"ANO'NG binabalak mong gawin, Annie?" tanong ng kaibigan niya ang pumukaw sa malaliman niyang pag-iisip. Ngunit dahil hindi siya kaagad nakasagot ay muli itong nagwika. "Noon pa man ay binalaan na kita tungkol sa mag-inang Carlsen, friend. Ngunit dahil binulag ka ng pag-ibig sa lalaking may-asawa ay ibinaba mo ang iyong dignidad. Pero ano'ng napala mo? Sa palagay ko ay natauhan ka na rin," anito. "Para sa taong tulad ko ay wala akong pinagsisihan sa naging desisyon ko, Annette. Kahit ibalik pa ang oras at pagkakataon ay gagawin ko pa rin ang lahat. Labis-labis ko lamang pinanghihinayangan na hindi ko pinatay ang babaeng iyon noon," tugon niya. At sa pagkaalala niya sa bahaging iyon ng kaniyang buhay ay napakuyom ang kaniyang mga palad. "Wala ng ibang nakakaunawa sa iyo, friend, kundi

