Chapter 39 NBSMP Vlog 9 – Selos Nang dahil sa selos ay nakakagawa tayo minsan ng bahgay na hindi na pwedeng ibalik pa kahit gusto natin itama. “Sige Gorge nakaroll ang camera sabihin mo lang ang kwento mo,” ani Niel. “S-Selosa ang girlfriend ko na si Maritess. Halos lahat ng kaworkmate o kapit bahay ko sa apartment ay pinagseselosan niya. Lalo na si Chel. Kawork ko si Chel pero nagkataon na same rin ang inupahan namin apartment na malapit sa work. Isa nga pala akong Manager sa isang kilalang Food chain same as Chel. Supervisor naman siya. Same rin kami ng branch kaya gigil na gigil lalo ang girlfriend ko. Siya naman ay sa Isang mall nagwowork bilang sales lady ng isang shoe brand.Siguro dahil mas maganda at mas mataas ang pinag-aral ni Chel kaya ganoon nalang ang selos nito dito o ingg

