Chapter III

2060 Words
At long last.. Natapos na rin ang sembreak at pasukan na ulit namin. I sighed habang naglalakad ako sa university grounds. Isang taon na lang ang gugugulin ko at makakatapos na 'ko. Sa totoo lang, ayoko na rin naman mag-aral eh. Nakakapagod din magreview, pumasok araw araw, mag exam. Everything feels like a routine and it's getting boring. Gusto ko na magtrabaho. I'm looking forward to that. After school, iti-train na ko ni Daddy sa pagpapalakad ng pharmaceutical business namin. Actually, ngayon pa lang naman, tini-train na niya ako. Hindi pa nga lang puspusan dahil nga pumapasok pa 'ko sa school. Pumila ako sa elevator. Nasa 7th floor pa kasi ng building yung classroom ko, mabuti na lang nakakaugalian kong pumasok ng maaga sa school, mahaba kasi palagi ang pila dito. Unless, gusto mo ng pang-umagang exercise, you can take the stairs. Pero ganun din, malelate ka rin. Depende na lang kung mabilis kang tumakbo. Pagdating mo naman sa room, basang basa ka na ng pawis. "Oy, pare! Long time no see!" bungad sakin ni Chase sabay tapik sa balikat ko nang makita niya akong lumabas ng elevator. Nakipag-high five ako sa kanya. "Ogag. Pumasok na nga tayo. Patambay tambay ka nanaman sa corridor." "Hinihintay ko kasi yung chics na dumaan kanina." Bukod sa madaldal si Chase. Siya rin ang resident chicboy ng university. Hindi yata lumilipas ang isang buwan na wala siyang flavor of the month. Kahit pa noong bakasyon at wala kaming pasok, napakarami niyang babaeng tinitext. Paimpleng napailing na lang ako. "Puro ka chics." sabi ko na lang. Pumasok na 'ko sa loob, sumunod din naman sa'kin ang kumag. "Pre! Dito tayo!" Narinig kong sumigaw si James habang kinakawayan ako. Isa din siya sa mga kabarkada ko sa school.  Bandang dulo kami pumwesto. "Taena, pre. Lapit na tayo grumadweyt" nakangising sabi ni James. "Isang taon pa, pre. Wag atat." sagot ni Chase. "Saka sigurado ka bang ga-graduate ka nga?" Nagsimulang magsagutan ang dalawa. Habang ako, kumuha na lang ng libro at nagbasa. Bigla kong naisip kung saan ako magpa-practicum. Pahihirapan ko ba ang sarili ko na maghanap o dun na lang sa business ni Daddy? Hmmm.. After ilang minuto pumasok na ang prof. Agad agad--walang seremonyas--nag-discuss agad ito ng syllabus for the whole sem. Ako naman, bilang isang mabuting estudyante, nag-take notes. Habang yung dalawa kong kaibigan tuloy parin sa bulungan nila na hindi ko alam kung tungkol saan. May tatlumpung minuto na discussion na ang lumipas nang biglang bumukas ang pinto at pumasok ang isang babae. Nagulat ako nang makita si Ms. SG. Ano 'to? Destiny? Napailing ako. Kung anu-ano nanaman ang naiisip ko. Tuloy tuloy lang si Ms. SG sa likod para maupo. Habang ang prof naman ay nakatingin sa kanya. Mukhang strikta pa naman si ma'am. "Excuse me, miss...?" Lumingon si Sungit Girl. "Yes?" Muntik na akong matawa. Ang taray niya talaga. "Your name..?" ganting pagtataray din ni ma'am. Ayaw patalo. "Serrano." "Ms. Serrano, why are you late?" Parang nainis si Ms SG. "Because I have to take the stairs. Dahil napaka haba ng pila sa elevator." Hindi nakasagot si ma'am. I almost snickered. "Can I take my seat now? Nakakapagod eh, ang init init pa sa labas." tumalikod na siya sa prof namin. "Please dye your hair black, Ms. Serrano." bilin ng guro bago ito bumalik sa pagdi-discuss. "Pano kung ayoko?" she mouthed the words. Pasaway. Nakangising napailing ako. She glanced at me as she hurried to her seat across the aisle. She gave me a cold blank stare. Ibang klase. "Oh? Diba siya yung chics na nakita natin sa sub?" bulong ni Chase. "Akalain mong magiging blockmate pa natin. Tsk. Ganda niya talaga. Type mo?" Tinignan ko ng masama si Chase. Napakadaldal talaga nito. "Hindi." "Hindi? Kaya pala kanina ka pa titig na titig." pang-aasar pa nito. "Liligawan ko yan, p're." sabat ni James. "Pansinin naman kaya siya ni sungit?" tanong ng isip ko. Nilingon ko ulit siya. Nakatingin lang siya sa labas ng classroom. Nilalaro ang ballpen sa kanang kamay niya. Mukhang bored na bored. Napansin ko rin ang suot niya, black t-shirt na may nakasulat na Misery Business sa harap, skinny jeans at yellow na Vans. Hmmm, not bad.  Nung lumingon siya sa harap ay agad din akong umiwas ng tingin. Baka mamaya mahuli nanaman niya akong nakatitig. Sabihin pa, I'm checking her out. Baka mag freak out pa siya. Nang mag-lunch break ay sabay sabay rin kaming pumunta nila Chase sa canteen. Hindi ko na ulit nakita si Ms. SG after ng first period. Mukhang sa isang subject lang kami magkaklase. O baka naman nag cutting siya? Hindi naman malabong mangyari dahil parang labag na labag sa kalooban niya ang mag-aral. "Ano pala nangyari sa date n'yo ni Gabby last week?" "Hindi nga yun date." giit ko. Hindi ko alam kung paanong nabalitaan ng magaling kong kaibigan na nagkita kami ni Gabby. "Nagkita kayo, nanuod ng sine, kumain sa labas, nagcoffee. Hindi pa ba date ang tawag dun?" tanong ni Chase na nakangisi. Napailing ako. "It's not a date." "Then what is it?" si James. "Kulit n'yo." "Basta date yun. H'wag ka na kumontra." Naupo kami sa isang table. "So, ano nga nangyare? Ano napag-usapan n'yo? Are you guys back together?" "No. Nag-kwentuhan lang kami. Random lang." "Bakit ba kasi hindi na lang kayo magbalikan? Ganun din naman, e. You guys still call each other and hang out together. It kind of beats the purpose of breaking up, doesn't it?" itinaas ni Chase ang paa niya sa mesa. Hindi magtatagal ay sisitahin siya ng isa sa mga prof na kasabay naming kumakain sa canteen. "Tingnan mo ako, pag nakikipagbreak, wala na talaga. I completely cut off out ties. It's like we never knew each other." "Well, for one, I'm not like you, Chase. Saka okay na yung gano'n," sabi ko habang kumakain. "no strings attached." "Wow ah," natatawang sabat ni James. "ganyan ka na ba ngayon, Edge? Yan na ang mga trip mo? Friends with benefits." Nagtawanan sila. "Tungak!" natatawang sabi ko. "Hindi ganun si Gabby." "Sows!" Pagkatapos kumain ay nauna na kong lumabas sa kanila. Naalala ko na may hihiramin nga pala kong book sa library para sa isang subject namin. Nagbigay na kasi agad agad ng project ang isang prof namin. Paglabas ko ng cafeteria, namataan ko si Ms. SG na nakaupo sa ilalim ng isang puno. Mag-isa. Napaka loner naman niya. Siguro kung hindi lang ako sinusungitan ng babaeng 'to, lalapitan ko sana. Kaso parang tigre na mananakmal eh. Napansin ko sa isang gilid na sinusulyapan siya ng may ilang kalalakihan sa gilid. Infairness, marami pala nakaka-appreciate ng looks niya. ~ ~ ~ ~ ~ Halos lumipas na ang isang buong linggo, hindi ko na ulit nakita si Ms. SG. Ewan ko ba, tuwing papasok ako, laging siya ang hinahanap ng mata ko. Pero hindi ko talaga siya crush! Ni hindi ko nga siya type eh. Maganda siya, oo. Pero hindi ko gusto sa babae yung ganung pormahan o yung ganung attiitude. Kahit tuwing break, hinahanap parin siya ng mata ko sa cafeteria, o dun sa puno na inuupuan niya dati. But she was never there. Hindi kaya nag-drop na? O naconfiscate yung ID dahil sa may kulay niyang buhok. Wala akong idea. Friday na ngayon. Ito ulit  yung subject kung san ko siya classmate. Ngayon ko mapapatunayan kung talagang nag drop na siya o hindi. Naghintay ako kung papasok siya. Ngunit gaya ng buong linggo kong paghihintay na masulyapan man lang ang tuktok ng ulo niya, bigo ako.  Where in hell could she be? ~ ~ ~ ~ ~ Gabi na nung naisipan kong umuwi. Although, wala pa namang practice sa basketball kasi next month pa naman ang laro namin. Naisipan ko lang na magpapawis sa gym. After nun, nagshower pa ako. Isinukbit ko na yung bag ko sa isang balikat ko nung napansin ko na parang magaan. Nun ko naalala na nilabas ko pala yung libro na hiniram ko sa library. Malamang naiwan yun sa benches ng court kaya binalikan ko na muna. Madilim na sa loob ng gymnasium pagbalik ko. Palinga linga ako kasi hindi ko matandaan kung saan ko naiwan yung libro. "Hey!" I almost jumped out of my skin sa sobrang gulat ko. Akala