Nang makarating na sina Franco at Julia sa pupuntahan nila ay napalunok ng laway si Julia. Kilala niya kasi ang hotel na kinaroroonan nila.
"I-ito 'yung hotel na pag-aari niyo, hindi ba? B-bakit dito tayo nagpunta?" usal ni Julia habang nanlalaki ang mga mata.
Lumapit si Franco sa kanya na may nakakalokong ngiti. Pagkatapos ay hinawakan niya ang kamay ni Julia.
"Malaki ang ambag ng hotel na 'yan sa buhay ko. At dahil sa hotel na 'yan, may isang babae na lasing at bigla na lamang pumasok sa silid ko," nakakalokong usal nito at inilapit ang mukha sa asawa. "Gusto ko ulit maranasan sa hotel na 'yan kung paano mo ako pinaligaya nung gabing 'yun!"
Matapos sabihin iyon ni Franco na may nakakalokong itsura ay hinawakan niya sa balakang ang asawa at kinabig palapit sa kanya. Kaya't biglang nagulat si Julia at nanlaki na naman ang mga mata. Pigil hininga rin siya dahil halos magdikit na ang kanilang mga ilong habang may nakakalokong ngiti ang asawa. Ayaw na rin paawat ang kabang nararamdaman niya dahil sa nangyayari.
Pakiramdam niya rin ay tila matutunaw na siya sa hiya dahil sa mga sinabi ng asawa. "A-anong sabi mo? M-maranasan 'yung nangyari noon? N-nang-iinsulto ka ba?" Tinulak niya si Franco dahilan para mabitiwan siya. Subalit nawalan siya ng balanse kaya't muntik na siyang matumba. Mabuti nalang at mabilis pa sa alas-kwatro ang asawa kaya nasalo siya.
"Are you okay? Bakit mo kasi ginawa 'yun?"
Padabog na inayos ni Julia ang sarili at agad na dumistansya sa asawa. Nakaarko na rin ang kilay nito na halatang napipikon na.
"Nasisiraan ka ba ng ulo? Sa tingin mo ba uulitin ko pa 'yun dahil sa pang-iinis mo sa 'kin? Manigas ka, Mr. Fabregas!" inis na tinalikuran nito ang asawa at nauna ng pumasok sa hotel.
Napakamot na lamang sa ulo si Franco habang pinapanood ang asawa. Natutuwa talaga siya kapag nagagalit ito.
"Mali ba ang sinabi ko? Asawa ko na siya! At saka, honeymoon namin ngayon. Hindi ba dapat paligayahin niya ako?" napangiti siya ng maalala ang nangyari sa kanila sa himpapawid. Gusto niyang maulit muli iyon. Kaya't ngumiti ulit siya ng nakakaloko at mabilis na sinundan ang asawa.
Hindi pa rin maipinta ang itsura ni Julia habang papalapit na sa magiging kuwarto nila. "Talagang ginagalit ako ng taong 'yun! Akalain mo 'yun, sa dinami-rami ng silid dito, doon pa talaga sa silid kung saan kami nagkakilala noon? Naku, talaga!" gigil na gigil nitong usal.
"At saka, hindi pa ba siya nakuntento kanina? Diyos ko, kahit sa himpapawid wala siyang patawad! Ganun ba talaga siya ka-manyak?" dagdag pa nito dahil sa panggigigil sa asawa. Halos masiraan siya ng bait dahil sa isiping iyon. At lalo pa itong nadagdagan nang tumapat na siya sa pintuan ng room nineteen.
"Franco!" singhal niya at halos sabunutan na ang buhok dahil sa pagkainis. Sandali siyang napahinto dahil nagdadalawang isip siyang pumasok. Bumabalik kasi ang lahat na nangyari sa kanila noon ni Franco. Lalo na noong pumayag siyang makipagtalik rito kahit hindi niya pa kilala.
Napahilamos siya ng kanyang kamay sa mukha dahil maski siya ay nahihiya sa ginawa. Ilang saglit lang ay napailing-iling siya.
"H-hindi. H-hindi ako papasok sa kuwarto na 'yan! Ayoko ko! Kung gusto niya diyan, bahala siya sa buhay niya!" muling himutok niya. Tatalikod na sana ito para umalis, subalit bigla na lamang siyang binuhat ni Franco at pinasan sa balikat nito. Kaya't napasigaw na naman siya sa pagkagulat.
"Ibaba mo ako, Franco, ano ba! Ano bang ginagawa mo!" singhal niya habang hinampas sa likod ng asawa.
"Akala mo ba matatakasan mo ulit ako?" madiing sambit ni Franco habang binubuksan ang siradura ng pintuan. Pagkatapos ay agad na pumasok habang pasan pa rin ang asawa sa balikat.
"Nasisiraan ka na talaga ng bait, Franco! Ibaba mo ako!" muling singhal ni Julia sa asawa habang pilit na nagpupumiglas.
Matapos maisara ni Franco ang pintuan ay naglakad na siya papalapit sa kama at doon binagsak si Julia.
"Hindi mo na ako ulit matatakasan, Mrs. Fabregas!" agad na usal ni Franco na may nakakalokong ngiti.
"Nababaliw ka na talaga!" inis pa rin na usal niya sa asawa. Ilang saglit lang ay nakita niya si Franco na nagtatanggal ng sinturon. Kaya nanlaki na naman ang mga mata niya. "A-ano na naman ang binabalik mo?"
Bahagyang ngumiti si Franco habang nakatingin sa kanya na may pagnanasa bago nagsalita.
"Hindi ba sabi mo, nababaliw na ako? Oo, Julia. Talagang nababaliw na ako sa 'yo," usal ulit nito habang tuloy lang sa paghubad ng kanyang mga kasuutan. At makalipas ang ilang segundo ay tumambad na kay Julia ang nagagalit na naman niyang p*********i.
Nanlalaki na naman ang mga mata ni Julia at sunod-sunod na naman ang paglunok niya ng laway dahil sa nakikita. Ilang sandali pa ay sumampa na sa kama si Franco at dahan-dahan nang lumalapit sa kanya.
"A-ano na naman ang gagawin mo, Franco?" kinabahan niyang usal habang napapaatras. Napapikit pa siya ng mata nang maramdaman niya na lumapat na ang headboard ng kama sa likod niya. Kitang-kita niya rin ang nag-aapoy na pagnanasa sa kanya ni Franco habang ginagapang ng palad ang hita niya.
Mukhang alam niya na naman ang gusto ng asawa.
"T-teka sandali!" pigip niya. Kaya natigilan din ang asawa.
"Bakit?" kunot-noo na tanong ni Franco dahil sa pagkabitin. Pakiramdam niya rin ang umurong din bigla ang p*********i niya.
"P-pwede bang mamaya muna 'yan ituloy? M-maliligo muna ako. Nakakahiya naman kung amoy t***d pa ako dahil sa ginawa mo kanina?" Matapos niyang sabihin iyon ay inirapan niya si Franco. Hindi man lang kasi siya pinaligo muna bago magbalak na makipagtalik ulit.
Napakamot si Franco sa ulo dahil sa sinabi ng asawa. Hindi na rin kasi siya nito hinintay na makasagot dahil mabilis itong bumaba ng kama at agad na pumasok sa banyo. Kaya napailing-iling na lamang siya.
Napabuntonghininga si Julia nang makapasok na siya sa loob ng banyo. Pakiramdam niya ay nagtatakbuhang mga daga sa dibdib niya dahil sa malakas na pintig.
"Sira ulong 'yun! Hindi man lang muna ako paliguin! Napakamanyak!" himutok niya. Subalit nang maalala niya ang naghuhumindig na p*********i ng asawa kanina ay napakagat siya ng kanyang labi. Bahagya ring umawang ang ngiti niya sa labi.
"Infairness, ha! Ang laki ng alaga niya," bahagya siyang napatili dahil sa iniisip. Subalit agad din napawi. "Hoy, Julia! Kung anu-ano ang iniisip mo! Maligo ka na lang diyan at naghihintay ang manyakol mong asawa!" saway niya sa kanyang sarili.
Subalit napapangiti pa rin talaga siya habang pinupuno ng tubig ang bathtub.