Chapter 26 Sa isang convenience store nag kita kita ang grupo para sama samang magpunta sa unang kaso nila bilang isang team. “Ayon sa report na binigay ng magulang ng biktima. Maayos naman ang lahat sa kanila dahil may kaya ang pamilya. Hindi daw naman sila nag-aaway. Hindi rin madalas pagalitan ang anak kaya hindi nila alam kung bakit nito tinapos ang sariling buhay,” ani Chadrick bahang nasa van sila. “Hindi kaya nabu-bully? Highschool lang siya diba?” ani Mark. “pero Infairness maganda naman siya. Ano kaya ang problema?” dagdag pa nito habang tinitignan ang picture ng biktima sa folder. “Oo nga maganda. May ate kaya ito?” ani Jaypee. Kinuha naman ito ni Haley at hinawakan ng mariin saka pumikit. Napailing si Haley ng dumilat. “Ano ang nakita mo?” tanong ni Niel. “Step father

