JAZZ "Teh, imba ka, kakalasing lang natin kagabi, lasingan mode na naman?" nakatawang sabi sakin ni Senna. "Tapos biglang mang iiwan." nakairap naman si Marcus. Niyapos ko siya. "Kailan mo ba ko mapapatawad, Marc? Sorry na kasi, wag ka na magtampo!" paglalambing ko sa kanya. Hep! Hep! Walang kontrabida ha? Close lang talaga kami ni Marcus, wala kaming ginagawang masama. Nagtatampo lang talaga siya sakin kasi nga iniwan ko sila kagabi, dahil nga kay Seb. "Ano ba kasing nangyari kagabi?" tanong niya. Syempre hindi ko na sinabi kay Marcus yung dahilan. Alam ko naman na bad shot sa kanya si Seb, baka magkagulo lang sila. Kay Senna ko na lang sinabi, actually, hindi ko sinabi, she just figured it out. Lam mo naman yan, may psychic powers. "Ang kulit mo, Marc! Sinabi ko na sayo, nalasin

