Ang luwang ng ngiti ko habang palabas sa venue kung saan ginanap ang international fashion show event dito sa Paris, France. Titig na titig ako sa magazine na exclusive lang para sa first twenty persons na nakakuha ng VIP cards! I was expecting that a lot of ordinary people would be eager to get one of the spots but I was dazed when I recognized ten people from Hollywood! Ngayon pa lang ako nag-attend ng ganito kalaking event na may kinalaman sa modelling kaya sobra akong nagulat at hindi makapaniwalang bukod sa mga international models na hinahangaan ko ay makakakita pa ako ng ilan sa mga sikat na Hollywood actors and actresses. “Oh my God! Nathalie?!” Palabas pa lang ako sa elevator ay may nakasalubong na akong dalawang babae. They were obviously trying to approach me, that's why I s

