Naunang nagising si Licca kaysa kay King. Pagbangon ng dalaga ay diretso ito sa banyo na nakahubad. Naramdaman naman ng binata ang pagbangon ng dalaga mula kama kaya napamulat ng dahan - dahan ang kanyang mga mata. Nang nakapasok na si Licca sa banyo na nasa loob lang ng kanilang kwarto ay agad niyang binuksan ang shower. Tumingala ang dalaga at ramdam ang pagdampi ng malamig na tubig sa kanyang mukha pababa sa leeg hanggang sa kanyang katawan. Hinaplos nya ng dahan - dahan ang sariling balat at dibdib habang ang mga mata ay nakapikit. Basang - basa na ang buo niyang katawan at buhok. Ilang minuto lang ay bumukas ang pinto at may mga yapak ng paa ang naririnig ni Licca. Kahit nakapikit ay nararamdaman niyang may lumalapit sa kanya. Tumigil ang paghakbang at tumayo ito sa likuran ng dala

