Chapter 31 “Huwag na lang po kaya Lola Agnes,” ani Fiona. “O siya sige at dadasalan ko na lang siya at maging isa sa inyo,” saad ni Lola Agnes. nagbukas ng kandila si Niel saka tinapat ang cellphone sa harap nila. “Amang Diyos, Panginoong Banal, ako po ay taos-pusong nagpupuri, naghahandog ng isang panalangin at sumasamba sa iyo. Talos ko ang iyong kapangyarihan at talastas ko ang iyong kadakilaan. Ikaw ang lumikha ng lahat ng bagay na narito sa lupa at maging nariyan sa langit. Sa iyo nagbuhat ang hininga ng aming mga ilong at ang buhay ng aming kaluluwa. Ikaw ang pinanggagalingan ng mga biyayang natatanggap namin sa araw-araw. Ikaw ang nagbibigay ng aming talino ng isipan, lakas ng aming katawan, kaligayahan ng aming mga puso, kapanatagan ng aming mga diwa at pag-ibig sa aming mga ka

