DUKE Napabuntong hininga ako habang nakatingin kay Nestle na naghuhugas ng pinaggamitan naming plato. Kanina pa niya ako hindi iniimik sa hindi ko malamang dahilan. At kanina ko pa rin iniisip kung ano ba ang nagawa ko para hindi niya ako pansinin. Tumayo ako mula sa high chair sa kitchen bar. Lumapit ako sa kaniya at yumakap sa maliit niyang bewang. "Wife, may nagawa ba ako para hindi mo pansinin?" tanong ko dahil hindi ko na matiis ang hindi niya pagpansin sa akin. Naghugas siya ng kamay at kumuha ng pamunas sa kamay. Inalis niya ang kamay ko at sumandal siya bago humalukipkip. "Ano yung sekreto mo na hindi mo sinasabi sa akin?" walang kaemo-emosyon niyang tanong habang nakatingin sa mga mata ko. Napalunok ako dahil iyon pala ang dahilan kung bakit niya ako hindi pinapansin. Hindi ak

