Mia’s POV Nag friend request din siya sakin pero di ko in-accept kahit ‘yung message request. Di naman ako impokritang makikipag-plastikan sa bestfriend ni Reese-salot dahil hindi ako nasiyahan sa balita niya. Ayun pala ‘yon kaya di ako makausap din ng matino o matignan man lang ng diretso sa mata. Madali naman akong kausap. Pagkabalik ko galing one hour break, nagpalit kami at ako naman ang nasa cashier. Sinasambit ko lang ang mga order at naka-focus lang ako sa customers hanggang mag-end ang shift. “Good morning Mia!” bati ni Jen at nakasunod rin sa kanya si Candice. Sila kasi ang susunod samin. Matapos ko sila batiin pabalik, tinanggal ko na agad ang apron ko at deretso sa banyo tapos sa locker para kumuha ng gamit ng makaalis na. Niisang sulyap ay di ko na binigay kay Reese at

