Kahit na kanina pa ako nakaupo sa couch sa harapan ni Mommy ay hindi pa rin s’ya nagsasalita at nakatitig lang sa akin. Bigla tuloy akong napaayos ng upo at agad na naging conscious sa itsura ko. Hindi ko na kasi pinagkaabalahang tingnan ang itsura ko kanina matapos sumuka nang sumuka. “Are you okay, Nath?” Tuluyan na akong kinabahan nang sa wakas ay magtanong at magsalita si Mommy. Titig na titig s’ya sa akin at kumukunot ang noo kaya agad na inayos ko ang sarili ko at binigyan s’ya ng natural na ngiti. “I’m fine, Mom. I was just… exhausted lately because of work,” pagdadahilan ko at pinilit pang ngumiti para ilayo ang usapan sa itsura ko. Hindi s’ya sumagot at tumango lang ng bahagya kaya napalunok ulit ako dahil mukhang hesitant s’ya sa kung anong sasabihin. “By the way… why did you…

