Kabanata 1

2296 Words
Chapter 01 | TBHG “I want you to be my representative in a meeting.” Napapikit ako sa kinauupuan ko kasi nandito ako sa opisina ni Dad. He is wearing a white coat as he sat down in a swivel chair in front of me. My Dad is a chemist who makes medicine. Tapos si Mom iyong nagpalago nung business namin kasi isa siyang pharmacist. Sinunod ko iyong yapak ni Mom na maging pharmacist. I am the pharmacist technician in our own Ol & Sianna Drugstore. Minsan tinatanong ako kung ako ba iyong may-ari ng drugstore sa Pilipinas. Kadalasan na sagot ko ay sa Mom ko iyon. It’s very obvious that my name is stated in our business. Binabasa ko iyong mga importante na documents kasi may plano si Dad. He wants to merge with the largest hospital in Manila. They want us to be the supplier of their medicines and necessities. “Come on, hija. You should face them because you are the heiress of Rodriguez,” he urged. I shot my eyes at him. “Practically I am your only daughter. Yes, I am obviously the heiress of our drugstore business.” “It’s your time to face those successful businessmen in the medical field.” “I’m gonna think about it, Dad,” I said. Binaba ko na iyong mga documents at sumandal ako sa sofa. “Today is Baby’s birthday, in case you forgot.” “Your cousin will understand if you didn’t attend her birthday party.” I laughed. “Your niece's gonna kill me. I have to attend her party.” “But—” Someone knocks on the door. Bumulagta roona ng sekretarya ni Dad. Parehas kami napatingin sa kaniya. “Your meeting with Mr. Montepalma is in five minutes,” the secretary announced. Tiningnan ako ni Dad parang gusto niya na ako buhatin papunta sa conference room. Bumuga ako ng hangin. Napatingin ako sa orasan at tinitingnan kung makakaabot pa ba ako sa birthday party ni Baby. “Please, Sianna,” Dad pleaded. I shut my eyes when I heard his pleading voice. Ayun kasi ang kahinaan ko lalo na’t may request sa akin si Dad na ayaw kong gawin. Hinipan ko iyong humaharang na buhok sa mukha ko at tumayo na rin kalaunan. Do I look like I have a choice? “Fine,” I conceded. Nilingon ko na ngayon ang sekretarya ni Dad na nalilito na sa amin. “Bring me a coffee. I want a caramel macchiato.” Tumango si Miss Rosario. “Yes, Ma’am. Anything else?” “None.” Kinuha ko na iyong purse ko at lumabas na sa opisina ni Dad. Alam kong kahit hindi ako lumingon ay malaki ang ngiti niya. He always love it kapag hindi ko siya natitiis. Maraming mga employees na bumabati sa akin pero diretsyo lang ang tingin ko. They always called me an ice queen. My intimidating presence affects them. Kaya iba sa kanila ay nagmamadali kapag nakikita nila ako. Pinagbuksan ako ng sekretarya ng pintuan sa conference room. Nakita ko na may nakatalikod na lalaki sa akin. Tumikhim ako at umupo na sa harapan niya. Nakasalubong ko iyong madilim niyang mata. He has European features with his messy jetblack hair. I arched my eyebrow. “Hello. Good afternoon.” He clasped his hands together as I felt his eyes watched me intently. He angled his face while his tongue was grazing his lower lip. Nilapag ko iyong mga papeles sa lamesa. I shifted uncomfortably on my seat. “How’s your day?” I asked, coldly. “It’s nice,” he replied. There is a playful smirk dancing on his lips. “I’m Nik Montepalma. How about you?” “Lousianna Marie Rodriguez. I am the one and only daughter of Luis Rodriguez.” “Hmm. I see…” Nanatili ang tingin niya sa akin. Bigla naman ako kinabahan sa paraan ng titig niya. Biglang bumukas ang pintuan at bumungad doon si Miss Rosario na may dalang kape ko. Nilapag niya iyon sa harapan ko at nagbow naman siya sa akin. May kape na rin naman kay Mr. Montepalma. I cleared my throat. “Shall we start our rendezvous?” “Of course, mon amour,” he muttered. Nanuyot ang lalamunan ko nang marinig ko siya sabihin iyon. Hindi ko maintindihan pero ang tigas ng pananalita niya pero swabe naman din kahit papaano. Nilapag ko sa kaniya iyong papel. Napunta naman doon iyong atensyon niya. He was reading it thoroughly. “Interesting. You are also a pharmacist?” he beamed. I nodded my head. “Yes, Mr. Montepalma. Ol & Sianna Drugstore has been successful for over thirty years. My mother is the one who made this business happen on her own.” “Very impressive,” he commented. Napatingin ako sa kaniya kasi bigla siya ngumiti sa akin. I felt my heart hammering inside my chest. Napalunok ako at iniwas ko iyong tingin ko. Ngayon ko lang muli nabanggit si Mom. It has been seven years. I was eighteen years old when my mother died. I cannot believe that I’m already a grown woman who has a strong personality. I tucked some few strands of my hair behind my ear. Bakit ba ang tense ko sa harapan ni Mr. Montepalma? Nagpatuloy lang ako sa pagd-discussed ng mangyayari sa business namin. Kapag nangyari ang business plan namin ni Mr. Montepalma, sobrang laking amount ng pera na papasok sa banko namin dahil malaking pera ang inooffer nila. Humigop na ako sa kape ko kasi medyo malamig na siya. Sumandal siya sa kinauupuan niya. Pansin ko habang nagsasalita ko ay nakatitig siya sa labi ko. Kaya may mga times na nauutal ako. Bakit kasi ganoon ang paraan nang pagtitig niya sa akin? “I have a question, Miss Rodriguez,” he began. Napakurap ako at halata sa akin na kinakabahan. “Do I look familiar to you?” My eyebrows knitted together. “I beg your pardon?” “Nothing,” he muttered. Habang napapailing siya at siya na mismo umiwas ng tingin sa akin. “It’s very obvious that you already forget me.” “I’m sorry. Baka namumukhaan mo lang ako somewhere.” “Mademoiselle,” he called. I heard my heart pounding when he called me. “I am very sure that was you. You told me the exact same thing about your mother. Is my hospital familiar to you?” I gulped briefly. “Uhm Montepalma Hills Hospital?” “That is where your mother died, right?” I froze in my position. Dahan-dahan umangat ang tingin ko sa kaniya. Paano niya nalaman? Wala talaga akong maalala tungkol sa tinutukoy niya. Pero alam kong doon na-ospital si Mom sa HHM para magpagamot. His slender fingers were drumming against the table. Nakatagilid ang ulo niya kaya umaalon ang buhok niya. But I have to admit that his eyes are very familiar to me. On how his eyes diluted whenever he stared at me. Get a grip, Sianna! You must be professional in front of him. A sudden ring caught our attention. My phone was ringing and I saw my cousin’s number appearing on my phone screen. “Can I answer this call?” I asked. Patuloy pa rin sa pagr-ring ng phone ko. “Why not, mademoiselle,” he acknowledged. Sinagot ko naman iyon at nilagay iyong phone sa tenga ko. Pinaglalaruan ko ‘yung dulo ng buhok ko. I saw his eyes dancing in amusement. I felt the heat spread in my cheeks. Huwag mo sabihin na namula ako sa harapan niya! “Mabuti naman sinagot mo. Nasaan ka na?” si Baby na mukhang inis na. I can hear the loud music in her background. “I have been waiting for you. Hanggang ngayon wala ka pa rin!” I scratched my nape. “I’m so sorry. I’m in a meeting right now. Hahabol ako.” “Hurry up, girl! Ayaw ko na wala ka sa birthday ko.” “I know. Just wait for me, Baby. Susunod din ako.” “Alright. I love you, girl.” I rolled my eyes. “I love you more, Baby.” Then I disconnected my phone call. Kilalang-kilala ko si Baby e. Lalo na grabe magtampo iyon sa akin kahit matanda iyon sa akin ng dalawang taon! I composed my poise before I faced him with a poker expression. Napansin ko na nawala iyong ngisi sa labi niya. He was now looking at me so seriously. Kailangan ko na pala matapos ang meeting na ito. Umupo na ako at napatingin ako sa wristwatch ko. “Do you have a date with someone?” he exclaimed. I blinked. “U-Uh wala naman. May pupuntahan lang ako na party.” “To your boyfriend, mademoiselle?” “What?” I chortled. Hindi ko napigilan hindi matawa sa kaniyang sinabi. “I don’t have one.” “Ça n'y ressemble pas…” His thumb is playing with his red thin lips. Napailing ako kasi hindi ko maintindihan ang sinasabi niya. “Don’t you really remember me?” I shook my head. “Sorry. I don’t really remember you, Mr. Montepalma.” “Just call me Nik instead,” he insisted. “Alright, Nik. The meeting is adjourned. I’m gonna inform you when the next meeting is.” Tumayo na ako at akma na lalagpasan ko siya nang hawakan niya iyong kamay ko. I felt all the butterflies inside my stomach rumbling. Bumaba ang tingin ko at napatingin sa kaniyang kamay na nakahawak sa akin. “Can I have another hour with you?” aniya sa malambing na tono. Nakatingin siya sa akin. “S'il te plaît?” I huffed. “I’m very sorry. You have to set our next appointment to my father’s secretary. Good day, Mr. Montepalma.” Dumiretsyo na ako palabas ng conference room. Pakiramdam ko masusuffocate ako sa presensiya ni Mr. Montepalma. Parang nagugulo iyong sistema ko dahil sa mga pinaparamdam niya. Nakita ko si Miss Rosario na nasa desk na siya at mukhang may inaasikaso. Tumikhim ako sa harapan niya para makuha ko ang atensyon niya. Tumayo naman ka agad nang makita niya ako. “Kindly set for another meeting with Mr. Montepalma. Tell my father about it,” I declared. She nodded her head. “Noted, Ma’am. Take care!” Tumalikod na ako sa kaniya kasi nakita ko na lumabas si Mr. Montepalma sa conference room. Halos takbuhin ko na papunta iyong elevator. Nahigit ko iyong hininga ko nang makita siya naglalakad papunta sa akin. Luckily the elevator door closed. Nakahinga ako ng maluwag. Grabe ang intense naman no’n! Hindi naman ako ganito sa mga lalaki pero kay Mr. Montepalma ay iba e. Nakarating na ako sa basement parking lot at hinanap ko na iyong BMW ko na puti. Mabilis akong sumakay at binuhay na ang sasakyan. I grabbed my phone and I am trying to inform her while I’m driving my ass to her party. Sana naman hindi na siya galit o inis kapag nakita niya na ako. She is now twenty-seven and happily engaged na. To: Baby Hey, I’m on the way. Sorry I’m late. Mabuti na lang na medyo malapit lang iyong club sa kumpanya namin. Mabilis ko pinarada ang sasakyan ko at bumaba na. Tinanggal ko iyong pagkaka-bun sa buhok ko at hinayaan ko ilugay iyong itim kong buhok. Pumasok na ako sa club at bumungad sa akin ang mga neon light strobe. And the smell of cigarettes and alcohol filled my nostril. Sinusubukan ng mata ko na hanapin si Baby. Mabuti naman ay nahagip ko siya na nasa second floor. Umakyat na ako papunta sa kaniya. She is wearing a neon pink that has glitter with a slit on the left of her thighs. Nang makita niya ako ay kumaway ako sa kaniya. Mabilis naman siya lumapit sa akin. “Mabuti naman nandito ka na!” she beamed. Humalakhak ako. “Happy birthday! I hope you are enjoying your party.” “Oo naman! Have a seat and drink some alcohol.” “Thank you…” She is with her college friends. Mga iba roon ay pamilyar sa akin kasi schoolmate ko sa university. Umupo ako sa natitirang espasyo at may mga buckets sa table namin. Kinuha ko iyong henessy at nilagok ko naman iyon. “Hello, Sianna.” Napalingon ako sa bumati sa akin. Namilog ang mata ko na makita ko si Preston Agoncillo rito sa party ni Baby. I smiled at him sheepishly. Kaibigan niya si Baby at nagbalak siyang manligaw sa akin pero hindi ko siya hinayaan. My sole priority is my academics and my father. I don’t need some distraction, thus I turned him down with valid reasons. “Oh, hi. Hindi kita namukhaan…” Hilaw lang ako ngumiti sa kaniya at iniwas ko na iyong tingin ko. “Like everyone else. Pangit ba ako dati kaya hindi mo namukhaan?” I blinked. “Hindi! I’m sorry. Naging mature ka lang tingnan.” “Thank you,” he said. “So how are you?” “I’m fine, I guess. Been busy lately,” I replied. He smiled. “Of course, you are already a successful woman. Congrats, Dr. Sianna.” Tumango lang ako sa kaniya at nahihiya pa nga ako. Hindi ako sanay na tinatawag ako dati ng mga kakilala ko na Dr. Sianna. Pero kailangan ko masanay kasi ayun ang titulo ko e. Bumaba ang tingin ko sa ground floor at napansin ko iyong lalaki na kanina pa nagpapagulo ng sistema sa akin. Mr. Montepalma has a drink on his hand while looking at me intensely. The way he looks at me sends shivers down my spine. He looks like a big bad wolf watching his red riding hood.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD