Chapter 11
“Hindi ko alam kung maniniwala kayo sa kakayahan na meron ako pero ito ang nakita ko tungkol sa kapatid mo.” Ani Haley. Seryoso naman ang lahat at naghintay ng susunod na sasabihin ng dalaga.
Nahita ko na naglalakad si Janet at Amy sa isang madilim na eskinita. Galing sila sa bahay ng isang kaklase nila para gumawa ng thesis ngunit sa hindi inaasahan ay may mainit na pagtatalo ang magulang ng kamag aral nila kaya mas pinili na lang nila umalis kesa mapahiya ang kaibigan. Nagbabatuhan at nagmumurahan na kasi kaya hindi na rin maganda na may ibang tao na nakakakita ng personal na away ng pamilya. Hindi naman nila akalain na wala pa lang tricycle o kahit jeep na pwedeng sakyan pag uwi kapag ganun ng oras. Mahina rin nag signal kahit gusto nilang mag book ng taxi o grab car.
“Ano ba naman na lugar ito kasulusulukan na nga ng subdivision wala pang masakyan pauwi,” inis na sabi ni Amy.
“Hayaan mo na bilisan na lang ang paglalakad dahil parang may nararamdaman akong kakaiba sa paligid,” sagot ni Janet. Nakaramdam naman ng takot si Amy at kumapit ng mahigpit sa dalaga.
“Kakainis ka naman nanakot ka pa diyan eh!. Kung bumalik na lang kaya tayo kila Bea? Sabihin natin ang dilim at natatakot tayong maglakad. Maiintindihan naman nila dahil mga babae tayo,” saad ni Amy.
“Hindi mo ba nakita kung paano magmurahan at magbatuhan ng mga gamit yung magulang niya? kulang nalang magsaksakan na sila saka alam kong mas gusto rin ni Bea na hindi natin makita at maringi ang ganun. Family matters na nila. Nakakahiya rin kasi hindi naman kalakihan yung bahay kaya kahit nasa kwarto tayo imposible na hindi natin marinig ang mga sigaw. Saka sana hindi tayo pinigilan na umalis,” wika ni Janet na panay linga sa likod.
“B-Bakit ba panay ang lingon mo? Lalo akong kinakabahan saiyo.” kinakabahan na sabi ni Amy dahil napapansin nito ang pag lingnon ni Janet sa likod.
“Ewan ko ba kinukutuban kasi ako ng masama parang may sumusunod sa atin na naglalakad,” bulong ni Janet.
“Ha? W-Wala naman. Nasaan? Hindi kaya si Bea o yung mga magulang niya? Baka nagbati na at hahabulin tayo.” ani Amy na panay silip kung merong ibang tao. Nagulat naman sila ng may biglang lumitaw na isang gwapong lalake sa harap nila.
“Ay! Nakakagulat ka naman kuya!” asik ni Amy pero biglang napangiti ng makitang gwapo ito at mukhang artistahin.
“Ikaw ba yung sumusunod sa amin?” lakas loob naman na tanong ni Janet. Siniko ito ni Amy dahil baka ma offend ang lalake. Type pa naman niya ito.
“Sis, ano ka ba? Ano bang sumusunod ang sinasabi moa ng laki nung daan baka nagkataon lang ikaw talaga tignan mo ang pogi baka sabihin assuming tayo.” bulong niya sa dalaga.
Hindi sumagot ang lalake pero bigla itong ngumisi at inilabas ang isang matalas na kutsilyo. Hindi sila nakagalaw sa gulat pero agad na hinila ni Janet ang kaibigan para tumakbo pero natapilok ito kaya nahila ng lalake ang buhok nito sabay laslas ng leeg nito.
Gumapang naman sa takot si Janet nanghihina ang mga tuhod niya sa takot. Sunod sunod na saksak ang naramdaman niya sa kanyang likod hanggang sa mapahiga. Kinuha ng lalake ang pareho nilang puso saka umalis at naglako sa dilim.
“Iyon ang nakita ko ng masagi ko si Janet,” ani Haley.
“S-Sino ang may gawa sa kanila?” umiiyak na sabi ni Sofia. Umiling naman si Haley.
“H-Hindi ko nakita tulad ng ibang biktima ay hindi ko nakita ang mukha ng lalakeng suspek pero isa lang sa alam ko ang deskripsyon nila ay gwapo ito kaya hindi agad paghihinalaan ng sinuman,” sagot ni Haley. Inis naman siyang niyugyog ni Sofia.
Uminit ang ulo nito dahil ang nasabi lang nito ay kung paano namatay ang kapatid pero ang gumawa ay hindi naman matukoy.
“Anong hindi mo nakita? Bakit ganun? Nakita mo ang nangyari alam mo pa ang pinag-usapan pero ang mukha ng pumatay ay hindi?” inis na sigaw nito. Napakit si Haley at nakitang kasama ito sa isang grupo ng mga paranormal expert.
“Sofia, relax lang wala naman siya kasalanan. Magpasalamat tayo ay kahit papaano ay may konting impormasyon siya na naibigay,” ani Neil habang inaawat si Sofia sa pagyugyog kay Haley.
“Eh kasi naman magbibigay nga ng impormasyon kulang kulang! Kung ano pa ang pinakaimportante yung pa ang hidni nasabi!” naiiyak na sabi ni Sofia.
“Excuse me pwede bang bitawan ninyo ang staff ko? I’m Chardrick, Head ng CSI. Mabuti pang magpasalamat ka dahil nakita niya kung ano ang nangyari. Hindi ninyo ba nabalitaan na may kumakalat na Serial Killer? Sinabi na namin na mag-ingat ang lahat lalo ang mga kababaihan. Umiwas na gabihin at maglakad sa mga hindi mataong lugar. Hindi na kasalanan ni Haley kung hindi makilala ang suspek wala naman siya nang mangyari ang pagpatay sa kapatid mo,” seryosong sabi nito kaya lahat at dito naman napatingin.
“Sir,”
“Nasaktan ka ba Haley? Sana hindi ka na pumasok muna rito,” ani Chadrick.
Medyo na touch si Haley dahil naramdaman niya na nag-alala ang boss sa kaniya dahil siya na mismo noon ang nagsasabi na nabu-bully siya noon dahil sa kakaibang kakayahan. Hindi lang talaga niya natiis na hindi lumapit kanina.
“Hindi naman po sir.”
“Nakakapag taka lang na hindi nakita ang mukha ng killer,” sabat ni Niel.
“Hindi ko rin alam kung bakit ganoon pasensya na,” tugon ni Haley.
“Again, wala kang kasalanan. Nasa TV na ang mga warning na huwag magkalat sa daan.” tugon ni Chadrick.
“Hindi gumagala ang kapatid ko! Galing sila sa kaklase niya para gumawa ng thesis!” inis na sabi Sofia. Hindi naman siya pinansin ni Chadrick.
“You have same capability sa lola ko,” wika pa ni Niel sabay abot ng isang business card. Nabasa ng dalaga na mga paranormal group nga ito ay may Youtube channel pa.
“Please excuse us we need to make a report sa kaso. Bumalik na lang kayo kapag ililipat na sa funeral parlor ang mga bangkay,” ani Chardrick. Tumango ang lahat saka umalis.
“P-Pasenya na,” habol na sabi ni Haley kay Sofia. Naiiyak lang nito na tinaas ang kamay bilang pagsang-ayon.
“Naiinis ako Sir Chadrick hindi ko lubusan magamit ng maayos ang kakayahan ko. Ngayon na handa na akong gamitin ito sa mga kasong tulad nito ay para naman nang-iinis dahil as in blanko talaga. Nagtataka rin ako bakit naman sa dami mukha pa ng killer ang hindi makita. Sa ibang kaso naman ay nakikita ko kung sino ang may gawa,” malungkot na sabi ni Haley sa boss.
“Haley, hindi mo kasalanan kung hindi mo makita ang killer dun sa nasasabi mo pa lang kung ano ang nangyari at paano sila pinatay ay malaking bagay na sa trabaho natin,” tugon ni Chardrick.
“Kaso po sir kulang. Kung ano pa ang pinakaimportante doon pa hindi magamit ang kakayahan ko. Sa tingin ko po kasi parang inunahan ko lang ang mga imbestigador pero tulad ng nasabi ko madedetect din po nila ang nangyari, mas better nga lang po ang akin dahil detalyado kaso ang pinaka may salarin pa ang hindi ko mabigyan ng sagot. Pakiramdam ko po tuloy mas wala akong kwenta kasi hindi rin ako makakatulong sa mga biktima o sa mga kamag-anak nila na lumutas ng kaso. Nakakahiya rin po sa inyo dahil ang laki ng pasahod ninyo pero wala rin po pala akong silbi. Imbes mapabilsi ang kaso ay nakabinbin lang din naman,” wika pa ni Haley.
“Huwag mo isipin ‘yan importante ka sa paglutas ko ng kaso. Kung wala ka maghihintay pa ko ng report ng imbestigador na aabutin ng linggo eh sa’yo minuto lang may report agad mas madaling maglutas dahil meron na agad backgroun saka makikilala rin natin ang killer. Saan ba at doon din naman ang punta. Hayaan mo na ang tulad ng babae kanina saka hindi ba ayaw mong mahusgahan? Ang mabuti pa kapag ganun ay huwag ka ng magsabi sa kanila. Ang totoo nga niyan ay gusto ko sana lihim pa rin ang kakayahan mo. Kumbaga ang iisipin ng lahat ay sekretarya lang kita hayaan natin na magulat sila na laging CSi ang mauunang makalutas ng kaso. Isipin mo kapag nalaman nila ang tungkol sa iyo ay baak bigla ka sumikat,” sagot ni Chadrick.
“Naku ayoko po,” sagot ni Haley. Naisip niya ang mga ginagawang kakatawanan na mga tao na may third eye. Maraming hindi naniniwala sa mga ganoon at ginagawa lang content sa mga palabas.
“Kaya nga sa susunod hayaan mo na ang mga tao. Sa akin ka magreport ng mga nakikita mo maliwanag ba?”
“Yes sir.”
---------------------------------------
“Hindi ko akalain na may tulad ni lola,” saad ni Niel habang nakatanaw kila Haley at Chardrick na seryosong nag-uusap sa loob ng morgue.
“Anong katulad? Hindi nga niya masagot sinong pumatay sa kapatid ko eh! Wala siyang kwenta! Teka, paano kung ayain mo si Lola Agnes kapag binurol na si Janet mamaya? Para makita niya kung sino ang hayop na may gawa. Please Niel. Hindi ako mapapalagay at hindi matatamik ang kapatid ko kung hindi masasagot kung sino ang pumatay sa kanila dapat managot ang demonyo na ‘yun!” galit na sabi ni Sofia.
“Sofia, hwuag naman ganyan siguro nga ‘di siya kasing galing ni lola pero alteast ‘di ba nakapag bigay ng konting impormasyon kung ano ang nangyari sa kanila? Baka kung pulis ‘yun aabutin ng siyam siyan bago makapag bigay ng report sa atin. Hayaan mo isasama ko si Lola Agnes para maging malinaw,” ani Niel.
“Oo nga naman mukha naman siya mabait,” sabat ni Mark.
“Hindi lang ako nakapag isip ng maayos. Tama kayo,” malungkot na sabi ni Sofia.
---------------------------------------
“Salamat po sir.”
“Wala ‘yun,” tugon ng binata bigla naman nag ring ang cellphone nito. “Mauna na ako sa labas pwede ka na umuwi gawan mo no lang iyan ng report ulit saka po ipasa bukas,” wika ni Chadrick na nagmamadali.
“Sige po,” sagot ni Haley na medyo napakunot noo dahil ambilis na naman natapos ng trabaho niya sa araw na ‘yun dahil halos kakapasok lang niya kanina. Pumasok ang mga taga morgue at sinabing ililipat na sa isang punenarya ang bangkay kaya lumabas na rin siya at nakitang naroon pa ang grupo nila Niel. Aalis na rin sana siya ng habulin ng binata.
“M-Miss, sandali!” ani Niel kaya napalingon si Haley.
“Bakit?” aniya.
“Ah eh! Ibuburol na kasi si Janet. Kapatid siya ni Sofia. Ah A-Ako nga pala si Niel. ‘Yun naman si Bryan, Mark at Jaypee. Isang paranormal group kami,” saad nito. Napatango naman si Haley.
“May kailangan ka ba?” tanong ng dalaga kaya napakamot sa ulo si Niel. Hindi rin niya alam kung bakit ito pinigilan pero gusto niya sanang maging miyembro ito at makilala ng lola niya dahil sa palagay niya ay pareho ang mga ito ng kakayahan.
“K-Kasi baka gusto mong sumali sa grupo namin. A-Ano nga ulit ang pangalan mo?” nahihiyang tanong ni Niel. Naglapitan naman ang mga ka grupo niya sa kanila ng dalaga.
“Haley.”
“Haley, pasensya na kanina ha nasigawan kita. Ang hirap kasing tanggapin na wala na ang kapatid ko. Kahapon lang kasama ko pa siya tapos bigla kong mababalitaan na wala na. Maraming salamat sa impormasyon na naibigay mo,” naiiyak na sabi ni Sofia.
“Wala ‘yun pasensya na rin kasi hindi ko talaga alam kung bakit prang itim lang ang itsura ng suspek kasi sa iba naman na bangkay malinaw kong nakikita kung sino ang pumatay. Katulad ng nakaraan na kaso ang sa kapatid mo sigurado akong yung serial killer ang may gawa dahil pareho kong hindi nakita ang itsura ng pumatay sa kanila,” sagot ni Haley.
“S-Serial Killer?” ani Sofia na nagulat.
“Oo parang sa pagkakaalam ko sa loob ng buwan na ito nasa mahigit sampu na ang biktima ng suspek. Mula naman ng magsimula ako sa trabaho ko pang tatlo ko na yata na ito na kaso na pareho lang din ang aking nakikita. Madilim lang. Kakaiba sa ibang kaso kapag hinawakan ko ang tao o bangkay ay nakikita ko naman kung paano at sino ang pumatay,” wika pa ng dalaga.
“Papayag ka bang sumama samin para makilala si Lola? Baka matulungan ka niya na mas malinang ang kakayahan mo pero kung may trabaho ka may ibang araw pa naman kung gusto mo lang. S-Saka sana pumayag kang maging miyembro ng tema namin,” sabat ni Niel.
itutuloy