NESTLE
"Hayop ka! Bitawan mo ang girlfriend ko!" nabigla ako nang biglang sumulpot si Khalil at bigla kaming paghiwalayin ni Duke mula sa pagkakayakap namin at tsaka niya binigyan ng suntok si Duke.
"f**k you, asshole!" galit na sabi ni Duke at binigyan din ng suntok si Khalil. Hindi ko sila maawat dahil baka ako ang masapak.
"Tumigil kayong dalawa! Ano ba!" sigaw ko sa dalawa ng hindi pa rin nagsitigil. Nang makita ko na bumagsak sa sahig si Khalil dahil sa lakas ng suntok at nang makita ko ang ambang pagtayo nito ay humarang na ako. "Tumigil ka na, Khalil," mariin kong sabi sa kaniya habang galit na nakatingin sa mga mata niya. Lumuhod siya sa harap ko at balak sana akong hawakan sa kamay nang umatras ako dahil hanggang ngayon ay nandidiri ako sa kaniya.
"Please Nestle, give me a chance to explain. It is not my intention to hurt you. I'm drunk, that's why I thought it's you I am having s*x with--"
"What a lame excuse," sabi ni Duke.
"What are you saying?" galit na sabi ni Khalil habang tumatayo.
"Khalil, this is the last time I will see your face," seryoso kong sabi upang matigil siya. Nakita ko ang pangamba sa mukha niya. Hindi ko alam bakit hindi ako masiyadong nasaktan na makipag-hiwalay sa kaniya. Basta nagagalit lang ako ng dahil sa kaniya kaya namatay ang magulang ko. Siguro ay manhid na ako sa pag-iyak. Hindi ko na makuha pang iyakan ang nasaksihan kong pagtataksil ni Khalil. "Let's break up," pagpapatuloy ko.
"No! Please promise, I'll never do that again. Give me a chance," nagmamakaawa niyang sabi.
"You know what. Akala ko iba ka sa lahat. Natutunan kitang mahalin pero binigo mo ako sa paniniwalang iyon. Mas lalong hindi ko gugustuhin na makipagbalikan sa'yo. Dahil sa'yo kaya nawala ang magulang ko," nanggigigil kong sabi sa kaniya. At agad na tumalikod dahil naiiyak ako sa realidad na wala na ang parents ko.
Iniwan ko ang dalawa dahil gusto ko munang mapag-isa. Gusto kong mapayapa ang isip ko bago ako humarap sa puntod nila nanay. Naglakad-lakad ako sa gilid ng bawat establisiementong nadaraanan ko. Hanggang sa makarating ako sa isang park. Madilim na ang kalangitan pero parang hindi gano'n ang pinapakita ng parkeng ito. Puno ng christmas light ang paligid. Ang mga puno, pati ang bawat poste ay meron. Hindi ko man lang napansin na malapit na nga palang magpasko. At mas lalo akong napaiyak sa puntong iyon ay wala sila nanay sa piling namin sa araw ng pasko.
Naupo ako sa isang duyan na bakal. Nakayuko habang pumapatak ang luha ko. Bigla kong naalala ang masasayang araw na kapiling ko sila Nanay. At habang bumabalik iyon sa isip ko ay mas lalo akong nakadama ng lungkot.
"Nay, Tay, paano na kami ni Magnolia? Hindi ko po kakayanin na wala kayo. Paano na ang bawat araw namin? Graduating na si Magnolia, sino ang magulang na maghahatid sa kaniya? Natatakot ako na baka mapuno ng pangungulila ang puso ni Magnolia. Alam ko na lagi lang siyang nakasandal sa inyo. Baka po hindi niya makaya ang lahat. Hindi ko na alam ang gagawin. Please, bumalik po kayo," umiiyak kong ani kahit na wala akong kausap. Nabigla ako nang may nagpahid ng luha ko at lumuhod. Nakita ko si Duke na matamang nakatingin sa akin.
"Wag kang mag-alala. Nandito ako at ang pamilya ko para sa inyo ni Magnolia. At alam ko na kakayanin mo ang lahat. Dahil alam ko na isa kang matapang na babae, 'di ba? Nasaan ang kilala kong Nestle na hindi nagpapatinag?" pagpapalakas niya ng loob na sabi sa akin. "Hindi ako aalis sa tabi mo kahit na anong mangyari. Maging ang magulang mo. Alam nila na kaya mo. Hindi sila aalis kung alam nilang hindi mo pa kaya at ni Magnolia," pagpapatuloy niya bago tumingala sa langit. "Tingnan mo ang mga bituwin sa langit," sabi pa niya. Kaya tumingala ako. Maraming star akong nakikita na kumikislap sa kadiliman ng kalangitan. "Tiyak na dalawa sa mga bituwin na iyan ang iyong magulang. Isa sila sa mga bituwin na kumikislap dahil sila ay naging mabuting magulang sa inyo. Tiyak na kung nasaan man sila ngayon, tingin ko ay kapiling na nila si God."
Napatingin ako sa kaniya na nakatingala pa rin. Parang gumaan ang pakiramdam ko dahil sa sinabi niya. Hindi ko akalain na ang isang Duke ay may nalalaman na ganong bagay. Tumingin siya sa akin mula sa pagkakatingala kaya nahuli niya na nakatitig ako sa kaniya.
"Salamat, Duke," sabi ko sa kaniya. Ngumiti siya at pinunasan muli ang luha ko.
"Walang anuman. Para sa'yo ay gagawin ko ang lahat," tugon niya.
"Bakit ba parati na lang ako ang dahilan ng lahat ng ginagawa mo? Lagi naman kitang tinatarayan, sinasabihan ng hindi maganda, tapos wala pa akong nagagawa para sa'yo," sabi ko sa kaniya.
"Hindi mo pa ba alam kung bakit?" tanong niya habang nakatingin sa mga mata ko. Seryoso ang mukha niya na naghihintay ng tugon ko at reaksyon. Bigla ay parang bumilis ang t***k ng puso ko kaya umiwas ako ng tingin at balak ko sanang tumayo nang pigilan niya ako. "Mahal kita. Mahal na Mahal, Nestle. Kung ano man ang kasalanan ko. Sorry dahil alam ko na may kasalanan din ako dahil hinintay mo ako ng matagal. Ginawa ko lang iyon upang hindi ka mapahamak.. Delikadong tao ang mga kalaban ni Daddy kaya nagsanay ako ng husto para maprotektahan ka at ang pamilya mo at pamilya ko mula sa mga kalaban na may balak na patumbahin si Dad. Pero ngayon na alam ko na kaya na kitang protektahan. Pinapangako ko na hindi na ako aalis sa tabi mo," mahaba niyang pagpapatuloy sa sinabi.
"Wag kang mangako. Gusto ko na gawin mo," sabi ko sa kaniya na kinangiti niya. Tumayo siya mula sa pagkakapantay sa akin at hinawakan ang kamay ko para itayo. Nabigla ako ng hatakin niya ako at yakapin ng mahigpit.
"Oo. Ipapakita ko sa'yo," bulong niya kaya napangiti na ako at yumakap pabalik sa kaniya.
-
DUKE
I'm worried about her. She's just quiet and does not talk while we're here in the office. Yes, we're back to work. I asked her to rest dahil kakalibing pa lang ng parents niya. But she refused. She said she wants to go back to work instead of facing the four corners of her room.
I sighed before standing up from my chair. "Nestle, let's go. It's lunch time," aya ko.
"I'm okay, Duke. Mamaya na lang ako," tugon niya habang nakatutok pa rin ang mata sa laptop habang may sinusulat. I can't take this anymore. Lumapit na ako sa harap ng table niya at sinara ko ang laptop niya na kinaangat niya ng tingin.
"Kaninang umaga, hindi mo man lang ginalaw ang pagkain mo. Tapos ngayon ay tila wala ka ring balak na kumain. Sige, paano si Magnolia kung ikaw ay papabayaan mo rin ang sarili mo? Paano ako?" inis kong sabi sa kaniya.
Napahinga siya ng malalim at napasapo ng mukha. "Sorry. Para lang kasi akong walang gana na kumain. Pasensya na at pati ako ay nagiging pabigat sa'yo," sabi nito at tumayo. Napansin ko na parang namumutla siya na lihim kong kinamura. Agad akong lumapit sa kaniya at hinawakan siya.
"Hardheaded girl," sabi ko rito at binuhat na pabridal style at tinungo ang sofa sa office ko at inihiga ko siya doon. Nilagyan ko ng unan ang ulo niya at hinawi ang buhok. "s**t. May lagnat ka," natataranta kong sabi nang mahawakan ko ang noo niya. Agad akong tumawag sa bahay upang tawagan si Mommy. Pero walang signal.
"Tok! Tok! Tok!"
"Pasok," sabi ko habang hinuhubad ang tuxedo ko at kinumot iyon kay Nestle.
Bumukas ang pinto at pumasok doon ang isang empleyado ko.
"Sir, malakas po ang ulan. At sabi may bagyo raw po. May ibang costumer pa po na dumating pero wala nang bakanteng room," sabi nito.
"Sige, buksan niyo na ang ibang gawang room,"
"Okay, Sir" aalis na dapat siya nang pigilin ko.
"Wait!" pigil ko at agad naman itong bumalik at humarap sa akin. "Sabihin mo sa chef sa restaurant na ipagluto ako ng mainit na soup. At ikuha mo rin ako ng kumot," utos ko rito.
"Okay Sir," tugon niya at umalis na. Tumayo naman ako at nagtungo sa labas ng office ko para magpainit ng tubig at kumuha ng towel, tubig, at gamot.
Palakad-lakad ako habang hinihintay na uminit ang tubig. Nang mainit na ay agad kong nilagay sa palanggana at nilagyan din ng konting malamig na tubig upang maging maligamgam. Tapos ay nilagay ko sa tray ang gamot, tubig at bimpo. Una kong dinala ang palanggana at sinunod ko ang tray. Nilapag ko iyon sa table at naupo sa gilid ni Nestle. Binabad ko ang bimpo sa tubig at tsaka piniga. Pinunasan ko ng dahan-dahan ang mukha niya at leeg. Pagkatapos ay yung isang bimpo naman ay nilagay sa noo niya. Tumingin ako sa pambisig ko at nakita ko na mag-aalas dose na. Kaya pala pagpasok namin ay makulimlim ang langit. May bagyo pala. Kung alam ko lang edi sana ay hindi ko na talaga pinaalis ng bahay si Nestle. Yes. Doon muna sila ni Magnolia sa bahay namin. Si Mommy ang nagkumbinse sa kanila dahil dalawa na lang sila sa bahay nila. Kung ako man ay masaya doon dahil pag nasa amin sila ay hindi sila makakaramdam ng lungkot. At tsaka madali ko silang mababantayan.
Nung una ay ayaw ni Nestle dahil masyado na daw silang pabigat pero kahit anong tanggi niya ay hindi siya makatanggi kay Mommy. Inaasikaso ko rin ang paglipat ni Magnolia sa school ni Bettina. Upang doon na siya mag-aral at hindi na pabalik-balik.
"Ang lamig," bulong ni Nestle.
"Wait lang. Nagpakuha na ako ng kumot," sabi ko sa kaniya. Bakit ba kasi ang tagal kumuha nung inutusan ko? Tumayo ako at kinuha ang remote ng aircon at hininaan.
May kumatok at bumukas ang pinto. Pumasok doon yung inutusan ko na bitbit ang inutos ko. Agad kong kinuha sa kaniya ang kumot at kinumot kay Nestle. Nilapag naman ng empleyado ko ang soup.
Tumayo ako at kumuha sa labas ng bowl and spoon. At pagpasok ko ay nilock ko ang pinto upang walang istorbo. Tsaka ako lumapit muli kay Nestle.
"Nestle, kumain ka muna bago ko ipainom sa'yo ang gamot," sabi ko sa kaniya na umungol lang. Nang ayos na ang pagkain ay hinarap ko siya na nakadilat ang parang lasing na mata. Inalalayan ko siyang umayos ng upo at kinuha ko pa ang isang unan upang ilagay sa likod niya. Buti at sofa bed ang nasa room ko kaya parang higaan na rin.
Sinubuan ko siya at nakakatatlong beses pa lang siya ng umiiling na siya.
Napabuntong hininga ako at nilapag na ang bowl sa lamesa tsaka ko kinuha ang gamot at tubig at pinainom sa kaniya.
Inayos ko na siya muli ng higa at kinumutan. Hinawi ko ang buhok niya at nilagay muli ang bimpo sa noo niya.
Malalim na ang tulog niya kaya malaya kong pinagkatitigan ang mukha niya. Alam ko na nahihirapan pa rin siya sa pagkawala ng parents niya. Gabi-gabi ay naririnig ko na umiiyak siya. Kaya siguro siya dinapuan ng sakit. Hinawakan ko ang kamay niya ng mahigpit upang ipadama sa kaniya na lagi akong nasa tabi niya.
-
NESTLE
Idinilat ko ang mga mata ko at tumingin sa paligid. Nasalat ko ang noo ko na may basang bimpo. Umayos ako ng upo kahit na nanghihina pa. Nasa office pa rin pala ako. Kung gano'n nasaan si Duke? Tumingin ako sa table niya at nakita ko siya na giniginaw na natutulog sa swivel chair nito. Nalipat ang tingin ko sa kumot na nakakumot sa akin. Maging sa table na may soup na alam kong pinakain niya sa akin kanina. Maging ang pinagbalatan ng gamot at baso ng tubig. Umalis ako sa sofa at tumayo. Lumapit ako sa kaniya na bitbit ang kumot. Kinumot ko iyon sa kaniya.
Sobra-sobra na ang ginawa ni Duke sa akin at kay Magnolia. Minsan ay nahihiya na ako na humingi ng tulong sa kaniya at sa pamilya niya. Ni isang katiting ay wala pa akong nagagawa para kay Duke.
Kaya naman ay lumabas muna ako ng office niya upang bumili ng pagkain. Alam ko na hindi pa siya kumakain.
Palabas na ako ng hotel para magtungo sa Convenient Store.
"Nestle!" tawag ng pamilyar na tinig. Kaya lumingon ako at nakita ko si Kimberly. Humarap ako at hinintay ko siyang makalapit. Nakangiti siya na parang tuwang-tuwa na naabutan ako.
"Bakit?" tanong ko.
"Ang tagal kasing hindi kita napansin dito," sabi niya.
"Ah.. Umuwi lang ako saglit sa Maynila," sabi ko sa kaniya. Tumango-tango siya at muling ngumiti.
"Saan ka nga pala pupunta? Si Duke?" tanong niya at talagang si Duke ang hindi niya makalimutan na itanong.
"May bibilhin lang ako sa convenient store. Nasa office si Duke," sabi ko na kinatango niya at ngumiti na naman. Hindi ko maipaliwanag pero parang may kakaiba sa ngiti niya. "Sige, mauna na ako," paalam ko na kinangiti at tango niya.
Tinalikuran ko na siya at lumabas. Nagpahatid lang ako sa hotel service cart sa Convenient Store.
Pagpasok ko ay konti ang costumer kaya madali akong nakabili ng pagkain. Bumili na rin ako ng brewed coffee.
Bitbit ang supot ng binili kong pagkain at sa kabila ay yung coffee nang lumabas ako ng elevator at nagtungo sa office ni Duke. Nilapag ko muna yung coffee para mapihit ang pinto. Pagbukas ko at binitbit ko muli ang coffee.
"Naku Duke, walang anuman. Si Nanay ang nagsabi sa akin na ipagluto raw kita bilang pasasalamat," nahinto ako sa pagpasok nang marinig ko ang tinig ni Kimberly.
"Salamat rito. Masarap ka palang magluto," tugon ni Duke.
Dahan-dahan akong pumasok upang hindi makalikha ng ingay. At doon ay nakita ko na sarap na sarap na kinakain ni Duke ang luto ni Kimberly.
Napatingin ako sa binili kong pagkain. Tila hindi na kailangan pa ni Duke iyon dahil may nauna na pala sa akin na magbigay sa kaniya. Hindi naman dapat pero parang nakaramdam ako ng kakaiba habang tinitingnan ang dalawa. Tumalikod ako dahil baka makaistorbo pa ako.
"Nestle, nandyan ka pala," sabi ni Kimberly na kinahinto ko sa paglabas. Napapikit ako ng mata at agad din na dumilat at dahan-dahan na humarap sa kanila. Nakita ko na tumayo siya at lumapit sa akin. Habang si Duke ay napatayo tila nagulat pa na andito ako. Napatingin si Kimberly sa dala kong plastic ng pagkain. "Bumili ka pala ng pagkain," sabi niya.
"Huh? ..Para sana kay Duke kaso may kinakain na pala siya," sabi ko.
"Akin na," sabi ni Duke na nakalapit na pala at inagaw ang bitbit kong plastic. "Saan ka ba nagpunta at lumabas ka? Dapat sinabi mo na may gusto kang kainin at ginising mo na lang ako para ako na ang bibili," sabi pa niya at hinawakan ang kamay ko at inakay ako palapit sa table na nasa office niya. Napatingin ako kay Kimberly na nakatungo na.
Naupo ako sa swivel chair ko at nilapit sa table.
"Ahem.. Duke, Nestle, sige labas na ako at tapos na rin ang time ko," pukaw ni Kimberly sa amin.
"Sige, Salamat na rin sa pagkain," sabi ni Duke habang kinukuha sa plastic ang nakastyrong pagkain na binili ko.
"Sige, maiwan ko na kayo," paalam ni Kimberly at lumabas na.
Tahimik lang ako habang inaayos ni Duke ang pagkain.
"Hindi pa ayos ang pakiramdam mo tapos lumabas ka agad. Ang tigas talaga ng ulo mo. Pag lalo kang nagkasakit--"
"Salamat, Duke," pigil ko sa sasabihin niya. Napatigil siya sa pagbukas ng styro at napatingin sa akin. "Ang dami mo na kasing ginagawa para sa akin. Kaya naisip ko na ibili kita ng pagkain dahil alam ko na hindi ka pa kumakain kanina at para makabawi din ako ng kahit konti sa'yo," pagpapatuloy ko at napatingin sa kamay ko na nakapatong sa lamesa at pinisil-pisil iyon tanda na nahihiya.
Hinawakan niya ang kamay ko kaya napatingin ako doon at muli sa kaniya.
"Hindi mo naman kailangan na bumawi. Lahat ng ginagawa ko ay gusto ko. Kaya kahit na hindi mo sabihin lagi lang akong narito sa tabi mo," sabi niya.
"Thank you," nakangiti kong sabi na kinangiti din niya. Inusog niya ang upuan niya palapit sa akin.
"Hindi ba pwedeng kahit kiss na lang rito bilang thank you," pilyong sabi niya habang nakaturo sa pisngi niya. Pinisil ko ang pareho niyang pisngi niya na kinangiwi niya.
"Ikaw talaga," nakangiti kong sabi at binitawan na ang pisngi niya.
"Ang sadista mo pala," sabi niya habang hinahawakan ang pisngi.
Ngumiti na lang ako at binuksan ang isang styro. Pero nabigla ako nang bigla akong nakawan ng halik sa pisngi. Napahawak ako sa doon at napatingin sa kaniya.
"Magnanakaw ka," sabi ko sa kaniya at hinampas siya sa braso. Humalakhak siya at umiiwas sa pagpalo ko.
"Ayaw mo pa kasi. Hindi tuloy ako nakatiis," sabi niya habang nakataas ang sulok ng labi niya ng isang ngiti.
"Ewan ko sa'yo. Kumain na nga lang tayo," taray-tarayan kong sabi sa kaniya para matigil na siya. Humalakhak lang siya at binuksan ang coffee..
Nasa kalagitnaan pa lang kami ng pagkain ng mabulabog kami ng isang katok. Kaya napatingin kami roon.
"Come in," ani ni Duke.
Hinintay namin na pumasok ang kumatok at lumitaw doon si Shiela.
"Sir, Nestle, pasensya na sa istorbo. Pero may dapat po kayong makita," natatakot na sabi ni Shiela. Napatayo si Duke at maging ako dahil baka may nangyari hindi maganda.
"Bakit ano ba ang dapat kong makita?" kunot-noong tanong ni Duke.
"Halika po. dadalhin ko na lang po kayo dun. Hindi ko po talaga kayang sabihin," mangiyak-ngiyak na sabi ni Shiela.
Nagkatinginan kami ni Duke at agad na lumapit kay Shiela. Lumabas kami ng office ni Duke at sumakay kaming tatlo sa elevator.
"Habang wala tayo. Pwede mo bang sabihin kung ano talaga ang nangyayari at parang takot na takot ka?" tanong ko kay Shiela.
"Papunta sana ako sa banyo para magretouch. Pero ang bumulaga sa akin ay isang bangkay. Kayo agad ang nilapitan ko dahil baka ako pa ang mapagbintangan na pumatay doon," natatakot na sabi ni Shiela. Napatakip ako ng bibig at napatingin kay Duke na nagtiim bagang. Pagbukas pa lang ng elevator ay agad naming tinungo ang C.R. na sinasabi ni Shiela. At napatakip na lang ako ng bibig sa nakita namin.
Maraming saksak sa katawan ang isang babaeng clerk rito. May hiwa din ang mukha na paekis. Lumapit doon si Duke at may kinuha na papel.
DUKE
Kumikilos na sila. At alam ko na nasa paligid na namin ang mga kalaban.
'Nagustuhan mo ba, Ford? Umpisa pa lang yan. Dahil hangga't hindi kita napapabagsak, hindi ako titigil. Maghanda ka, dahil baka isang araw.. mawala na ang mahal mo sa tabi mo.' ito ang nakalagay sa sulat.
Kinuha ko ang phone ko at tinawagan si Dad. Dahil kung nananakit na sila ng iba ay hindi na dapat ipagsawalang-bahala.
"Dad, they're here," ani ko habang nakatingin sa bangkay ng isang front desk clerk ng hotel namin.
"I know," sagot ni Dad. "Get ready, Son. Dahil mapapasabak ka," sabi pa ni Dad.
Ngumisi ako at pinakinggan pa ang sinabi niya. Nagkakamali sila na tumapak pa sila ng lupain namin. Dahil ang ayoko sa lahat ay may kukuha ng pag-aari ng mga Ford.