ko kasi ako na lang mag-isa dun. It was nine in the evening for goodness' sake. Napalingon ako sa may bandang kaliwa ko at may nakaupo na isang babae dun. It was her! At may hawak siya na libro. "Ito ba hinahanap mo?" I hesitated. Ano kayang gingawa niya dito sa disoras ng gabi? "Excuse me? Ito ba hinahanap mo?" nilakasan niya boses niya. "Uhh yeah.." atubiling lumapit ako sa kanya. "Thanks." Agad agad tumalikod na 'ko. Leche! Ano ba nangyayari sayo Miguel Sebastian dela Rosa? Pagdating sa babaeng yan natatameme ka? Kailan ka pa naging mahiyain? "Hey, wait!"  she called before I was able to take more steps. NIlingon ko siya. "Pano ka nakapasok?" "Uhm.. Kanina pa ko nandito?" "Ganon? Badtrip naman, oh!" Napakunot noo ako. Naupo siya ulit sa bench at humalukipkip. "Sarado na yung pinto. Hindi ako makalabas. Kanina pa ko katok nang katok dun walang nagbubukas. Tsk." Natawa 'ko. Wala naman kasing nagpupunta na sa gymnasium pag ganung mga oras na. Kaya nilo-lock na ng guard yung pinaka pinto ng gate. At malamang nagro-ronda yun kaya hindi talaga siya maririnig kahit magsisigaw siya. Sa laki ba naman ng university, e. "Nakakatawa ba?" nakairap na singhal niya sa kin. "Sorry." sabi ko na bahagyang natatawa parin. "Come, I'll show you the way out," nagsimula na 'kong maglakad papunta sa men's locker room. "Hoy teka! Ba't naman ako sasama sa'yo sa locker room ng boys?" she demanded. "Ikaw! p*****t ka talaga eh noh!" Hinarap ko siya. "Para sabihin ko sayo Ms. SG, hindi ako p*****t at dun talaga ang daan-" "What did you just call me?" "Huh?" "I said, what did you just call me?" bahagyang pasigaw na tanong nito. "Ms SG? Anong akala mo sa'kin, security guard?!" Natawa ko. "I'm sorry. Hindi ko kasi alam ang name mo." "Duh. Magi-imbento ka lang ng nickname, ang bantot pa!" "Tss. Bakit? Ano ba kasing pangalan mo?" She smirked. "Lumang style na yan, men." umirap siya. "Show me the real way out." Nagulo ko ang buhok ko sa sobrang exasperation ko. Ang kulit ng babaeng 'to. "Doon nga yung way palabas, miss. Sa maniwala ka't sa hindi." "Fine!" nagsimula na siyang sumunod sa'kin. "But I'm warning you! One wrong move-" "Hindi kita pagtatangkaan, wag ka mag-alala." I cut her off. Muli ko siyang nilingon at tiningnan mula ulo hanggang paa. Yung nakakainsultong paraan. Feeling naman kasi ng babaeng 'to, pagkaganda ganda niya at pagtatangkaan ko siyang molestyahin. tss. Bigla nalukot ang muka niya sa ginawa ko. I laughed. And did she just hiss at me?? Hindi ko na napigilan mapahalkhak. May secret passage kami kung tawagin sa loob ng men's locker room. Dahil nga sa ginagabi na sa practice ang mga varsity ng school, napagdesisyunan nila na lagyan ng pinto doon palabas at papasok ng gymnasium para malaya parin na maisara ng guard ang gate ng gym pag dating ng gabi. "Wow, that's cool." bigla niyang sabi. "May secret passageway." I looked at her behind me and she was grinning. "Bago lang ako kaya hindi ko alam mga pasikot sikot dito." dugtong pa niya. "Now you know." nakangiting sagot ko naman. "Ano nga pa lang gingawa mo dito ng disoras ng gabi? Ba't di ka pa umuuwi?" "Gusto ko lang tumambay." kibit balikat na sagot niya. "Pano pala kung wala ako? Eh di magdamag ka sa loob ng gym?" "Alright! Thank you!" nakairap na sabi nya. Natawa nanaman ako. "Sabihin mo na lang kasi na gusto mo akong mag-thank you kesa yang ang dami dami mo pang sinasabi." Napailing na lang ako. Para siyang sira. "Tara, sabay na tayo umuwi." Hindi siya sumagot. "Sinabi nang wala kong balak na masama sa'yo!" natatawa paring sabi ko. She just looked at me with a bored expression on her face. "K." Natawa ulit ako ng malakas. "By the way. I'm Edge." nilahad ko ang kamay ko sa kanya na hindi niya tinanggap at patuloy lang na naglakad at iniwan ako. Hinabol ko agad siya. "This is the part where you're supposed to tell me your name, too." "What do you mean, you're Edge? you're not Edge. You're Sebastian." Napanganga ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD