Chapter 8

1563 Words
Chapter 8 Mas idinetalye pa nito ang mga naaalala na itsura ng babae habang patuloy sa pag guhit si Mark habang nakikinig. Magkasama naman na chineck ang mga cctv camera nila Bryan at Sofia ang bawat kwarto, ang kusina, banyo, sala, garahe maliban sa basement hindi nila ito pinasok sa tapat lang ng pinto sila naglagay. Bumalik na rin sila matapos na malagyan at masiguro na gumagana ang lahat. Sa monitor na sila tumingin at nagbantay nga numang makikita mula rito. “Nalagyan na namin ng cctv ang paligid at working na ang lahat,” ani Bryan. “P-Pati ba yung basement ay nilgayan ninyo?” saad ni Aurora na nag-aalala. “Ay hindi po kami pumasok sa loob pero nilagyan po sa may pinto lang baka po kasi may lumabas na anuman wala kaming third eye o anuman ni Sofia baka po mapano kami. Ichecheck po namin kung may mahahagip sa mga camera ng naumang paranormal tapos doon po mag gagawa ng plano kung dapat po ba itong kausapin o baka kusa din po umalis kung mag-aalay tayo ng panalangin sa kanya,” saad ni Bryan. “G-Ganun ba,” tugon ni Aurora. “Pakitignan nga po kung tugma sa na drawing ko ang babaeng nagpakita sa inyo,” sabat ni Mark tinignan naman ito ni Peter at Aurora nanlaki ang mga mata nila dahil kamuka nga nito si Maya. “Siya nga! Ganyan nga ang mukha niya!” bulalas ni Peter. Si Aurora ay napatango rin dahil tugma nga ito sa deskripsyon ng babae. Mas nabuhayan sila ng loob mag-asawa dahil napatunayan na hindi peke ang grupo dahil wala naman sila naikwento o nabigay na impormasyon ng babae pero nakuha ni Mark ang itsura ng gumagambala sa kanila. “Sa ngayon tulad po ng sabi ni Bryan isang buong araw po natin pakikiramdam o kung wala sa mga susunod na araw. Gawin lang po ninyo ang normal ninyong ginagawa ay huwag pansinin ang mga camera,” ani Niel. “May nararamdamam ka ba ngayon Niel? Hindi mo ba nakita ang babaeng ito sa paligid?” tanong ni Jaypee dahil alam niya na silang dalawa lang ang may kakayahan sa grupo. Umiling si Niel bilang sagot pero masama ang pakiramdam niya kay Peter. Nung una ay ayos naman ito pero ng tumatagal ay bumibigat ang pakiramdam niya sa lalake. Para kasing nag-iiba rin ang kilos at kung paano ito tumingin ng palihim sa bawat naroon. Hindi niya nakikita ang babae kaya medyo nagtataka siya maaaring nagtago ito sa basement ng bahay. Kung hindi pa nakita sa drawing ay wala siya ideya kung ano ang itsura nito. Malamang ay natatakot iyon na mapaalis sa bahay na iyon. Hinihiling niya na huwag na sana guluhin ang pamilya lalo ay sa tingin niya nabuksan na rin ang third eye ng isang anak dahil nakita na nito ang babae. “Aalis na ba kayo?” kinakabahan na sabi ni Aurora ng makitang tumayo si Niel. Tumuro naman ito sa sasakyan sa labas. “Hindi po pero diyan kami sa mobile van naming magpapalipas kumpleto ko kami ng gamit diyan kaya wala kayong problema. Naroron din po kasi ang mga monitor sa cctv para makita at mareview namin. Kung magparamdam man muli ay tawagin ninyo lang kami para makatulong. Huwag po kayo mag-alala hindi kami aalis hanggang hindi nagiging maayos ang lahat. Pangako po iyan,” sagot ni Niel. “Salamat. Hindi na rin namin kasi alam kung paano ba ito malulutas. May ilang tao na hindi naniniwala kahit mga kaibigan o kapamilya namin. Malaking tulong talaga kayo. Magluluto ako dadalhan kayo ng pagkain mamaya,” nakangiting saad ni Aurora. Tumango si Niel at lihim na napatingin kay Peter. Serysoso lang ito pero nahuli niyang masama ang sulyap nito kay Aurora maging sa mga kasama. Hindi nalang niya pinansin dahil baka stress lang ito. Pero mas mamatyagan niya ito lalo ang isang camera ay halos nakatutuk dito dahil sa interview kanina. “Sandali, Magdasal po tayo ng rosary bago kami bumalik sa sasakyan. Turo lagi ng aking lola na matibay daw po itong panlabas sa mga masasamang espirituru,” inilabas nito ang rosary at muling naupo para pamunuan nag pagdarasal. Sa ngalan ng Ama, ng Anak at ng Espiritu Santo. Amen. Sumasampalataya ako sa Diyos Amang makapangyarihan sa lahat, na may gawa ng langit at lupa. Sumasampalataya naman ako kay Jesukristo iisang anak ng Diyos, Panginoon nating lahat. Nagkatawang tao siya lalang ng Espiritu Santo; ipinanganak ni Santang Mariang Birhen. Ipinagpakasakit ni Poncio Pilato; ipinako sa krus, namatay at inilibing. Nanaog sa kinaroroonan ng mga yumao. Nang may ikatlong araw nabuhay na mag-uli. Umakyat sa langit; naluklok sa kanan ng Diyos Amang makapangyarihan sa lahat. Doon magmumula’t paririto at huhukom sa nangabubuhay at nangamatay na tao. Sumasampalataya naman ako sa Diyos Espiritu Santo, sa Banal na Simbahang Katolika; sa kasamahan ng mga santo, sa kapatawaran ng mga kasalanan; at sa pagkabuhay na mag-uli ng nangamatay na tao, at sa buhay na walang hanggan. Amen. Ama namin sumasalangit ka. Sambahin ang ngalan mo. Mapasaamin ang Kaharian Mo. Sundin ang loob Mo dito sa lupa para nang sa langit. Bigyan Mo kami ngayon ng aming kakanin sa araw araw. At patawarin Mo kami sa aming mga sala, para nang pagpapatawad namin sa nagkakasala sa amin. At huwag mo kaming ipahintulot sa tukso. At iadya mo kami sa lahat ng masama. Amen. Aba Ginoong Maria , napupuno ka ng grasya, ang Panginoong Diyos ay sumasaiyo, bukod kang pinagpala sa babaeng lahat at pinagpala naman ang iyong Anak na si Jesus. Santa Maria Ina ng Diyos, ipanalangin mo kaming makasalanan, ngayon at kung kami’y mamamatay. Amen. Luwalhati sa Ama, sa Anak, sa Espiritu Santo. Kapara noong una, ngayon at magpakailanman at magpasawalang-hanggan. Amen. O Jesus ko, patawarin mo kami sa aming mga sala, iligtas mo kami sa apoy ng impiyerno, dalhin Mo ang lahat ng kaluluwa sa langit, lalong-lalo na ang higit na nangangailangan ng iyong awa. Aba po Santa Mariang Reyna, Ina ng Awa, Ikaw ang kabuhayan at katamisan; Aba pinananaligan ka naming ikaw nga ang tinatawag namin, pinapanaw na taong anak ni Eva. Ikaw rin ang pinagbubuntuhang hininga namin ng aming pagtangis dini sa lupang bayang kahapis-hapis. Ay aba pintakasi ka namin, ilingon mo sa amin ang mga mata mong maawain, at saka kung matapos yaring pagpanaw sa amin, ipakita mo sa amin ang iyong anak na si Jesus. Santa Maria, Ina ng Diyos, maawain, maalam at matamis na Birhen. Ipanalangin mo kami Reyna ng kasantu-santuhang Rosaryo. Nang kami’y maging dapat makinabang ng mga pangako ni Jesukristo. O Diyos, na ang kaisa-isa mong Anak, sa pamamagitan ng kanyang buhay, pagkamatay, at pagkabuhay na mag-uli ay ipinagtamo sa amin ang gantimpalang buhay na walang hanggan, ipagkaloob mo, isinasamo namin na sa pagninilay-nilay nitong mga misteryo ng kabanal-banalang Rosaryo ng Pinagpalang Birhen Maria, matularan namin ang kanilang nilalaman , at makamtan namin ang kanilang ipinangangako. Alang-alang kay Kristong aming Panginoon. Amen. Panginoon, maawa ka sa amin. Kristo, maawa ka sa amin. Panginoon, maawa ka sa amin. Kristo, pakinggan mo kami. Kristo, paka-pakinggan mo kami. Diyos Ama sa langit, Maawa ka sa amin. Diyos Anak na tumubos sa sanglibutan, Diyos Espiritu Santo, Santisima Trinidad na tatlong Persona at iisang Diyos, Santa Maria, ipanalangin mo kami. Santang Ina ng Diyos, Santang Birhen ng mga Birhen, Ina ng Kristo, Ina ng grasya ng Diyos, Inang kasakdal-sakdalan, Inang walang malay sa kahalayan, Inang 'di malapitan ng masama, Inang kalinis-linisan, Inang ipinaglihi na walang kasalanan, Inang kaibig-ibig, Inang kataka-taka, Ina ng mabuting kahatulan, Ina ng may gawa sa lahat, Ina ng mapag-adya, Birheng kapaham-pahaman, Birheng dapat igalang, Birheng dapat ipagbantog, Birheng makapangyayari, Birheng maawain, Birheng matibay na loob sa magaling, Salamin ng katuwiran, Luklukan ng karungunan, Mula ng tuwa namin, Sisidlan ng kabanalan, Sisidlan ng bunyi at bantog, Sisidlan ng bukod-tanging katimtimann Rosang bulaklak ng 'di mapuspos ng bait sa tao ang halaga, Torre in David, Torre na garing, Bahay na ginto, Kaban ng tipan, Pinto sa langit, Talang maliwanag, Mapagpagaling sa mga maysakit, Pagsasakdalan ng mga taong makasalanan, Mapang-aliw sa nangagdadalamhati, Mapag-ampon sa mga kristiyano, Hari ng mga anghel, Hari ng mga patriarka, Hari ng mga propeta, Hari ng mga apostol, Hari ng mga martir, Hari ng mga confesor, Hari ng mga Birhen, Hari ng lahat ng mga santo, Haring ipinaglihi na 'di nagmana ng salang orihinal, Haring iniakyat sa langit, Hari ng kasantu-santosang Rosaryo, Hari ng kapayapaan. Kordero ng Diyos na nakawawala ng kasalanan ng sanlibutan. Patawarin mo po kami, Panginoon. Kordero ng Diyos na nakawawala ng kasalanan ng sanlibutan. Paka-pakinggan mo po kami, Panginoon. Kordero ng Diyos na nakawawala ng kasalanan ng sanlibutan. Maawa ka sa amin. Ipanalangin mo kami, Santang Ina ng Diyos. Nang kami ay maging dapat makinabang ng mga pangako ni Hesukristong Panginoon. Manalangin Tayo- Panginoon naming Diyos, kasihan mo nawa ang aming mga kaluluwa ng Iyong mahal na grasya, at yayamang dahilan sa pananalita ng anghel, ay nakilala namin ang pagkakatawang tao in Hesukristong Anak Mo. Pakundangan sa mahal Niyang pagpapakasakit at pagkamatay sa Krus, ay papakinabangin Mo kami ng Kanyang pagkabuhay na mag-uli sa kaluwalhatian sa langit. Alang-alang kay Hesukristo ring Panginoon namin. Siya Nawa. Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo. Amen. Matapos magdasal ng rosaryo at biglang sumuka ng itim na likido si Peter kaya nataranta si Aurora pati ang mga anak ng mga ito. “Peter!” sigaw ni Aurora. Itutuloy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD