Chapter 11: Other Priorities

1180 Words
Chapter 11: Other Priorities Written By: BlackRavenInk16 PABALIK na si Jenny sa bahay dala ang toyo na binili niya sa tindahan. Sabado ngayon kaya wala siyang pasok. Gusto niyang gayahin iyong recipe na napanood niya sa CookTube. 17 na kasi siya pero wala pa rin siyang kaalam-alam sa buhay. Na-realize niya kung gaano siyang ka-useless no'ng nagalit sa kanya ang papa niya dahil sa pagsama niya kina Michael at Miguel. Gusto niya na ring matuto ng mga gawaing pambahay dahil parang mas babae pa sa kanya ang papa niya. Iyon nga lang, dahil sa sipag ng papa niya, kahit na sabado ay wala siyang naiwan na gagawin. Malinis na ang bahay at mga pinggan, nagkapaglaba na rin ito kaya naman pagluluto na lang ang pwedeng gawin niya. Binalik na naman ng papa niya ang cellphone niya kaya nakakapag CookTube na siya. Iyon nga lang, monitored nito ang FV niya. Lahat ng messages sa messenger niya ay binabasa nito. Para ngang ito na ang may-ari ng cellphone niya. Malapit na siya sa gate nang may mamataan siyang isang kotseng pula. Lumabas doon ang isang maganda, sexy at sophisticated na babae. Parang saglit na napigilan niya ang paghinga dahil sobrang ganda nito at unang tingin pa lang ay parang mayaman na. Artista ba ito? Model? Ang puti-puti, makinis ang balat at halatang alaga ang curl na buhok at maganda pang magdala ng suot na damit. Nakasuot ito ng sunglass pero nang tinanggal nito iyon ay mas lalo pa pala itong maganda kaysa sa inaasahan niya. Jusko, na-to-tomboy na yata siya. "Hi, dito ba nakatira si Allen Lewis?" tanong nito habang nakatingin sa bahay nila na hindi pa tapos bayaran sa pag-ibig. Disente naman ang bahay nila dahil may kalakihan din ang monthly payment niyon sa pag-ibig. Single attached iyon kaya may kamahalan. "Bakit n'yo po siya hinahanap? Wala po siya, e. Umalis. Nag-grocery po sa mall," sabi niya na pumasok na sa loob ng gate. "Wait, diyan ka rin nakatira? Ano ka ba ni Allen, kapatid? O baka naman girlfriend niya?!" Natakot siyang bigla nang magtaas ang boses nito sa huling salita. Mukhang isa ito sa napakaraming girlfriend ng papa niya. "A-ahm, hindi po. A-anak po niya ako!" nauutal na sabi niya. Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa. Na-conscious siyang bigla. Siguro dahil totally opposite sila. Ito na-ka-dress habang siya naman ay na-ka-maong pants, na-ka-stripe na polo na nakabukas ang lahat ng butones kaya kita ang white t-shirt na suot niya sa ilalim. Para silang langit at lupa. "Are you sure na anak ka niya? He's a foreigner. Ni hindi ka niya kamukha at iyang itsura mo, pilipinong-pilipino. Well, I hate to admit pero cute ka naman. But not to his level! I'm expecting that his child will look like a princess!" Wow. Ito na ba ang bagong style para sabihin ngayon sa isang tao na pangit siya pero hindi sinasabi ng diretso na pangit siya? Bigla siyang napakamot sa ulo. Hindi na rin siya nagulat sa comment nito. Marami rin naman kasi talaga ang nagugulat kapag sinasabi niya sa hindi nakakakilala sa kanila na anak siya ni Allen. Tama ito, banyaga ang papa niya, sobrang puti at makinis ang balat. Green din ang mga mata nito kaya wala talagang nag-iisip na may lahing pinoy ito. Ang sabi ng papa niya ay half filipino naman daw ang daddy nito pero dahil half lang, halos hindi na bakas ang pagiging pinoy sa hitsura ni Allen. Kabaligtaran niya na morena at pinay na pinay ang dating. Kaya wala talagang nag-iisip na mag-ama sila kung hindi pa nila sasabihin. "Stepdaughter lang po niya ako..." mahinang sabi niya. "Kaya naman pala. Where's your mother then? Diyan din ba siya nakatira?" mataray na tanong nito. Parang ang baba niya sa paningin nito. Ewan ba niya kung pakiramdam lang ba niya iyon. "Wala na po si mama. Matagal na siyang patay. Si papa na po ang nag-alaga sa akin simula no'ng 6 years old pa lang ako," paliwanag niya. "So he didn't get rid of you even after your mother died? He's taking care of a kid who isn't even related to him? I can't believe my sweetheart actually has a good side," komento nito na napatawa ng pagak. Ano ba ang pagkakakilala ng babaeng ito kay papa? Masamang tao? Napasimangot siya sa naisip niya. Maganda nga ang babae sa harap niya pero masama ang ugali nito. Hindi niya ito gusto para sa papa niya. Si Teacher Salvie pa rin talaga ang manok niya! "How about your biological father? Bakit hindi ka pa sumama sa kanya para hindi mo naman naaabala ang future husband ko?" Natahimik siya at medyo naalarma. Sa tono ng pananalita nito, mukhang may balak nga itong paalisin siya kung ito ang makakatuluyan ng papa niya. Hindi ito pwedeng makatuluyan ng papa niya dahil kapag nangyari iyon, mangyayari ang kinatatakutan niya. Iiwan siya ng papa niya at bubuo ng sarili nitong pamilya. "Oh, siya, don't answer my question if you don't want to. Obviously, ayaw sa 'yo ng totoo mong papa kaya nagsusumiksik ka sa taong hindi mo naman talaga kapamilya. Oh, it's so hot here. I'm gonna wait for my husband inside. Follow me and bring me juice. Sobrang init!" Hindi man lang siya hinintay ng babae na papasukin niya ito. Parang sarili nitong bahay na pumasok ito sa loob habang ang guard nito ay naiwan sa loob ng kotse. "Bring me juice! Hurry! Init na init ako! Oh, wait! Buksan mo muna iyong aircon n'yo at ikuha mo na ako ng maiinom! Bilis!" utos nito sa kanya na parang katulong. "Opo!" At dahil matatakutin siya at may galang sa mas matanda sa kanya, awtomatikong sumunod siya sa pinag-uutos nito kahit sa totoo lang ay naiinis siya. Sana ay hindi muna umuwi si Papa para hindi niya makita iyong matapobreng babae na iyon! Bulong ng isip niya habang nagtitimpla ng juice. Pero habang nasa kusina ay napapalingon siya sa babaeng nakaupo sa sofa. Kausap na nito ang papa niya sa cellphone. Hindi niya maiwasang hindi ma-insecure dito. Ganoong mga klaseng babae pala ang tipo ng papa niya. Malayong-malayo sa simpleng itsura niya. Ni hindi nga siya makapaglagay man lang ng foundation sa mukha at kung hindi pa nga siya binibili ng mga skin care products at facial wash ng papa niya ay baka pangit na rin ngayon ang balat niya. Hindi naman kasi siya masyadong marunong mag-ayos. Pagsusuklay na nga lang niya minsan, ang papa pa niya ang gumagawa para sa kanya. Pero ang babaeng iyon, parang professional sa paglalagay ng make up. Talagang napakaganda nito. Imposible talaga na hindi ito magugustuhan ng papa niya dahil kahit siya nga mismong babae, no'ng makita ito kanina ay parang na-tomboy na, iyon pa kayang papa niya? Halata pa naman na gustong-gusto ito ng babae sa sala. Napabuntong-hininga siya. Mukhang kailangan na niyang ihanda ang sarili at itatak sa utak na hindi sila habang buhay na magiging masayang magkasama ng papa niya. Alam niyang mahal na mahal siya nito ngayon pero darating din ang panahon na magkakaroon ito ng bagong priority at hindi na siya iyon...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD