“Happy birthday, Yvo!” We all greeted Yvo in his bedroom. Hawak ko iyong cake habang nagpasabog ng confetti si Silver sa tabi ko. Kinusot pa ni Yvo iyong mata niya. He is such a cute boy. Mabilis siya bumangon nang makita niya iyong cake niyang Mickey Mouse. “Happy birthday, little man!” Silver greeted. Bahagya niya pa ginulo iyong buhok niya. “You are four years old already! Blow the candle, Yvo.” Yumuko ako para maabot ni Yvo iyong cake niya. Pumikit siya habang naka lock ang dalawang kamay hudyat na nagw-wish siya sa kaniyang birthday. Nagkatinginan lang kami ni Silver tapos kinindatan niya naman ako. When Yvo opened his eyes, he blew the candle kaya pumalakpak si Silver sabay buhat sa kaniya. Nagtungo kaming tatlo papunta sa dining area. Narinig ko na may nag door bell. Nilapag ko

