the sea for thirty minutes. Tapos nakikita ko na may nagsasayawan. Ang magkapatid na si Hansen at si Johann. Mga pinapalibutan sila ng mga babae. Mabuti na lang kaya ko pa maglakad. Nang mapansin ako ni Nik na naglalakad palapit sa kaniya ay mabilis siya lumapit sa akin. Hinawakan niya ako sa braso. “You are drunk,” he stated. I rolled my eyes. “No, I’m not. Bakit ikaw? Hindi ka ba lasing?” “My tolerance for alcohol is high. How about you? Your cheeks are as bright as tomatoes right now.” “Ako rin naman. My cousin loves to party and drink booze.” “Hmm. Paubos na iyong cuervo. Inubos mo ba lahat iyon?” Nilingon ko si Maih na hawak iyong bote ng cuervo. Kausap niya na ngayon si Valdus. Binalik ko ulit iyong tingin kay Nik na nakatitig pa rin sa akin. Sa paraan ng titig niya ay matutunaw ako. Humalakhak ako. “Ang alam ko sila Maih at Gwen iyong nagpaparamihan uminom.” “Nahihilo ka ba? Umupo ka muna.” Kumuha si Nik ng upuan at umupo naman ako roon. “I’m gonna get you some food. I bet you are hungry.” Kinuha ko iyong kamay niya at pinatong ko iyon sa balikat ko. Napanguso ako kasi kinikilig ako dahil pinagsisilbihan niya ako kahit ba nandito si Vivian sa paligid. Tumingala ako para makita siya. “Just stay with me. I miss you…” I muttered. Napansin ko na umalon ang adam’s apple sa lalamunan niya. Yumuko siya para halikan iyong tuktok ng ulo ko. Mas lalo ako napangiti kasi nagugustuhan ko iyon. “Mas miss kita.” “Let’s play a game! Come on! Umupo na kayo sa buhangin!” si Gwen na hinahatak na si Johann palayo sa mga babae. “This will be fun!” Mga babae naman ni Johann ay umupo na rin para makasama sa laro. Ako naman ay tumayo at hinatak ko si Nik para sumali rin kami sa laro. Ayaw ko naman maging kill joy. Si Valdus naman binitbit na iyong mga alak sa tabi. “Putangina! Ano bang klaseng pulutan ito? Dunkin Donuts?” Hansen barked. Nagtawanan kaming lahat. Si Johann ay halos hindi maidilat iyong mata sa sobrang kalasingan. May mga babae pa rin na lumilingkis sa kaniya kahit nakabilog kami. Nasa tapat ko si Gwen kaya kumindat siya sa akin. “Ipapaikot ko lang itong bote at magtatanong lang ng truth or dare. Kailangan sumali sa laro para masaya naman gabi natin!” Gwen explained. May pinatong sila sa gitna para makaikot iyong bote. Lahat kami ay kumpleto habang nakabilog. May mga alak sa tabi namin at si Gwen na ang unang nagpaikot ng bote. Tumitili siya habang ako naman ay kinakabahan. Ang lakas ng kabog sa dibdib ko. Tumapat iyon kay Vanessa at isa pang babae na hindi ko kilala. Parehas silang tumili habang ang iba naman na kasama nila ay tumatawa. Si Vivian ay nakahalukipkip habang nakatingin sa amin. Mabilis ako umiwas ng tingin. Shit! Why is she looking at me? “Stella, ayusin mo ha!” si Vanessa na tinatakip pa ang bibig dahil tumatawa. “Sige! Uhm… truth or dare?” Stella asked. “Dare!” “Mag halikan kayo ni Johann ng five seconds. Magbibilang kami!” Humagikhik si Vanessa at nilingon niya si Johann na lasing na. Pero nakaupo siya habang pinapanood ang nangyayari. Nakangisi pa rin kahit lasing si Johann. Halatang nagugustuhan iyong dare. Tumayo si Vanessa para lumapit kay Johann. Tiningala siya ni Johann habang nakangisi. Yumuko pa si Vanessa ng bahagya at bumaba naman ang tingin Johann sa kaniyang dibdib. Napailing na lang si Nik na nasa tabi ko. “Kiss me now…” Johann urged. Nagtilian ang mga babae kahit si Maih na nakatapat ang cellphone sa kanila para videohan. Lumapat na ang labi ng isa’t-isa at hindi ko sila matingnan. Nagbibilang na sila ng five seconds. Pero nang lumagpas ay hinawakan ni Johann sa batok si Vanessa. “Hala! Ang tanga talaga! Sabing five seconds lang daw, Johann!” nanggigil na sabi ni Gwen. Tumayo na siya at pinaghiwalay ang dalawa. Hingal na hingal pa ang dalawa. Bigla siyang binatukan ni Gwen sa ulo. “Hoy! Ituloy niyo na lang iyan mamaya sa kwarto!” “Grabe naman makabatok!” angil ni Johann. Kinikilig pa si Vanessa habang bumabalik siya sa pwesto niya. Kaagad naman siya kinausap ng mga kaibigan niya kung ano raw ang pakiramdam. Tapos si Johann na iyong nagpaikot ng bote. Napakurap ako nang tumama iyon kay Vivian at sa kaibigan niya rin. “Truth or dare?” Nilingon niya si Nik na nasa tabi ko. “Dare!” “Mag lap dance ka nga kay Damon!” Lahat ng kasama namin ay napa ‘oohh’ dahil sa dare niya kay Vivian. Mabilis na tumayo si Vivian at nilingon niya pa ako na parang nang-aasar. Mabilis na umiling si Nik habang sinusulyapan niya ako. “No, I only kiss my girlfriend,” Nik said firmly. Naramdaman ko na gumapang ang kamay niya sa harapan ko. “You find another man to kiss because I’m not available.” “Come on! Bawal nga raw KJ. Laro lang naman ito,” Vivian replied. Nilingon niya ako habang nakangisi. “Diba? Ayos lang?” Nanuyot ang lalamunan ko at hindi ko alam kung ano ang gagawin. Mga kaibigan niya ay nagc-cheer para kay Vivian. Parang gusto ko na lang na lamunin ako ng buhangin. Hindi pa man din ako nagsalita ay bigla na gumiling si Vivian sa harapan ni Nik. Parang pinipiga ang puso ko habang nakatitig sa kanila. Halatang iwas na iwas si Nik at iritado na ang mukha ni Nik. Nilayo ni Nik iyong katawan niya kay Vivian pero patuloy pa rin gumigiling si Vivian. “Ang galing mo, Vivian!” Stella shouted. Nanlulumo ako nang matapos na sumayaw si Vivian kay Nik. Johann naman ay tumatawa dahil siguro sa reaksyon ni Nik. Nagdidilim ang paningin ni Nik at umiigting ang kaniyang panga. Hinawakan ko siya sa braso. “Hayaan mo na. It’s just a game,” I whispered. His forehead creased. “I don’t f*****g care if it’s a game. I don’t want you to get hurt! Damn it!” Pinapakalma ko na lang si Nik dahil naging tensed na ang nangyayari. Nakipag-apiran si Vivian sa kaibigan niya na nagsabi ng dare sa kaniya. Nakasimangot si Gwen habang nakakrus ang kamay sa dibdib. Marahil hindi niya rin nagugustuhan. Pinaikot na ni Vivian iyong bote. Binibigyan niya ako ng nakakaasar na ngiti tila nagtagumpay daw siya. Napalunok ako at umasim na rin ang mukha ko. Tumapat naman iyong bote sa akin at kay Gwen. Biglang bumulong naman ang Stella kay Vivian parang may sinasabi. Pinakitaan ako ng ngisi ni Gwen parang may pinapahiwatig siya sa akin. “Sianna,” Gwen called. “Truth or dare?” Ngayon ay nakataas nuo ako. “I want to choose dare.” “Okay, then. Slap Vivian on the face.” Napasinghap ang mga babae at nagulat naman ang mga lalaki sa sinabi ni Gwen na dare. Namimilog ang mata ni Vivian dahil sa sinabi ni Gwen. Kahit mga kaibigan niya na nasa tabi ay hindi makapaniwala sa sinabi ni Gwen. “What the heck! That is not fair!” Vivian protested. Humalukipkip si Gwen at nilingon siya. “Why, honey? Is giving a lap dance to a man who told you to back off because he has a girlfriend is also fair?” Akmang magsasalita si Vivian pero kalaunan ay tinikom niya rin iyong bibig niya. Sobrang sama ng titig sa akin ni Vivian para bang gusto niya ako sabunutan. Nasa akin din pala ang huling halakhak. Tumayo na ako para ipakita sa kaniya na kaya ko rin siyang labanan. “Go! Slap that b***h!” Gwen snickered. Pumapalakpak si Maih. “I’m rooting for you Sianna! You can do it!” “Paki lakas iyong sampal, Sianna!” ani Hansen. Nalaglag ang panga ng mga babae sa sinabi ni Hansen. Nagkibit balikat lang si Hansen sa kanila at tumungga ng alak. Naglakad ako palapit kay Vivian dahil lapit siya nang lapit kay Nik. Akin lang naman si Nik at ako lang ang pwede mag lap dance sa kaniya. Tumingala sa akin si Vivian habang ang sama ng titig niya sa akin. Nakita ko na nakakuyom ang kamao niya at inaalalayan siya ng mga kaibigan niya. “Hi, Vivian,” I greeted. “This is for you!” I slapped her across the face with so much force. Napatili iyong mga kaibigan niya at iba sa kanila ay tumayo para lapitan si Vivian. Sapo sapo ni Vivian iyong pisnge niya habang umiiyak. Mas lalo nagliyab iyong galit ko kasi nagpapaawa siya sa harapan namin. “What kind of game is this!? Ang boring!” si Vanessa habang inaalu si Vivian na umiiyak. “Dapat walang sakitan kasi nagsasaya tayo e! Kayo iyong KJ dito!” Biglang lumapit si Maih sa akin. “Shut your f*****g mouth! Nasa teritoryo ka namin! If you don’t want to play the game, you pack your things and get the hell out of here!” “Tara na, Vivian. It’s okay… alis na tayo rito,” si Stella habang binibigyan kami ng masamang tingin. Nakahinga ako ng maluwag dahil nasampal ko rin si Vivian. Ang sarap sa pakiramdam dahil nakaganti ako. Naramdaman ko na pinagsiklop ni Nik iyong kamay namin at hinagkan niya iyong sentinido ko. “The party is over. Matulog na tayo,” he whispered.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD