NESTLE Naalimpungatan ako dahil merong isang bagay na lumalapat sa aking labi. Dumilat ako para makita lang si Duke na nakadagan sa akin habang hinahalikan ako. Tinulak ko siya kaya napahiga siya sa kabilang side. Naupo ako sa kama at tumingin sa kaniya. "Lasing ka ba?" tanong ko dahil para siyang hilo. Ngumiti siya at bumangon sa pagkakahiga. Napatili ako nang ihiga niya akong muli at niyakap. "H-hindi akow lashing.. N-Nakainom lang," sabi niya habang nakasubsob ang mukha sa leeg ko habang nakayakap sa akin ng mahigpit. "Ganun din yun," sabi ko at hinaplos ang mukha niya. "Bitaw na. Ipagtitimpla kita ng kape para mahimasmasan ka," sabi ko na kinailing niya. "Wag na. Ayokong bumaba ka pa. T-tulog na lang tayo," sabi niya habang nakapikit at pahina ng pahina ang boses tila patulog na.

