Chapter 13

1322 Words
Chapter 13 Samantala isang madilim na kwarto ay nagtitipon-tipon ang isang grupo ng mga kulto na nakasuot ng mga robang maroon. Makikitang nakapagitna sa kanila ang isang malaking rebulto na mukhang kambing na may tatlong sungay sa noo. Mistula itong demonyo sinasamba na animo’y diyos. Pumunta sa harap ang isang lalake na nakasuot ng purong itim pati roba nito ay itim at maskarang itim rin. Ito ay si Mr. Black, ang pinuno ng grupo ng kultong iyon. Isang umiiyak na babae ang ipinasok ng ilang kasamahan. Hubo’t hubad ito at inihiga sa isang lamesa at itinali na parang naka X ang mga kamay at mga paa. Parang bingi ang mga ito sa paghingi ng saklolo ng dalaga. “Parang awa na po ninyo pakawalan ninyo ako! Hindi po ako magsusumbong! Maawa po kayo ako lang ang inaasahan ng pamilya ko! Huwag ninyo po akong patayin!” “Mga alagad isa na naman alay ang ating ihahandog sa ating panginoon. Sa pamamagitan nito ay patuloy niya tayong bibigyan ng kalakasan, kayamanan, at proteksyon sa anumang uri ng kalaban sa mundong ito,” saad ni Mr. Black saka itinaas ang isang kumikislap na kutsilyo. Nagsiluhuran naman ang lahat at nanood sa mga susunod na mangyayari. “Maawa po kayo! Pakawalaan ninyo ako! Uuwi na po ako hinahanap na ako ng aking mga magulang!” halos magwala sa pag-iyak ang dalaga. Wala naman sagot ang pinuno bagkus ay ginilitan na ito sa leeg. Isinahod ang dugong galing dito at ipinaligo sa rebultong kambing ng mga kasapi. Hiniwa muli ni Mr. Black ang dibdib nito saka kinuha ang puso. Kumagat ito bago inialay sa harap ng rebulto at bumulong ng isang panalangin na ito lang ang nakakaalam. “Kayo na ang bahala sa kanya at alam na ninyo ang gagawin pagkatapos,” wika pa ng pinuno bago umalis. Nagsitanguan ang mga kasapi binuhusan nila ng tubig ang katawa nito para mawala ang dugo at isa isang hinalay ang wala ng buhay na biktima. Sinunog nila ang katawan nito pagkatapos at muling inihilamos sa katawan ng rebulto saka ito tinakpan ng itim na tela. Uminom ng alak si Mr. Black ng makapasok sa sariling kwarto nakita niya mula sa bintana na nag-alisan na ang mga kasapi. Napangisi siya dahil ramdam na ramdam na pinagpapala siya lalo ng sinasambang demonyo. ----------------------------- “Kelan pa nawawala si Vicky Tuazon? Saka ilang taon na siya?” tanong ng pulis habang nag titipa ito sa isang makinilya para sa police report. Nagpigil naman ng pag-iyak si Mrs. Tuazon habang pilit pinapakalma ang sarili na hindi mautal sa pagsagot. “K-Kahapon po ay nagpaalam siya na babalik sa dorm dahil naiwan niya ang mga libro. Tuwing weekends ho kasi ay sa bahay siya tumutuloy kapag walang pasok sa university niya. 17 years old lang ho ang anak ko. Mabait ho siya at hindi mapabarkada. Wala ho siyang bisyo at scholar sa pinapasukan. Mas pinili namin na mag dorm siya dahil noon ho ay ginagabi siya ng uwi lalo at pag may research na ginagawa. Hindi na ho siya nagparamdam kung nakapunta pa siya ng dorm sabi ng kasera niya ay wala daw po naman siya roon dahil nakalock pa rin ang bahay. Wala rin sa school. Hindi macontact ang cellphone niya. Wala ho siyang boyfriend kaya imposibleng makipagtanan. Natatakot ho kami baka na holdap o nakidap na siya,” naiiyak na sagot ng ina. “Mrs. Tuazon, alam po namin ang nararamdaman ninyo pero sa batas po ang missing person ay dapat sa loob ng 24 oras nawawala. Sabihin na natin na hapon siya kahapon hindi na nagparamdam. Ang gawin ho natin ay antayin ninyo mamayang gabi baka umuwi rin pero kung hindi ay saka tayo gagawa ng hakbang para magpakalat ng larawan niya. Nakagawa naman na ho ng report. Kung sa tingin ninyo naman ay nakidnap siya sana ho ay may tumawag na nagdedemand ng pera sa inyo,” saad ng pulis. Napahinga naman ng malalim ang