Chapter 33 NBSMP Vlog 3 – Gayuma Isang binata ang na siraan ng bait dahil sa sinasabing gayuma. Lumapit sa grupo nila Niel ang nobya nitong si Karen at magulang ni Lito para ihingi ng tulong ang kalagayan nito. Luhaan na tumatakbo si Nori palabas sa simbahan dahil nakitang may bago ng nobya ang ex-botfriend na si Lito. Bago ito tuluyan na nakalayo ay masama niya munang tinignan ang dalawa na magtabi pang nakaluhod habang nagdadasal. Dumiretso si Nori sa lola nitong kilalang mangkukulam at sinabi ang problema. Napangisi naman ang matanda. “Apo, sisiw lang ang problema mo.” “Paano pong sisiw eh may iba na nga siya,” umiiyak na sabi ni Nori. Kinuha naman ng matanda ang isang itim na aklat ay binuksan sa isang pahina. “Ito ang isang dasal ng gayuma upang mabaliw at balikan ka niya. Da

