THE LAST TEARS _____________ Nang pumasok ako sa malaking ospital, agad bumongad saakin si Manang na puno ng pag-aalala mukha. "Manang, ano po ang nangyari?" kinakabahan kong tanong sa kanya. "Naaksidente si Sir, hija," aniya ni Manang na kinatigil ko. Naaksidente si Zavid? Bakit? Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko, pero sobrang kinakabahan talaga ako. Baka kung ano na ang nangyari kay Zavid. "Bakit daw, Manang?" nanginginig kong tanong sa kanya, at sa palagay ko, nag-uumpisa na akong maiyak sa pag-aalala. Pakiramdam ko kasi ako ang may kasalanan. "Nang umalis kayo kanina, hija, sumunod rin si Sir. Pinigilan ko pa sana ito dahil lasing na, pero susundoin daw kayo," paliwanag ni Manang na kinatulo ng luha ko. Susundoin niya kami? Bakit hindi siya nagpakita sa amin nang aalis

