Chapter 20

1227 Words
Chapter 20 “Si Haley?” ani Sofia. Nasa huling burol na sila ng kapatid na si Janet. “Oo, Sofia may isang witness na tungkol sa serial killer. Kulto pala ang nga ‘yun. Mga satanista raw na grupo madami naman pinatay pero yung kapatid ng kaibigan ni haley ay buhay. Tara puntahan natin isasama ko si Lola Agnes,” saad ni Niel. Hindi naman na nagdalawang isip ang grupo iniwan muna ang burol si Janet dahil para dito rin naman ang gagawin nila. Naipakulong na ang librarian na gumahasa rito kaya ang gusto na lang gawin ni Sofia ay makulong naman ang pumatay dito maging sa iba pang biktima. “Mabuti at nakarating kayo. Ito ang Mama Rosa ko, ito naman si Fiona kaibigan ko. Ang mama niya na si Aling Tess at anak na si Boyet. Sila naman po sina Lola Agnes tulad ko po ay may kakayahan siya, ito po ang apo niya si Niel, tapos may grupo po sila na mga paranormal sila si Sofia, Bryan, Jaypee at Mark. Si Sofia po ay kasalukuyan may pinagluluksa na biktima rin po ng serial killer. Si Janet ang kapatid niya,” ani Haley. Matapos magkamayan ang lahat ay naupo upang sandaling magmeryenda. Matapos kumain ay kinuha ni Lola Agnes ang picture ni Connie tulad ng nakita Haley ay sinabi nito ang nakita saka napailing. “Hindi dapat magtagal ang pagsapi niya dahil nakikita ko na ‘di magtatagal ay gagawin din sila na alay,” saad ni Lola Agnes. Natakot naman sila Fiona at ina sa sinabi nito. “Puntahan po natin sa bahay si Ate Connie baka ano na ang ginagawa,” ani Fiona. Umiling naman ang matanda. “Nakita kong umalis siya malamang ay pinatawag ng pinuno nila. Ang mabuti pa ay doon na tayo sa inyo tumuloy at hintayin siya makauwi mamaya,” sagot ng matanda. “Sige po,” tugon ni Fiona. “Ma, Aling Tess dito po muna kayo sa bahay kasama ni Boyet kami na lang po ang pupunta,” ani Haley sa ina. “Sige anak,” wika ni Aling Rosa. “Maiwan ka na rin Sofia pati ikaw Bryan para may kasama sila rito,” sabat ni Neil. “Oo, ako ang bahala,” ani Bryan. Umalis nga sila Lola Agnes, Niel, Haley, Fiona, Mark at Jaypee pauwi sa bahay nila Connie. Naghintay sila roon maghapon hanggang sa lumipas na ang gabi upang abangan ito makabalik. Isang itim na Van ang tumigil at ibinaba ang tulalang si Connie. Pumasok ito sa bahay at parang hindi nakita sila Fiona na naroon. “Ate Connie, sandali,” wika ni Fiona. Sinamaan naman siya ng tingin nito maging ang mga kasama na nagulat din sa asal ng dalaga. “Pwede ba tayo mag-usap?” kinakabahan na sabi ni Fiona. “Bakit? Lumayas na kayo diba? Ano pang kailangan mo pera?” tanong nito saka dumukot sa bag ng isang bundle na tig-iisang libo at initsa sa kaniya. Biglang hinakawan ni Fiona ang braso nito saka niyakap. “Ate, ano ba ang nangyayari sa’yo?’ umiiyak na sabi ni Fiona. Nagwala naman si Connie kaya hinawakan nila Niel, Mark at Jaypee. “Bitiwan ninyo ako!” sigaw nito habang nagwawala. Pinagsisipa ang mga lalake pero pinahiga ito at tinalian ang mga kamay at paa upang hindi makagalaw. “Pakawalan ninyo ako! Papatayin ko kayo!” patuloy nitong sigaw. Lumapit naman si Lola Agnes at sinuutan ito ng rosaryo sa leeg. Patuloy ito sa pagwawala minumura nito ang matanda habang nanlilisik ang mga mata. “Hayop kang matanda ka! Mamatay ka na!” sigaw nito sabay dura sa matanda. Nakaiwas naman ito kaya nilagyan nila Niel ng panyo ang bibig para hindi makapagdura muli. “Magdasal tayo,” ani Lola Agnes. “Sa ngalan ng Ama, ng Anak at ng Espiritu Santo. Amen. Diyos ko tulungan niny po kami na maibalik sa katinuan si Connie!” Patuloy sa pagwawala si Connie. Buong lakas itong tumayo at nagtatakbo sa labas. Hinabol naman ito nila Niel ngunit himalang may Van na nagihihintay sa labas. Ito rin yung naghatid pauwi rito kanina. “Ate Connie!” sigaw ni Fiona. Tinanaw na lang nila papalayo ang Van. Nilapitan ni Haley ang kaibigan at niyakap. “Haley, paano na si ate? Hindi natapos ang panggagamot sa kanya?” ummiyak na sabi nito. “G-Gagawa tayo ng paraan,” sagot ni Haley kahit na ang totoo ay hindi na rin niya alam ang gagawin. “Hindi maganda ang aking kutob. Kinuha siya muli dahil nakatiktik lang sa kanila ang mga kulto mukhang alam na nila ang ating ginagawa upang mawala ang bisa ng hipnotismo sa kaniya,” ani Lola Agnes. “Ano po ang ibig ninyo sabihin lola? May gagawin po ba silang masama sa kapatid ko? P-Patayin na po ba siya?” halos humagulgol na sabi ni Fiona. Malaki ang utang na loob niya sa kapatid dahil ito ang nagparaal sa kanya. Malaki din ang tulong nito ng mag-asawa siya hanggang sa mamatay nga ang lalake. Ang kapatid ang tumulong sa mga gastos maging sa panganganak niya. “Hindi pa naman pero tiyak ay hindi na iyon uuwi rito,” saad ni Lola Agnes. “Saan natin hahanapin si Ate Connie?” tugon ni Fiona. “Fiona, kilala mo ba yung mga kasama ng ate mo?” sabat ni Niel. Umiling si Fiona. “Hindi, kung nakikita man baka sa mukha lang hindi ko nakakausap o kilala. Palipat lipat kasi ng lugar ang trabaho ko. Si Ate Connie naman ay ganun din,” sagot nito. “Ang mabuti pa kaya ay ipa kita natin ang picture niya sa social media tapos gagawa kami ng video tungkol sa nangyari. Ano sa palagay ninyo? Para matuklas kung sino ang totoong serial killer. Navideohan naman kanina yung pagwawala niya pwede na tayo gumawa ng iba pa. At least diba kung makikita ng mga tao at malalaman na ganun pala ay magiging aware sila,” ani Niel. “Sige gawin natin ‘yan,” ani Fiona. “Handa ako magpainterview.” “Saka para yung mga babaeng nakasama nila na namatay ay malamang na pwedeng kabilang doon sa mga babaeng naialay,” ani Haley. “Makisabat lang ha. Syempre magtataka sila paano natin nalaman baka madamay naman tao saka ano ang proweba na maipapakita antin? Sa kaso ni Connie pwede dahil makikita mukhang nasasapian nga eh yung mga nawalang babae? Parang nasabi ninyo inalay hindi ba? Kung ginawa ng abo paano natin mapapatunayan? Hanggang ngayon maraming hindi naniniwala sa mga paranormal na ganito,” ani Mark. “Ano kaya kung idrawing mo Mark? I-Video natin si Lola Agnes o si Haley na iniisip ang itsura ng mga babae habang drinodrawing mo? Pati pangalan nila. Tawagin ang kaluluwa nila. Kaya po ba ninyo iyon? Willing din ako maging kinatawan nila kung gusto ninyo makipag-usap sa isa sa mga iyon,” ani Jaypee. “Payag ako. Ikaw Haley?” ani Lola Agnes. “Opo,” sagot ni Haley. “Mabuti din siguro na makipag-usap tayosa isang kaluluwa ng naging biktima para masabi niya ang lugar na pinagdalhan sa kanila.” “Paano magtawag tayo ng ng isang kaluluwa ha tapos papasok kay Jaypee habang idradrawing ni Mark. And let’s do it live,” ani Niel. Tumango ang lahat at nag set-up. Humarap sa camera si Niel para gumawa ng into ng gagawing vlog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD