Hindi ko alam kung ano nga ba dapat ang maramdaman ko ngayon. Basta panay nalang tulo ng luha ko habang nakatingin sa anak kong si Zyra habang nakikipaglaro kay Zavid. Si Zyro naman ay nasa tabi ko lang at nakatingin rin sa kanila. Ramdam ko minsan ang pasimpleng pagtingin ni Zavid kay Zyro, tila ba inaanyayahan itong makipaglaro sa kanila. Nandito kami ngayon sa mansion ni Zavid. Kahit ayaw ko mang pumayag, wala akong magagawa dahil anak ko na mismo ang nag-request. Ngayon ko lang rin kasi nakitang ganito kasaya si Zyra, kaya minsan hindi ko na maiwasang mag-isip na baka kulang talaga ang pagmamahal at atensyon na binibigay ko sa kanila, o baka iba lang talaga ang saya kapag mismong ama na talaga ang nagbibigay. "Mama, are you okay?" tanong ni Zyro. Kaya naman dali-dali kong pinunasan a

