Tahimik at patingin-tingin lang ako sa buong oras na ikinakasal kami ni Rowan. I just can’t believe that this is really happening now! We are really having a secret wedding before Vaughan actually has his! Medyo na-guilty tuloy ako sa part na hindi n’ya alam ang tungkol sa secret wedding ko pero ipinaliwanag na kanina ni Mommy na mas okay na daw na walang alam si Vaughan dahil maguguilty lang daw s’ya kapag nalaman n’yang isa s’ya sa mga dahilan kung bakit hindi ko pa ma-reveal sa public ang relasyon namin ni Rowan. Masyado na s’yang stress sa araw-araw na balitang lumalabas habang nagpeprepare s’ya ng kasal nila ni Anika at ayaw ko nang makadagdag pa sa stress n’ya kung sakaling ako naman ang pagbabalingan ng pansin ng media. Nang matapos ang kasal ay may dinner na inihanda ang pamilya

