Nang umalis na ang chopper na sinasakyan ni Saint ay agad kong pinahid ang luha sa mata ko at bumalik na sa loob ng mansyon ni Saint. Ng makababa ako ay nakita ko si Ate Mary na seryosong nakatitig sa kawalan sa may sala. Walang ingay ko siyang nilapitan at umupo sa tabi niya. Napatingin siya saakin at kitang-kita ko ang pag-aalala sa mukha niya. She is also worried for Saint, alam kong kahit saang banda tingnan ay nanganganib talaga ang buhay ni Saint. "Sab..I'm worried for Saint. I know he is capable of what he's doing but...napakarami niyang kalaban.." malumanay na sabi ni Ate Mary. "I am worried for Saint too, Ate. Alam ko namang malakas siya, pero...sa rami ng kalaban niya?" Kinakabahan kong sabi, narinig ko ang paghikbi ni Ate Mary kaya agad ko siyang niyakap. This is the first t