ginang. Hindi naman sila mayaman pero hindi rin mahirap kumbaga ay tama lang. iniisip niya na baka nagpagkamalan na mapera ito dahil mestisahin ang anak dahil amerikano ang ama nito. Isa pa ay kakamatay lang ng kapit bahay nilang si Janet na estudyante rin tulad ni Vicky. Sa pagkakaalam niya at walang naging suspect sa pagkamatay nito dahil walang testigo. Ayaw niyang matulad doon ang anak. “P-Pero paano po kung biktima rin ang anak ko nung sinasabing Serial killer na kumakalat?” kinakahaban na sabi nito. “Huwag naman po sana dahil hanggang ngayon ilang case ang nakabinbin dahil sa hindi mahuli o walang makapagbigyan ng impormasyon sa Serial killer. Ipagdasal ho natin na umuwi siya mamayang gabi kundi ho ay sabihan ninyo kami para maalerto ang mga kapulisan sa isang estasyon pati na rin ho ang barangay,” wika pa ng pulis. Walang nagawa si Mrs. Tuazon kundi umuwing luhaan kung nagpilit lang sana siya na sumama baka hindi nawala ang anak. Sana ay kasama pa niya ito ngayon. Naiisip niya na muling pumunta sa burol ni Janet baka sakaling naroon ang anak o may kakilala silang makakapag turo kung nasaan man ito ngayon. ----------------------------- “Huwag kang matakot. Walang tatalo sa kapangyarihan ng diyos ama. Maaaring sa ngayon ay nagagawa nila ang mga gusto nila pero hindi ‘yun magtatagal dahil kailanman ang mga gawaing hindi maganda ay hindi magdudulot ng anumang kaayusan,” saad ng matanda. “Tama po kayo Lola Agnes pero sana ay mahuli na agad dahil nakakaawa naman ang mga pwede pang maging biktima ng Serial Killer na iyon,” “Haley, basta manalig lang tao sa totoong panginoon.” Napatango si Haley saka napatingin sa isang paparating na ginang. Nakita nilang sinalubong ito ni Sofia at napatakip ng bibig habang kausap ng ginang. Bumaba naman na sa sasakyan ang dalawa para malaman ang nangyari. Agad lumapit sila Lola Agnes, Haley at Niel sa mga ito upang marinig ang pinag-uusapan. “Kelan pa po nawawala si Vicky?” malungkot na tanong ni Sofia. Gulat na gulat kasi si Sofia ng sabihin na nawawala si Vicky mula pa kahapon. Tinanong siya kung napadaan doon si Vicky pero agad naman sinabi na hindi pa ito nakita mula ng nakaraan na mga araw. “Mula pa kagabi siya hindi umuuwi. Bumalik kasi siya sa dorm niya para kunin ang mga naiwan niyang libro pero hindi na siya umuwi o nagtext man lang sa akin. Tinatawagan namin siya ay hindi na ma-contact ang cellphone niya. Nagreport kami sa pulis kaso dapat daw ay 24 hours muna ang hintayin bago masabing nawawala talaga. Hindi ko na kaya pang maghintay hanggang gabi paano kung napahamak na pala siya at kailangan niya ng tulong. Paano kung naging biktima na rin siya ng Serial Killer tulad ni Janet,” umiiyak na sabi ni Mrs. Tuazon. Hinila naman ito ni Sofia sa isang hindi mataong lugar at inupo. Tinuro nito sila Lola Agnes sa ginang. “Ano ang nangyari?” tanong ni Niel “Si Vicky ay kaklase ni Janet nawawala rind aw siya,” sagot ni Sofia. “Naku ano ba ‘yan.” “Tita, huwag naman po sana na maging biktima rin siya ng hayop na killer na iyon dahil tulad ni Janet ay hindi pa rin po nahuhuli ang killer. Hindi ko po alam kung maniniwala kayo pero ito pong sila Lola Agnes at Haley ay may kakayahan na makakita ng mga nangyari. Alam ninyo naman po ang trabaho ko diba?” ani Sofia. Napatango naman ng ginang dahil madalas ay nanonood din siya ng video vlog ng mga ito. “Meron ka ba larawan ng iyong anak? Amina at titignan namin kung ano ang nangyari sa kaniya at baka sakaling kami ay makatulong,” ani Lola Agnes. “Opo, meron.” Mabilis naman na nilabas ng ginang ang cellphone at pinakita ang picture ng anak sa mga ito. Sabay na hinawakan nila Lola Agnes at Haley ang cellphone at pumikit. Itutuloy
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD