Chapter 25

2689 Words
Ang planong pagtakas nina Sophie, Angelica at Maya sa teritoryo ni King ay naudlot nang dumating si Madonna. Hindi lang si Madonna ang dumating, kasama rin niya si Madam O at mga lalaking tauhan. "Saan kayo pupunta?" tanong ni Madonna na may mala-inosenteng boses. Bumalot ang kaba sa tatlo. Mas nagkakadikit sila na nakatayo at magkahawak ang mga kamay. Mas kinabahan pa sila nang magpakita si Tori sa likod ni Madam O. Nagulat ang tatlo na makikita si Tori na kasama nila Madonna. Hindi nila ito inaasahan. "Anong ibig sabihin nito?" pagtataka ni Sophie na nakatitig kay Tori. Walang reaksyon naman ang dalagang si Tori. "Tori.." sambit ni Maya na nadismaya sa ginawa ni Tori. "Bakit.." Napaatras ang tatlo pero may mga lalaki na ang nasa likuran nila. Pinalibutan sila ng mga tauhan ni Madam O. "Huwag na kayong tumakas! Walang makakatakas rito. At ang mga may balak, may parusang matatanggap!" babala ni Madam O na mas lalong nakakatakot ang mukha. Suminyas si Madam O kaya ang mga tauhan nito ay agad nilang hinawakan ang mga kamay at balikat ng mga dalaga. "Bitiwan mo ako!" mataray na pagpupumiglas ni Sophie. "Nasasaktan ako!" Pumiglas din sina Maya at Angelica. Pilit na makawala sa mahigpit na pagkakahawak ng mga ito. "Ano ba! Ano ba ang kailangan ninyo sa amin? Bitiwan ninyo kami!" tanong ni Angelica habang nagpupumiglas. Napataas ng kilay si Madonna at mas nainis habang naririnig ang boses ni Angelica. Lumapit siya sa dalaga na di inaalis ang tingin rito. "Bitiwan ninyo ako!" paulit - ulit na sabi ni Angelica. Nanggigigil din si Angelica sa pinaggagawa nila. Nakita niyang papalapit si Madonna sa kanya. Hindi na nakatiis si Madonna at nang nakalapit na ito kay Angelica ay sinampal niya ito. Hindi nakailag si Angelica dahil hawak siya ng mga tauhan kaya ang palad ni Madonna at talagang dumampi sa kanyang pisngi. Gulat sina Maya at Sophie sa ginawa ni Madonna kaya napatigil sila sa paggalaw. "Iyan ang dapat sa isang malanding katulad mo!" sumbat ni Madonna kay Angelica. Hindi pa nakontento si Madonna ay sinampal pa niya ng isang beses sa kabilang pisngi si Angelica. "Haliparot!' Nang natapos na si Madonna ay binigyan ng masamang tingin ni Angelica ang dalaga. "Tapos ka na ba?" "Eh?" kunot noong reaksyon ni Madonna sa narinig na tanong ni Angelica. Mas nangigigil pa tuloy si Madonna. "Haliparot! Katulong ka lang! Huwag kang umastang reyna!" Hinila niya ang buhok ni Angelica. Napapikit ang mga mata ng dalaga dahil sa naramdamang sakit habang hila ni Madonna ang buhok nito. "Aray!Ahh!" "Ako ang reyna kaya lumayo ka sa kanya! Ako lang at wala ng iba!" "Si King ba ang tinutukoy mo?" tanong ni Angelica na nakapikit ang isang mata na nakaharap kay Madonna. "Sino pa ba?" Mas lumapit pa ang mukha ni Madonna kay Angelica na nanlilisik ang mga mata dahil sa inis. "Edi sa iyo na sya. Isaksak mo sa baga mo!" matapang na sagot ni Angelica na nagtitiis sa sakit. "Talagang akin siya! Kaya kayo tikman ninyo ang parusa sa pagtangkang pagtakas!" Inutusan agad ni Madonna ang mga tauhan na dalhin na ang tatlo sa isang lugar para parusahan. Mas hinigpitan nila ang hawak sa tatlo. Pumiglas lalo sila pero wala silang magawa. Tinakpan din nila ang mga bibig nila habang dala sila. "Ikaw na bahala Madam O. Parusahan ninyo sila!" utos ni Madonna. "Yes madam." "Siguraduhim mo na hindi malalaman kung sino ang nag-utos sa iyo kahit na ang amo mong si Ace." "Yes madam. Masusunod po. Malaki ang aking utang na loob sa inyo kaya hindi ko kayo ipapahamak," sagot ni Madam O na napapayuko at kalmado lamang. Napatingin si Madonna kay Tori. "Ikaw Tori, bumalik ka na kay Madam Bing." "Yes po!" sagot ni Tori sabay yuko. ------- Pangiti - ngiti si King habang nakapikit ang mga mata at nakahiga sa kanyang kama. Maganda ang tulog ni King at mukhang may masarap na panaginip ito. Tanghali na kaya pinuntahan na ni Mr. Franco ang boss niya sa kanyang kwarto. May dala rin siyang isang balita kaya kailangan niyang ipaalam ito sa boss. "Hmm... ugh---" ungol ni King. "Uhh--" Pagkarating niya sa may kama ni King ay napanood niya ang boss nito na pakagat-kagat ng labi at napapaungol. Tila may kasama si King sa kanyang panaginip. "Ughh--- sige pa.. sige pa... ughh---" Kahit sa panaginip ay malibog itong si King. "Boss?" "Ughh-- more... gumiling ka pa.. ugh.." Napabulong sa sarili si Mr. Franco. "Mukhang maayos na si sir. Salamat naman." "Uhh" "Boss? Boss?" Malapit na sanang umabot sa kalangitan ang kanyang ginagawa sa kanyang panaginip pero sa kasamaang palad ay nagising na siya. Dumilat bigla ang mga mata ni King. "Boss? Gising na kayo!" Naputol ang masarap na panaginip ni King kaya umuusok sa galit na tinitigan niya si Mr. Franco. "Grrr! Bakit mo ako ginising?" "Boss kasi..." "Get out!" pasigaw na utos ni King sabay turo sa pinto. "Boss.." "Huwag mo akong distorbohin! Matutulog pa ako!" Pumikit agad ang mga mata ni King at kinuha ang unan para mayakap. Pipilitin niyang maulit ang masarap na panaginip niya. Gusto niyang ipagpatuloy ito para tuluyan na siyang gumaling na gamit ang bioges*x. "Sir, may masamang balita po.." "Ayokong marinig iyan. Mamaya na! Iwan mo na ako muna!" "Boss naman.." "Ang kulit mo! Ibalita mo na lang iyan mamaya pagkagising ko." mahinang sagot ni King na naidlip agad. Napakamot nalang si Mr. Franco ng ulo. Ipapaalam sana niya na nawawala ang dalawang bihag at di rin niya mahanap si Ms, Licca. "Boss? Nawawala sila. Nawawala po si Ms Licca." pabulong na sabi ni Mr. Franco pero hindi na ito narinig ni King. Walang magawa si Mr. Franco kundi mapabuntong - hininga nalang. Umalis na lang si Mr. Franco sa kwarto at naisipang ipahanap ang mga nawawalang mga dalaga kahit walang utos mula sa boss niya. Lumipas ang ilang oras. Kakagising din ni Jack sa mahabang tulog. Sumasakit ang kanyang ulo na parang minamartilyo at ang kanyang katawan na napakabigat para bumangon mula sa kama. "Ang sakit..." Bumangon na ng tuluyan si Jack na napapahawak sa ulo niya. Nilibot din niya ang kanyang tingin sa paligid. "Nasaan ba ang babaeng iyon? Haist. Bahala siya!" Bumalik sa pagkakahiga ang binata. Samantala, nakaramdam na ng gutom si King kaya nagising na ito. Kumakalam na ang kanyang sikmura. "Haist! Kung kailan pa ang sarap na ng panaginip ko kanina, ginising pa ako. Ngayon, iba na tuloy ang panaginip ko sumakit pa ang tiyan ko. Bad trip!" Napaupo si King sa kama at napalingon sa may mesa at nakita ang baso at mga gamot. Naroon din ang isang bimpo at thermometer. Naalala na niya kung ano ang nangyari kagabi. "Tama pala.." Napangiti ang binata nang maalala din niya si Licca na humalik sa kanya. Ang akala niyang panaginip ay totoo pala. Kinilig tuloy si King kung paano pinainum ng gamot at tinulungan siya ni Licca noong nagkasakit siya. "Iba talaga ang babaeng ito.." bulong niya sa sarili na pangiti - ngiti pa rin. Hindi rin niya maalis sa isip ang panaginip niyang nag-s*x sila. Kahit panaginip iyon ay parang totoo ang naramdaman niyang sarap at init. Pinagsaluhan nila ang bawat sandali hangggang nagising siya. "Teka, nasaan ba siya?" Pagtataka ni King na ngayon lang niya napansin na wala ang dalaga sa kwarto. Nilibot niya ang kanyang paningin sa buong silid. Tuluyan na siyang bumangon at hinanap ang dalaga sa kabila pati sa banyo. "Nasaan ba siya?" Kahit sa ilalim ng kama ay tiningnan niya pero iba ang nakita niya roon. Nakita niya ang kanyang cellphone na pinagtataka niya kung bakit napunta ito roon. "Teka, nahulog ba ito?" Sinuri niya ang kanyang cellphone at nakitang may mga tawag roon. Isa sa pinagtataka niya ang incoming call na ibig sabihin na may tumawag gamit ang kanyang cellphone. Kunot noong pinagmasdan pa niya ang numero. Sinuri din niya ang messenger. May isang mensahe na para kay Licca. "Angelica, nasaan ka ba?" Nanlaki ang mga mata ni King. Isa sa pumasok sa isip niya ay umalis na si Licca at nacontact na nito ang kakilala sa labas. Pero alam ni King na di madaling makaalis sa kanyang teritoryo at mahanap ang lokasyon nila. Hindi lang mensahe ang nakita niya tungkol kay Licca, may nakita pa siyang kinagulat niya. Hindi inaasahan ni King na mapapanood niya ang video na naghahalikan sila ng isang babae. "Jack! Grrr! Damn you!" galit na reaksyon ni King. Bumangon agad si King mula sa kanyang kama at tumayo ito. Nanggigigil sa galit si King sa ginawa ni Jack na sa tingin niya ay napanood ito ni Licca. "Gago ka talaga Jack!" Dali - dali siyang pumunta sa may pinto pero sa pag-alis niya ay dumating naman si Mr. Franco. "Boss!" "Umalis ka ryan! Huwag kang humarang!" galit na sabi ni Mr. Franco. "Boss si Miss Licca.." "Humanda itong si Jack!" Tuloy - tuloy ang lakad ni King patungo sa kwarto ni Jack. Si Mr. Franco naman ay nakasunod sa kanya. Di na mapinta ang mukha ni King na walang bahid na kagagaling lang ito sa sakit. Gustong - gusto na niyang suntukin si Jack dahil sa pinadala niyang video. Napapakuyom na ang kanyang kamay at ready ng lumipad ang kamao niya kay Jack. "Boss.. alam na ba ninyong nawawala si Miss Licca?" tanong ni Mr. Franco na nakasunod sa boss niyang si King. "Pati po ang ibang bihag. Hindi namin po sila mahanap." Hindi sumagot si King dahil alam niyang nawawala ito at ang may kasalanan ay si Jack. "Boss?" Hindi pa sila nakaabot sa kwarto ni Jack ay nakasalubong na nila si Rita, ang katulong na nangangalaga kay Licca. Hinihingal itong humarang sa dinadaanan ng mga binata. "Sir!" Napahinto si King na kunot noo pa rin. "Anong kailangan mo?" "Kailangan ni Miss Licca ang inyong tulong!" balita ni Rita na patuloy na hinahabol ang hininga. Tinakbo niya pala mula sa kinaroroonan ng tatlo patungo sa mansyon kung saan naroon si King. Napahawak si King sa mga balikat ni Rita. Di na siya mapakali. "Nasaan siya!? Sabihin mo nasaan siya!" "Tulungan ninyo po sila!" "Nasaan siya!?" tanong ni King na napapataas na ang tono ng boses. "Nasaan siya!" Nanginginig na pagsagot ni Rita. Napapautal tuloy ito. "Sa- sa - sa fa-farm.." "Farm? Paanong napunta sya roon?" Malawak ang lupain ni King at isa sa pagmamay - ari niya ay isang farm na may ilang metro ang layo mula sa mansyon. Naguguluhan tuloy si King kung ano ang nangyayari. "Mr. Franco, pakihanda ang kotse." "Yes boss!" ------- Samantala, pinarusahan ni Madam O ang tatlong babae. Dinala nila sila sa farm at sa kulungan ng baboy ang bagsak ng tatlo. Ginigiit niya na ang pagpaparusa niya sa kanila ay dahil sa pagtangkang pagtakas. "Parusa ang dapat sa inyong tatlo! Linisan ninyo ang kulungang yan bago kayo pwedeng kumain ng agahan!" sermon at paalala ni Madam O na may takip ang ilong na isang panyo. Hapon na pero hindi man lang sila nakakain simula ng dinala sila roon. Hindi rin sila nakatulog bagkos ay pinahirapan pa. Madungis ang mukha at damit ng tatlo. Ang kanilang buhok ay wala na rin sa ayos. May sugat din sila sa kamay at paa dahil sa paghampas at palo ng walis tingting. "Dapat kayong matutong sumunod! Kung tatakas pa kayo, higit pa ang mararanasan ninyo!" Nililinis nila ang kulungan ng baboy na wala man lang takip sa ilong. Umaalingawngaw ang masamang amoy na tinitiis ng tatlo. Naduduwal tuloy si Licca pero tiniis pa rin niyang di masuka. "Okay ka lang ba?" pag - aalalang tanong ni Maya na napansin ang pamumutla ng kaibigan. Napatango lang si Licca na ang isang kamay ay nakatakip sa bibig at ang isa ay nakahawak sa kanyang tiyan. Sumasama na ang kanyang pakiramdam. Nag - iigib naman si Sophie ng tubig mula sa isang balon na may ilang metro ang layo. Kinakaya niya ang pagbuhat sa mabibigat na mga balde ng tubig. Dumating si Tori at pinanood ang tatlo. Napansin siya ni Sophie at naiinis na tiningnan niya ang katulong. Binaba niya ang baldeng buhat. "Mapaglinlang ka!" sumbat ni Sophie na agad sinugod si Tori. Alerto naman ang mga nagbabantay na tauhan at napigilan si Sophie na saktan si Tori. Mahigpit na hinawakan ang mga braso at kamay ni Sophie ng mga lalaking tauhan. Pinaluhod pa nila ang dalaga na hawak ang balikat nito. "May lakas ka pa ng loob na sugurin ako!" galit na sabi ni Tori na napapataas ang kilay sa dalagang si Sophie. "Parusahan ninyo siya!" Agad dinala si Sophie sa isang malapad na upuan at pinadapa doon. Kumuha ang isa ng isang kahoy na siyang gagamitin para pampalo. Bumuhos ang luha ni Sophie. Hindi na niya kaya ang mga nangyayari sa kanila na kamalasan. Hindi nakatiis si Angelica na kahit masama ang pakiramdam ay pinuntahan si Tori. Hindi pa nakarating si Angelica sa dalaga ay pinigilan siya ng mga tauhan. Hinawakan din ang kanyang braso at balikat. "Miss Angelica.." sambit ni Maya na sa di kalayuan ay kita ang mga kaibigan sa kamay ni Tori. Pinagsisihan din niyang nagtiwala sila sa kanya. "Akala ko tutulungan mo kami.." Ang mabait na Tori na kasama nila bilang katulong ay iba pala ang totoong kulay nito. "Pakiusap huwag ninyong ituloy!" pakiusap ni Licca na nagpupumiglas. Hinarap ni Tori si Licca. Inis na inis ang dalaga na makita ang pagmumukha ni Licca na syang kinababaliwan ng boss niya. "Anong nasa iyo at baliw na baliw ang aming boss?" Mas lumapit pa si Tori. Pinagmasdan niya ang mukha ni Licca. "Hindi ka naman maganda! Mas maganda sa iyo si Miss Madonna!" "Wala akong pakialam kung sino ang mas maganda sa amin! Kung nagagalit kayo dahil sa kanya, sa inyo na siya! Wala akong pakialam sa kanya!" sagot ni Licca na napapalakas ang boses. Sinampal ni Tori ang pisngi ni Licca. "Haliparot!" Ginawa niya ang ginawa ni Madonna pero mas malakas ang sampal nito. Natawa si Tori sa ginawa niya. "Ganito pala ang feeling kapag nasa ibabaw ka!" ani ni Tori na nawawala sa sarili habang gumagaan ang kanyang pakiramdam. Gusto niya ang pakiramdam na nakakaangat siya at magmukhang hindi katulong. Sinimulan ng paluin sa likod si Sophie na nakadapa. "Ahhh!" sigaw ng dalaga na ramdam ang sakit sa likod. Nanlaki ang mga mata ng dalawang kaibigan. "Sophie!" Naiyak si Maya habang pinapanood ang pagpalo sa kaibigan. Wala rin siyang magawa kaya umiyak nalang din siya. Si Angelica naman ay mas lalong nakiusap kay Tori. "Pakiusap, tigilan ninyo ito! please!" "Mga pasaway kayo kaya dapat lang iyan sa inyo!" ani ni Madam O na nanonood rin. Binitiwan si Angelica ng mga nakahawak sa kanya kaya agad na lumuhod siya sa harap ni Tori. Hindi siya tumigil na nakiusap sa kanila. "Pakiusap.." mahinang sabi ni Angelica na yumuyuko ang ulo. Unti - unti na siyang nanghihina pero nilalakasan pa rin niya ang loob. "Kung gusto mo, ikaw ang pumalit sa kanya." "Miss Angelica..." sambit ni Maya na mas kinabahan pa. Napatingala si Licca at namimilog ang mga matang nakatingin sa nakatayong si Tori. Pangiti - ngiti si Tori na gusto ang ginagawa. "Ano na?" Dahan - dahang tumayo si Licca. "Kaya mo?" Hindi sumagot si Licca pero papikit pikit ang kanyang mga mata. Medyo nahihilo na ito at di na makatayo ng maayos. "Ano? Mukhang hindi mo kaya!" tukso ni Tori. "Kaya ko!" Sa wakas ay sumagot na si Licca na napahawak sa braso ni Tori para makatayo siya ng maayos. Napatingin si Tori sa kamay ni Licca na nakahawak sa kanya. Nainis tuloy siya sa paghawak ng dalaga. "Huwag mo akong hawakan!" galit na sabi ni Tori sabay tulak kay Licca. Nakita naman ito ni King na namimilog ang mga mata sa gulat na siyang kakarating lang kasama si Mr. Franco sa lugar. "Anong nangyayari rito!?" Bumagsak si Licca sa may putikan. "Oh sh*t!" pagmumura ni King sa di inaasahang makikita. Tumakbo siya agad patungo sa dalaga. Bago mawalan ng malay si Licca ay nakita niya ang isang binatang papalapit sa kanya. Hindi niya makilala kung sino ang papalapit dahil malabo na ang paningin niya. Kahit hindi niya kilala ay may nabanggit pa rin siyang pangalan bago ito tuluyang mawalan ng malay. "My king.."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD