Chapter 2: Red Flag

611 Words
Mia's POV Apat na buwan ang lumipas at sinagot ko si Marco. November 9ang monthsary namin. s**t, sinagot ko nga siya. Andoon kasi yung consistency and efforts sa araw-araw na magkasama kami at magkaklase pa sa ibang subjects. Sobrang sweet niya din sakin sa personal kahit sa chat namin gabi-gabi. Inaamin ko, hindi ko pa talaga siya mahal pero gusto ko naman siya kahit papaano. May boyfriend na talaga ako. My first boyfriend. Ngiting-ngiti ako habang nakahawak sa sling ng bagpack ko habang papasok ng gate. Agad kong nasilayan ang mga barkada ni Marco mula sa canopy. Maya-maya nakita ko nga siya. At nawala bigla ang ngiti ko dahil nagyakapan sila ni Jennifer, ang isa pa naming kaklase. Ganoon ba dapat ang greeting sa umaga? I think I even saw him glanced at my direction pero baka namalikmata lang ako kaya hindi ko na pinansin. "Bebe, pakopya akong assignment sa Math daliii!" nabaling ang atensyon ko kay Joey tomboy na ngayon ay nakatayo na sa harapan ko. "Sige. Tara sa library May 1 hour pa naman tayo bago magklase." Tugon ko kaya umakyat na kami papuntang libray sa second floor. Pagkadating namin, kami pa lang dalawa ni Joey ang tao. Ito ang kaisa-isang lugar na nagustuhan ko sa maliit na skwelahang ito. Umupo ako habang nakikinig lang ng music mula sa phone ko. Biglang nag-text si Marco kung nasaan ako kaya sinabi kong andito sa library. Maya-maya may mga kamay na tumakip sa mata ko kaya napangiti ako agad kahit papaano. "Miss na kita." Bulong niya sa tenga ko. "Miss din kita pero ba't nakayakap ka don kay Jennifer kanina?" tanong ko agad. Umupo naman siya katabi ako. "Ano ka ba. Wala lang 'yon. Gusto lang talaga kitang magselos. Nag-work ba?" sabay kindat niya.  Napairap ako. "Hindi noh." "Suuss. Aminin mo na kasi nagselos ka." "Hindi nga sabi." Tapos tumawa lang siya sa sagot ko sabay akbay sakin. Hindi naman kasi talaga pero lumipas pa ang ilang araw, nadadalas ko siyang nakikita na yumayakap ng kung sino-sinong babae sa harapan ko at nakaka-offend na. What the f*****g hell. Oo. Napapa-ingles ako kapag galit. "Mag-usap tayo. Hindi dito sa classroom, nakakahiya. Sumunod ka sakin." Sabi niya kaya nakasunod nga lang ako hanggang sa napunta kaming rooftop ng school. Umupo ako sa bakanteng upuan. I crossed my arms waiting for him to explain. "Pwede bang magpanggap muna tayong hindi mag syota sa tuwing nasa loob ng skwelahan?" iyon yung unang lumabas sa bibig niya. Akala ko pa naman mag-sosorry. Literal akong napanganga. "Ano? Bakit? Sa tingin mo ba laro lang 'to, Marco? Siguro nga apat na taon ang tanda mo sakin at teenager lang ako pero hindi ako tanga mag-isip." Sabay ismid ko. Nakakainis. "Yung mga barkada ko kasi. Ayaw nila sa'yo." Ayon natawa na nga ako. Sarkastikong tawa. "Of course. Yung mga kaibigan mong palaging zero sa math at pautal-utal sa recitation tuwing History at palaging naninigarilyo sa gilid ng school na akala mo cool kids. Diba may isa ding sumisinghot? O dalawa ba sila? Maybe three?" "Tumigil ka Mia. Hindi mo naiintindihan. Wala akong ibang kaibigan dito. Tinuturing ko silang pamilya." "Pamilya ang turing dahil nililibre mo sila palagi." Realtalk ko sa kanya kaya napahampas siya sa arm-desk. Nagulat ako pero hindi ko masyadong pinahalata. "Para sa ikabubuti nating dalawa 'to. Mag-focus ka sa pag-aaral mo at ganoon din ako. Sa tuwing uwian, mauna kang maglakad palabas. Magkikita tayo sa may unahan ng school saka sabay tayong aalis." Magsasalita pa sana ako pero tinaas niya ang kamay niya. "Mia naman. Ayokong pag-awayan natin 'to. Pumayag ka na sa gusto ko, please? Mahal naman kita." Sabay hawak niya sa isang kamay ko at hinalikan ang tuktok nito. I nodded unconsciously. Napangiti siya ng todo at hinalikan ako sa pisngi. "Thank you, baby." Saka nauna na siyang umalis pababa ng rooftop. Napaupo ako ulit. Tama ba ang naging desisyon ko?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD