SEB
Pinagmamasdan ko si Jazz habang naglalakad siya sa harapan ko. Papasok na kami sa classsroom nun. Masaya ko noon kasi pumayag siya na sabay na kaming papasok sa school kapag pwede.
Actually, hindi siya pumayag. Napilitan lang, kasi wala naman siyang magagawa. I laughed at the thought.
Napansin ko na kahit ang angas angas niya magsalita ay,graceful pa rin siya kung maglakad. Babaeng babae, taliwas sa ugali at pananalita niya na parang lumaki sa kalye.
Pagpasok namin sa room, dumiretso na naman siya sa sulok na dati niyang inuupuan, sumunod naman ako sa kanya.
Tumingin siya sakin. That cold blank stare!
"What?"
"Doon ka nga." mahina ngunit mariin niyang sabi.
TInataboy na naman nya ko. Bakit ba mas gusto niya mag-isa? "Ayaw mo ba 'ko katabi?" pabirong sabi ko. Pero mukang minasama niya iyon. Tinitigan niya ko nang masama.
Okay, Seb, time to back off.
Wala kong nagawa kundi bumalik na lang sa dati kong upuan. Napansin kong si Chase lang ang nandun at wala si James. Naupo ako.
"What was that?" di makapaniwala na bulong ni Chase sa'kin.
"Huh?" patay malisya na sagot ko.
"Hoy gago. H'wag ako ha? Nakita ko yun." siniko niya ko. "Bat parang balak mo pa tabihan si mysterious girl?"
Natawa ko sa isip ko. Mysterious girl talaga? Nilingon ko si Jazz, Oo nga, may pagka-mysterious siya. Siguro yun ang dahilan kung bakit ko ginagawa lahat ng ito. She's so interesting.
"Ano na? May balak ka bang sumagot or are you gonna stare at her and drool?" paniniko ulit ni Chase.
"I am not drooling."
Yes, you are." Hinablot niya ang mukha ko at kunwaring pinahiran ang gilid ng labi ko.
"Back off, moron."
Tatawa tawa ang siraulo.
"Asan si James?" Pag-iwas ko sa usapan.
"Nasa labas pa. Pwede bang sagutin mo yung tanong ko at wag mong ibahin ang usapan?"
Sa totoo lang, wala kong balak na sabihin kay Chase kung anong ginagawa ko, dahil sa totoo lang, hindi ko alam kung ano tong kalokohan na pinapasok ko.
Buti na lang dumating yung prof kaya hindi na nakapagtanong si Chase. Mamaya mag-iisip na lang ako ng paraan para makatakas sa kanya. Pumasok na rin si James at naupo sa tabi ni Chase.
Every now and then napapalingon ako kay Jazz—na dapat iwasan ko na kung ayaw kong lalo akong kulitin ng mga kumag kong kaibigan. Napansin kong lagi na lang siyang mukhang bored.
And then I saw her writing something.
No..
I think she's doodling.
She really is bored.
Saglit akong tumingin sa prof para hindi niya isipin na hindi ako nakikinig. And when I looked back at Jazz, she was looking right back at me.
Huli ka! Tinitingnan mo din pala ko ha?
Nginitian ko siya.
Nagulat ako dun bigla siyang lumingon sa ibang direksyon. Hindi yun ang kinagulat ko, kakaiba kas yung reaction ng mukha niya. She looked surprised, and confused.
Damn it. She's so hard to read.
***
Pagkatapos ng period namin na yun, nagmamadali na naman siya na lumabas. Wala akong nagawa kundi ang pagmasdan siyang mabilis na lumakad palayo. I sighed when she wasfinally out of the door. Nalingunn ko ang upuang binakante niya a napansin ko roon ang sandwich na binigay ko a kanya kanina.
"That woman!" mariing bulong ko sabay tayo. I took the sandwich and went sprinting after her.
"Oh? Saan ka pupunta?" si Chase. "May isa pa tayong subject dito!"
"Wait lang." Wala sa sarili na sabi ko.
Agad na napatakbo ako palabas. Hinanap ng paningin ko si Jazz, nakita ko siya nasa may hagdanan na. Ano ba? may elevator naman, bakit ayaw niya gamitin?
Nilapitan ko siya.
"Hey!"
Hindi niya ko nililingon.
"Are you really gonna ignoring me cause I won't stop chasing you. I mean it."
Alam kong nanalo na naman akong muli sa round na iyon dahil tumigil siya sa gitna ng hagdan. Nakita kong huminga muna siya nang malalim bago ako nilingon. Napangisi ako. Lalong nalukot ang mukha niya. She hates it when I grin at her.
"What do you want?"
Inabot ko sa kanya ang isang sandwich. "I told you to that breakfast—"
"Is the most important meal of the day." inis na pagtutuloy niya sa sinabi ko. Napansin kong nag-hesitate siyang kunin yun.
"Kunin mo na," udyok ko.
Paismid naman niyang kinuha. Tapos sabay alis.
Natawa ko. Sus! Pakipot pa! Tatawa tawa bumalik ako sa classroom.
***
JAZZ
Para akong tanga! Para akong tanga!
Padabog akong naupo sa may ilalim ng puno sa lower grounds ng school. Bakit ba ganoon na lang nagiging reaction ko kay Seb?
Tinitigan ko ang sandwich na nasa kamay ko.
Itatapon ko ba? Sinadya ko na ngang iwan sa classroom kanina. Kung bakit ba naman nag-effort pa siya na ihabol pa 'to sa'kin. I really hate him!
I'm so f*****g weird. I hate it! Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit ganoon na lang ang reaksyon ko nang tanggapin ko ang sandwich.
Was I touched?
It's just a freakin' sandwich! I shouldn't make a big deal out of it.
Ano ba namang kalokohan yan Jazz? HIndi mo pa gaanong kilala yung tao lumalambot ka na agad? Malay mo ba kung may masamang motibo yan sa pakikipag lapit sa'yo? Eh di patay ka na naman? 'Yan hirap sayo eh!
Ginulo ko ang buhok ko. Damn it! Peste naman kasing Sebastian yan! Bakit ba pilit niyang iniinvolve ang sarili niya sa buhay ko?
Naglakad ako palayo. Parang ayaw ko na tuloy pumasok.
Lalu pa akong nainis dahil imbis na bider lang ang aking dala ay dumagdag pa ang pesteng sndwich na 'to na bigy ng pesteng Sebastian na 'yon! Ugh! I really hate him!
Naisip kong kainin na lang ang sandwich para mabawasan ang dala ko. In the end, naisip ko na wala naman sigurong masama. Basta iyon na ang huling beses na tatanggap ako ng kahit anong bagay sa isang tao. Besides, gutom naman na talaga ko.
***
SEB
"Alis na 'ko, may kukunin lang ako sa library." Paalam ko kina Chase nung lunch break na. Dali dali akong umiba ng landas habang papaupo sila sa Cafeteria.
Nagulat ako nang pigilin bigla ni Chase ang braso ko. "Teka! Akala mo ba makakawala ka? Saan talaga ang punta mo?'
"Sa Lib nga! Ang kulit!"
"Sus! Lib na naman? Ang sabihin mo umiiwas ka."
"Bakit naman ako iiwas?"
"Okay! Hindi na kita kukulitin. Obvious naman na ayaw mo munang pag-usapan. But you should know na marami akong mata sa school grounds." Nakangising sabi nito.
Nag-hesitate ako. Totoo kasi ang sinabi ni Chase. Sa dami ba naman kasi ng babae nito. Hindi talaga malabong may magsabi dito kung sakaling may makakita sa amin ni Jazz.
Naupo na si Chase at James.
I sighed. Naisip kong wala naman talaga kong gagawin sa library. Aalis na lang ako pag kinulit ako ulit ng kumag na 'to.
Kaya ko lang din naman gustong umalis ay dahil wala silang tigil sa katatanong tungkol sa amin ni Jazz. Baka lang kasi ma-jinx pa nila kaya ayoko ring sagutin ang mga walang kwenta nilang tanong. Naupo na lang ako sa tabi niya sa usual na pwesto namin sa cafeteria.
"Sinasabi ko na nga ba eh." nakangising sabi nito. "Hindi na kita kukulitin, wag ka mag-alala. Malalaman ko din yan."
"Uy, teka! Ano yan ha? Ba't di ako kasali?" pa-epal ni James.
"Wag ka na, Boy!" si Chase.
"Ganyanan na ha?" patampo tampo pa kunwari ito. Parang tanga.
Naging animated na ulit ang kwentuhan habang kumakain kami. Hindi ko masyado naiisip si Jazz dahil ang kukulit ng mga kasama ko. Puro babae ang pinag-uusapan nila, nakikitawa na lang ako kasi wala naman akong lovelife ngayon. Hindi ko naman masasabing love life yung samin ni Gab.
Speaking of Gab...
I checked my phone and found a message from her.
Hi Edge! Text me naman if you're free. I wanna hang out with you kase. :)
Wow. Mukhang napapadalas na gustong lumabas ni Gabby ngayon ah?
Nag-reply ako.
Sure! Habang wala pa masyadong gagawin sa school. Take care.
Maya maya nag-reply ulit siya.
That's Great! Just text me ha? Anytime you want! :D
I smiled a bit but decided not to reply. Itinago ko na ang telepono sa bulsa ko.
We became busy the whole day. After kasi ng lunchbreak, tuloy tuloy na subjects na until five pm. Ma-swerte ka kung bigyan kayo ng break ng professor n'yo. Which in our case. Walang break.
Puro umaatikabong discussion.
Nung uwian, sabay kami ni Chase, nasa casa daw kasi yung auto niya. Sa iisang subdivision rin naman kami nakatira kaya naman hindi iyon naging problema.
"Thanks, bro."
"Geh lang. Sagot mo ako sa susunod!" kantyaw ko nung makababa na siya sa tapat ng bahay nila.
Binigyan lang niya ako ng thumbs up saka tumalikod na. Nakita ko kung paano nalaglag ang balikat niya nang papasok na siya ng bahay. I sighed. Medyo problematic kasi ang pamilya ni Chase. Alcoholic ang tatay niya at madalas siyang apihin ng mga nakatatandang kapatid niya. That's why I couldn't blame him kung wala siyang gana palaging umuwi.
Nagda-drive na ako pauwi sa bahay, may nakita akong pamilyar na pigura. Si Jazz! Ba't kaya ngayon lang uuwi tong babaeng 'to? Dapat kanina pa siya nakauwi ah?
Binusinahan ko siya.
Nilingon niya ako ngunit nang makilala siguro ang sasakyan ko ay agad siyang tumalikod na tila walang nakita. This woman!
Tinapatan ko siya at binaba yung salamin ng kotse.
"Get in," sabi ko. "Hindi ka dapat naglalakad dito ng dis-oras ng gabi. Ano ka ba?"
"Salamat pero kaya kong maglakad."
Ay ang kulit! "Sasakay ka, o ako pa magsasakay sa'yo?"
Aaand I won the round again. She hissed at me as she grabbed the door handle.
"Let me get things straight," bungad niya agad. "Stop ordering me around. Hindi mo ko alila. Wag ka rin masyadong sunod nang sunod sa'kin dahil ayoko sa mga makukulit na tao."
"Hindi kita sinusundan 'no! Dito rin ang daan ko pauwi. I live here, too. Remember?"
"Whatevs!" She rolled her eyes. "Basta wag ka dikit nang dikit sa'kin!"
"Bakit may magagalit ba?"
"Wala ka nang paki!"
"Hindi nga? may boyfriend ka na?" Pangungulit ko.
"It's none of your business. Isa pa, wag kang tanong nang tanong!"
Natawa 'ko. I doubt it kung may BF nga siya na magagalit kung dikit man ako nang dikit sa kanya. Alam ko naiirita lang siya, and she prefers to be alone.
May naisip ako. "Pag sinunod ko ba yang mga rules mo na yan, papayag ka nang maging friends tayo?"
Kinunutan niya ko ng noo. Tinitingnan siguro kung siryoso ako. And when she was satisfied at what she's seeing, she said, "I'll try."
"Bakit 'I'll try' pa? Bakit hindi mo-"
"Bahala ka nga sa buhay mo!" She cut me off.
Napabuntong hininga ako. "Fine! 'I'll try' will do." pinapahirapan talaga ko nitong babaeng 'to.
Hindi ko na gaano nakikita si Jazz sa mga sumunod na araw. Sali saliwa kasi ang sched namin. Kahit sa bahay, hindi ko rin siya nakikita. Masyadong mailap. Tingin ko gabi na siya umuuwi, ang hindi ko alam eh kung san siya nagpupupunta.
Ang sabi noon ng Mommy nya, taga Bulacan talaga sila. It means malayo dito kung sino man ang mga friends niya. Sino kayang kasama niya?
Excited na tuloy ako mag thursday para masundo ko ulit siya.
Pero muli, nadismaya lang ako nung sumapit ang thursday. Pagdating ko sa bahay nila, wala daw si Jazz, hindi umuwi.
Tinanong ko syempre yung mother niya kung saan pumunta si Jazz, pero hindi daw niya alam.
Seriously? Parang walang kapaki pakialam sa anak niya?
I sighed. Nanlumo ako dahil ilang araw kong hinintay ang thursday and she ended up ghosting me.
Nakasimangot ako maghapon dahil kahit sa school ay no show si Jazz. Where the hell is that woman? Bakit basta basta na lang siyang lumiliban na hindi man lang nagpapasabi? Wala ba siyang pakialam sa grades niya?
Damn! I should really stop being so clingy.
Maghapon tuloy akong wala sa mood. Hindi rin ako makausap nang matino nila Chase. Nagtataka na rin naman ako sa sarili ko kung bakit masyado kong apektado sa hindi paguwi uwi ni Jazz. Saka na rin sa pagwawalang bahala ng Mother niya sa kanya.
Jeez.. Kakikilala ko pa lang sa kanya a few weeks ago.
Ni hindi ko nga masabi na kilala ko na talaga siya eh. Hindi pa naman kami nagkakausap nang matino ng babaeng yun, ta's ganito na 'ko umasta?
Hindi ko talaga maintindihan. Why I can't seem to leave her alone?
Friday came. Hindi pa rin pumapasok si Jazz.
Nag-aalala na rin ako baka ma-drop na talaga siya nang tuluyan sa subject namin.
Shit! 'Di kaya nag drop na talaga sya?!
Ano ba yan?!
Nababalisang pinaikot ikot ko yung ballpen na hawak ko sa pagitan ng mga daliri ko. Sana naman hindi siya nag-drop! Masasakal ko talaga ang babaeng 'yon!
Eh ano naman sa'yo kung nag-drop na nga siya? my mind jeered.
Kainis! Bakit ba kasi ako nagkakaganito?
"Pre, wala ka sa hulog ah." puna ni Chase sa'kin.
"I'm fine."
"Walang fine na buong mag-hapon na hindi kumikibo."
"Shut up."
"Ba't pala hindi na naman pumasok si Mysterious Girl?"
Do he really need to rub it in? "Malay ko? HIndi kami close."
"Utot mo, Dela Rosa."
Buti na lang bumalik na si Chase sa gingawa niya. Paepal eh.
Nakuha na ni Chase yung auto niya kaya wala na 'kong kasabay pauwi. Medyo madilim na nung napagpasyahan ko yun, tumambay na lang ako ulit sa gym, pero hindi na ko nag-basketball. Naupo lang ako dun, nakatingin sa kawalan.
Nang makumbinsi ko ang sarili kong Jazz is not showing up, tumayo na ako at nagdesisyon nang umuwi. Habang nagda-drive ay as usual, lumilipad ang utak ko.
Papaliko na ko sa street namin, medyo madilim sa bahaging yun ng subdivision. Nagliwanag lang ng konti dahil sa headlights ko.
Napansin ko yung mga kalalakihan na nagkumpulan sa may gilid. Apat sila. Hindi ko kilala.
Nun ko biglang nakita na may parang hina-harass sila na babae.
Si Jazz!
Tsk.
Bumusina ko para malaman nila na nakita ko sila.
Pero hindi sila tumigil.
Bumaba agad ako.
"Hey!"
"Sino ba 'tong asungot na to, miss? BF mo?" tanong nung isa.
"Tapang ah!" sabi naman nun isang medyo matangkad.
"Leave her alone." matapang na sabi ko.
Dalawang maliit. Dalawang medyo malaki. Sa isip isip ko, siguro naman kakayanin ko 'tong mga mokong na 'to.
"Bitawan mo sabi ako." Nagpupumiglas si Jazz sa isang tabi. Hawak hawak siya nung isang medyo malaki din.
"You heard her." sabi ko. "Let her go."
"H'wag kang makialam dito!"
Bigla na lang ako sinuntok nung isa. f**k! Naunahan ako dun ah?
Kahit papaano naman kaya ko lumaban sa kanila. Nag-aral ako ng Judo dati nun High school ako, hindi ko nga lang tinuloy kasi naging busy na ako sa basketball at sa academics. Nagawa ko naman silang upakan, nagsitakbo na rin ang mga mokong nung may dumating na security guard.
Pagkatapos ko magpaliwanag sa sekyu ay umalis na kami.
Sapu-sapo ko yung panga ko. Duguan din ang ilong ko at putok ang ibabang labi ko.
"Okay ka lang?" Ngayon ko lang naisipan na tanungin si Jazz. Napaka un-gentleman ko naman
"You didn't have to do that." Nagtatagis ang bagang na sabi niya sa'kin.
Napatingin ako sa kanya. What the hell is wrong with her?! Siya na nga yung niligtas, parang siya pa ang galit!
"What are you saying? pano kung na-r**e ka ng mga yun?!"
Naglakad na siya palayo. Narinig ko pa na bumulong siya ng, "Who cares?"
Agad ko siyang sinundan. "What do you mean, who cares?" I demanded. "Your mother cares. I care! Pwede ba sandali lang, kausapin mo muna ako?"
Hindi siya natinag.
"Will you stop walking, woman?!"
Galit na binalikan niya ko."Didn't I tell you to stop ordering me around?! It pisses me off!"
"I will order you around as I please. Lalu na kung ganyan ang attitude mo!" I crossed my arm in front of my chest. "Aba! Ikaw na nga tong niligtas, Ikaw pa ang galit! Ibang klase ka talaga! The least you could do is say thank you, pero ano-"
"EH DI THANK YOU!"