" Ikaw na nga may kasalanan ikaw pa may ganang manabunot huh!?" Saad ni Avon at sinampal Yung babae. First time ko Makita si Avon na makipag away, di naman Kasi kami basagulera eh. "Di kaba nahihiya at natatakot sa sinong kinakaharap mo? Huh? Isang Sarsilmaz yang sinabunutan mo!" Saad ni Natasha at buti nalang di masyado crowded Ang lugar Wala masiyadong nakakapansin sa amin. Naiwan akong nakatayo dito at di Alam Ang gagawin. Bigla nalang akong umiyak dahil pakiramdam ko Bata ako na di kayang lumaban at kailangan pa na nandyan Ang mga magulang para ipaglaban at di masaktan. Dinala nila Yung babae sa cr at dun pinag tulungan. Bumalik sila na may mga pasa sa mukha at may mga sugat sa siko at kamay. "I'm sorry, kasalanan ko lahat. Hinayaan niyo nalang Sana," Saad ko at umaagos Ang mga kuh

