Chapter 24 Wala sa sariling pumasok si Connie sa loob ng bahay at nahiga sa sala. Pagod na pagod ito dahil ginagalaw ng bawat miyembro ng kulto. Gayun din ang apat pa niyang kasama. Lahat sila ay mga wala sa tamang pag-iisip at parang robot lang na sumusunod sa anumang gawin sa kanila. Kumalam ang sikmura niya kaya tumayo at naghanap ng makakain sa kusina. Binuksan niya ang ref ngunit wala na itong laman kaya hinayaan lang na nakabukas. Ang pantry naman ang binuksan at kumuha ng lata ng sardinas. Binuhos nito sa mangkok ang laman saka kumain tapos ay muli itong nakatulog. Wala pang tatlong oras ay para na itong robot muli na biglang dumilat at lumabas ng bahay saka sumakay sa van. “Aalis na siya,” bulong ni Fiona. “Sige pagkaalis niya tatawag ako kila Niel at magpapatulong tayo magka

