Chapter 36 NBSMP Vlog 6 – Prank Call Nasa isang hospital ang bagong kliyente nila Niel. Hindi makausap ng maayos ang dalaga at takot na takot kapag nakakkita o rinig ng telepono o Cellphone. Ayon mga magulang nito ay mahilig mangtrip ng prank call si Hilda kaya niya kasing magbago ng boses mula sa boses bata, boses matanda o sexy na boses ng isang dalaga. Maraming nagagalit pero meron din naman natatawa. Isang gabi na walang magawa ay naiisipan na naman niyang gawin ang masamang gawain na iyon. Inangat niya ang telepono at nagsimulang maghula ng numero bago inantay na mag-ring napahinga siya sa excitement ng may sumagot sa kabilang linya. Nag-iisip na ito ng sasabihin pero naunahan na siya nitong magsalita. “Hilda?” nawala ang ngiti ng babae ng marinig na kilala siya nito kahit hindi n

