NESTLE Narito na kami sa isla kung saan ay lumapag ang chopper sa hotel, hindi mismo sa bahay nila Duke. Gustong supresahin ng magkapatid ang Mommy nila at mga kapatid. Habang naglalakad kami ay napapatingin ang mga empleyado at turista sa magkapatid. Binabati naman sila ng mga empleyado. Pero sa klase ng reaksyon nila ay tila hindi sila makapaniwala na buhay si Duke. Ganyan din ang una kong reakyon, kaya ramdam ko sila. Paglabas namin ay nakita namin ang tauhan ng Daddy nila na nakaabang sa entrance. Pinagbuksan kaming tatlo ni Duke ng pinto. Bale si Bettina ang nasa gitna. Habang si Duke ay nagtungo sa front seat habang yung Joaquin ata ito. Oo, siya yung nasa driver's seat. "Hi Kuya Joaquin. Mas lalo ka atang gumagwapo ha," sabi ni Bettina na siya lang ang maingay sa loob ng sasakyan

