7 years Later Agad akong napatakbo at agad sinundan ang dalawang bata na kanina pa tumatakbo sa gitna ng Disneyland. I looked at Saint at napatawa lang siya saakin at kalmado lang siyang naglakad pasunod saakin. "Oh my god, Saint! Habulin mo rin ang mga anak mo! Huwag mo silang pabayaan!" Inis na sabi ko habang sinusundan si Evie at Avie. Ang problema sa dalawang ito ay ayaw na sumunod saakin dahil ini-spoil ni Saint! Sinabihan ko na si Saint na huwag i spoil ang anak namin ngunit ang tigas ng ulo niya! Yan tuloy ayaw na sumunod saamin. Napahinto ako sa paghabol at hinabol naman ang hininga ko. Hinihingal ako, nakalimutan ata ni Saint na buntis ako sa pangatlong anak namin! Ugh! Bigla akong nakaramdam ng yakap mula sa likuran ko kaya naging kalmado ang paghinga ko. Pinatong ni Saint a

